Hello again 🤣
-----
Mary Kate
"Si Lavvi?"
Itinuro lang ni Avery ang kwarto kung saan tumutuloy si Lavvi. Tinawagan nya kasi ako kahapon at sinabing nagpunta raw si Lavvi sa kanya at umiiyak. Kinausap daw kasi nito ang ama at nagtalo na naman. Itinakwil na yata at ipinasunog pa ang bahay ni Lavvi. Mabuti nga daw at nakaligtas ang nag iisang kasambahay nya at narito na rin kina Avery. Anong klaseng ama naman yan? Hindi na naawa sa nag iisang anak.
I mean.. Anong klaseng pamilya meron siya? Masasabi kong istriktong ina si Tita Heather, pero may puso naman sya para sa mga anak kahit papaano. Ang parents ko, kahit na ilang beses akong nakagawa ng pagkakamali ay mahal pa rin at tinanggap ako. Pero bakit sya? Nag-iisang anak pa mandin siya. Ang malas naman ni Lavvi sa mga magulang.
Nang marating ang kwarto nya ay kumatok muna ako bago buksan ang pinto. Nakita ko siyang nakahiga lang. Kawawang bata.
"Lavvi?" Naupo ako sa gilid ng kama niya paharap sa kanya. Umangat naman ang ulo nito at malungkot na ngumiti. "Cheer up." Naawa ako sa kanya. Kita ko sa mata niya ang matinding lungkot.
Hindi naman siya sumagot pero bumangon naman. Magulo pa ang buhok niya, parang bata. Ganito siguro talaga si Lavvi. Mukha lang syang strong, pero sa likod ng strong aura nya ay isa pa ring bata.
"P-Pakakasalan mo pa rin ba ako?" Tanong niya na sa sariling mga kamay nito nakatingin.
"Bakit hindi?"
"I have nothing to offer, Mary Kate.." Mahinang sabi pa niya. "Nawala na ang bahay ko, ang meron nalang ako ay ang trabaho, Mary Kate." Naiiyak na sabi pa.
"And?"
"Malakas ang loob kong alukin ka ng kasal, kasi may sarili na akong bahay. May naipundar na ako. Pero ano na ngayon?"
"Ano bang meron ngayon?"
Tila nagtataka siyang sumulyap sakin. "MK, paano ka magpapakasal sa taong walang kasiguraduhan?"
"Hindi ka ba sure kung mahal mo ako?" Sa totoo lang alam ko ang ibig niyang sabihin. Pero kahit ganito, gusto ko pa rin pagaanin ang sitwasyon namin.
Sumangot lang sya at hinawakan ang pisngi ko. Pagkatapos ay pinisil na akala mo bata ako. "Sigurado akong mahal kita. Pero sa estado ko ngayon, hindi ko maibibigay lahat ng luho-"
"Hindi naman ako maluho." Hinawakan ko ang mga kamay nyang nasa pisngi ko. "Ako nga ang nahihiya sayo, ikaw may trabaho ka, tapos ako wala. Wala akong ginawa kundi magpagala gala lang." Totoo yan. Hays. Sana nagtayo kami ng business ni Jam noon eh.
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)
RomanceMula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong...