Chapter 33

1.6K 84 16
                                    

Mary Kate

"Hindi ka marunong madala, Mary Kate!"

Hindi ko na alam kung nakailang beses na akong napahugot ng malalim na paghinga. Pero hindi katulad noon, wala akong nararamdaman na kahit na anong takot o pangamba, kinausap ko na kasi ang parents ko tungkol kay Lavvi. At katulad ng inaasahan, si Mommy ang kumontra. Si Mama kasi ay tumahimik lang para pakinggan ako.

"Kasal? Sa batang yun?" Tumingin siya kay Mama na parang nagsusumbong. "Pagsabihan mo ang anak mo, Cassandra!"

"Hana, pakinggan mo kaya muna ang sasabihin ng anak mo?"

"Na ano? Na nababaliw na sya kaya magpapakasal siya sa batang yun? Baka nakakalimutan mo ang ginawa ng tatay nun kay Katie? Yung Lavender na yun ang dahilan kung bakit hindi na nagtuturo si Katie, kung bakit ilang taon syang malayo sa atin!"

"Mommy, matanda na po ako. Alam ko na po ang ginagawa ko." Thirty years old na ako at ayaw ko magsayang ng panahon. Kung magreact naman si Mama, para akong teenager na nagpapa alam para sa sleepover.

"At pano si Jam?"

"Hindi ko naman po girlfriend si Jam."

"Katie, bakit biglaan?" Si Mama Cassa ang nagtanong. Kalmado ang boses niya hindi katulad ni Mommy na handang sumugod sa away. "Five years kang nawala, at halos ilang araw ka lang na narito ah. Biglang kasalan?"

"Maraming taon na po ang nasayang, Mama." Ayaw kong gumaya kay Haru na nasayang ang ten years nila ni Sam. "I love her, Mama."

"Love?" Si Mommy na naman ang nagreact. "Eh hindi ka nga umuwi ng limang taon tapos sasabihin mo love mo siya eh ilang araw lang ulit kayong nagkasama."

"Hindi naman po nawala, Mommy. Naging duwag lang po ako." Gustuhin ko man mag explain, alam ko na hindi pakikinggan ni Mommy.

"Hindi ako papayag na magpakasal ka sa batang yun. Ilang taon lang siya? Wala pa nga syang napapatunayan. at magulo ang buhay ng mga pulitiko, madadamay lang tayo!"

"Mommy naman.."

"Hindi ako papayag sa gusto mo, Katie." Pagtanggi pa rin ni Mommy. "Tapos na ang usapang ito."

"Pupunta po ako sa bahay niya sa Lucena."

"At bakit?"

"Ang sabi po ni Tita Shannon ay may sakit si Lavvi at nagpilit pa rin na umuwi ng Quezon. Dadalawin ko lang po siya."

"Nurse ka ba?!" Wala na yatang plano magbaba ng boses ang Mommy ko. "Uminom siya ng gamot. Hindi yung dadayo ka pa! Mayaman siya di ba? Magpa ospital na rin siya."

"Mommy, babalik naman po ako agad."

"Subukan mo talagang lumabas ng bahay, Mary Kate!"

"Mom! Hindi na po ako bata para pagbawalan mo!"

"Hana, ano ba?" Medyo tumaas na rin ang boses ni Mama. "May sariling utak ang anak mo. Matanda na yan. Alam na niya ang tama at mali."

"At mali ang ginagawa niya, Cassandra! Baka this time, ipapatay na talaga siya ng Tatay ng Lavender na yun!"

"Mali lang sa paningin mo, Hana. Pero masaya si Katie sa ginagawa niya."

"Kahit mali?"

"Hindi naman tayo ang magdedecide kung mali ba o tama." Kung kanina ay nagtaas ng boses si Mama, ngayon naman ay parang naglalambing na siya. Hindi talaga niya kayang magalit ng matagal sa Mommy ko. Ganon niya siguro kamahal si Mommy. Sana katulad rin ako ni Mama na mahaba ang pasensya.

"Kinukunsinti mo na naman ang anak mo, Cassandra."

"Hindi sa ganon." Sumulyap sakin si Mama at tumango. "Sige na, Katie. Ako na ang bahala sa Mommy mo."

Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon