Mary Kate
"I'm disappointed."
Napakagat labi nalang ako sa sinabi ni Mama Cassandra. Nagyuko nalang ako ng ulo at tinuon ang atensyon sa mga kamay ko. Wala akong lakas ng loob na salubungin ang mga titig nila, hindi ko kayang makita ang disappointment sa mga mata nila. Sa ikalawang pagkakataon, nabigyan ko na naman sila ng kahihiyan.
Sanay akong laging napapagsabihan ni Mommy, pero si Mama? Alam kong nasaktan ko siya. Alam kong mali ang nagawa ko. Alam kong nabigo ko si Mama lalo na at isa rin siyang guro dati. Tapos ako heto, bagong teacher palang pero gumawa na agad ng bawal. Palagi ko nalang silang nabibigo. Simula pa noong sa St. Michael ako, hanggang ngayon nasa ibang school ako. Wala na akong ginawa kundi bigyan sila ng kahihiyan. Ako pa naman ang nag-iisang anak pero ako lang rin lagi ang nagdadala ng problema.
"Ang sabi mo nandun ka para makalimot." Dagdag pa ni Mama. "Pero sa dami naman ng pwede mong maging girlfriend, estudyante mo pa?" Bakas ang pagkadismaya sa boses niya. "At sa isang menor de edad pa talaga, Mary Kate?!"
Napapitlag ako nang tumaas ang boses niya. Naramdaman ko ang pag upo ni Mommy sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Katie, masyado pang bata yung Lavender.."
"Mom, mahal ko po siya-"
"Walang masamang magmahal, Mary Kate!" Sigaw ni Mama. "Pero hindi sa estudyante mo, at hindi sa minor! Nag iisip ka bang talaga?!"
"Cassandra, wag mong sigawan ang anak ko!" Kahit si Mommy ay sumigaw na rin.
"Anak ko rin siya, Hana." Bahagyang bumaba ang boses ni Mama. "At karapatan kong pagsabihan siya sa mga maling desisyon niya sa buhay!"
"I.. I'm sorry.." Pinunasan ko ng kamay ang mga luha ko. "P-Pero mahal ko po siya.."
"Ganyan rin ang sinabi mo noon kay Haru." Kontra na naman ni Mama. "Kaya pumayag kami na sumunod ka sa Japan at magpaka tanga kakahabol sa kanya. May nangyari ba?"
Tama siya. Naalala ko noong nagpilit pa ako sa kanila na payagan akong pumunta sa Japan para mag alaga kay Haru. Ayaw pa nga nila pero pumayag rin naman. At tama rin siya, wala naman akong napala kay Haru kundi sakit at kahihiyan.
"At ngayon, sa isang bata pa na anak ng mamamatay tao?"
"Cassandra ha! Imbes na damayan natin si Katie, nanunumbat ka pa!"
"Totoo ang sinabi ko! Sa tingin mo ba ay safe na ang anak mo dahil nandito siya? Si Avery na mismo ang nagsabi na maruming kumilos ang Congressman na yun! Wag kang pakampante na nandito si Mary Kate!"
"Anong gusto mong gawin ko?" Sagot ni Mommy. "Mas lalo mo lang tinatakot ang anak mo!"
"W-Wag na po kayong mag-away.." Nakokonsensya tuloy ako na pati sila ay nag aaway dahil sakin.
"Pumunta ka muna ng ibang bansa. Dun ka muna magstay." Sagot ni Mama kaya napatingin ako sa kanya. "Kahit saan mo gusto, kahit gaano katagal."
"Cassandra!"
"Anong gusto mo, Hana? Mag stay siya dito pero nasa panganib ang buhay ng anak mo? Mas gugustuhin ko pang malayo siya!"
"At pano ka nakakasiguro na safe rin siya sa ibang bansa?!" Ang sigaw ni Mommy ay may halong iyak na. "Palagi nalang lumalayo ang anak ko!"
"M-Mama.. Nangako po ako kay Lavender na-"
"Tigilan mo ang kabaliwan mo sa batang yun, Mary Kate!" Ngayon ay namumula na ang mukha ni Mama at natatakot ako dahil baka tumaas ang BP nito. "Tama na ang isang beses kang nalagay sa alanganin dahil sa kanya!"
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)
RomanceMula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong...