Mary Kate
"Mary Kate, kumalma ka nga!"
Natigil ako sa pagsasalita nang marinig ang malakas na boses ni Ate Shana sa kabilang linya. Pero hindi pa rin tumigil ang panginginig ng katawan ko, kinakabahan ako, nag aalala at hindi ako makapag isip ng maayos. Iniisip ko kung ano na ang nangyayari kay Lavvi ngayon, kung okay lang ba siya? Kung anong pwedeng gawin sa kanya ng tatay niya? O pareho lang ba kami ng nararamdaman?
Mas worse pa ba ang tatay niya kay Tita Heather? Naalala ko kasi noon na ikinulong si Haru sa sarili nitong kwarto para hindi makapunta kay Sam, kung hindi lang naospital si Haru ay hindi ito titigil. Pero kilala ko si Tita at alam kong hindi naman niya sinaktan ng pisikal si Haru noon. Pero itong kay Lavvi, wala akong alam sa kanya, sa tatay niya at sa kayang gawin nito. Wala akong alam sa kanila.
At sino ba ang makakapag isip ng maayos kapag sinabi ng girlfriend mo na umalis ka ng lugar na ito? Hindi ako papayag na iwan siya dito. Pwede ko naman siyang isama kung aalis ako. May pera naman ako. Hindi ako kasing yaman ng mga Saavedra pero kaya ko naman siyang bigyan ng maayos na buhay. Kung iiwan ko siya dito, baka wala na akong Lavvi na mabalikan. Hindi ako papayag na ipagkait na naman sakin yung ganito.
"Mary Kate, she's a minor. Wala kang laban."
Kailan pa naging dahilan ang edad para sa dalawang taong nagmamahalan? Mas matanda rin naman si Ate Hea kay Cameron ng ten years pero wala naman naging problema ah. Ganon rin kay Sydney at Iris. Bakit kapag ako, ang daming problema? Bakit ang daming bawal?
Wala ba akong karapatan na sumaya? Hindi ba pwedeng kahit ngayon lang? Sila lang ba ang pwedeng sumaya kasama ng mga mahal nila?
"At anak pa talaga ni Congressman David ang gusto mong itanan! Ano ba Mary Kate? Napakabata pa niya! Ang mabuti pa, pumunta ka na muna dito sa farm, hindi ka nila magagalaw dito."
"Pero naghihintay sakin si Lavvi."
"Sa tingin mo ba makakalabas ng kwarto ang batang yun? My goodness! Bata pa siya at hindi pa niya kayang sumuway sa magulang, Mary Kate, makinig ka sakin, umalis ka na dyan sa apartment mo at pumunta ka na dito!"
"No! Hindi ako aalis dito na hindi kasama si Lavvi!" Pagkasabi niyon ay pinatay ko na ang tawag.
Wala ako sa mood para makinig sa mga sermon niya. Hindi ba pwedeng tulungan nalang niya ako? Wala namang mali sa gagawin ko ah. Mahal ko naman siya ah. Kaya ko naman siyang protektahan. Kaya ko. Ang kailangan ko ngayon ay tulong, hindi ng pagkontra.
Kinuha ko na muna ang mga mahahalagang gamit ko bago lumabas ng apartment. Okay lang naman kahit hindi ko na dalhin ang mga damit ko. Marami ako niyan. Ang pinaka importante, si Lavvi.
Habang nagdadrive ay kinakabahan ako. Tinatawagan ko kasi ang number niya pero nakapatay ang phone niya. Hindi ko naman matawagan yung number na ginamit niya kanina. At isa pa, tawag rin ng tawag si Ate Shana. Tsk.
Pagdating sa tapat ng bahay nila ay bumaba na ako ng sasakyan. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa gate nila ay may humarang na sakin ma dalawang lalaki na may dalang baril. Ganito rin ang sasalubong sayo kapag papasok ka ng bahay nina Avery.
"Ma'am, bawal po kayo dito." Sabi ng isang lalaki. Lumingon pa ito sa paligid. "Kapag nakita po kayo ni boss baka barilin po kayo."
Natakot man sa sinabi ay pilit kong pinakalma ang sarili. Pero bakit niya sinasabi sakin ito?
"Mabait na bata po si Miss Lavvi.." Sabi pa ng kasama nito. "Kaya naaawa po kami sa kanya. Kaya Ma'am, para kay Miss Lavvi, umalis na po kayo at baka mapahamak po kayo.."
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)
RomanceMula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong...