Mary Kate
"Stop texting, Patricia!"
Palihim akong napangiti nang marinig ang halos pabulong na boses na iyon. May halong pananaway ang boses pero malambing. Sino pa ba? Walang iba kundi si Lavender David. Hindi naman sa pagyayabang pero malakas ang aking pandinig kaya kahit ibulong niya ay naririnig ko. At isa pa, kahit nakatalikod ako at nagsusulat dito sa board ay alam kong wala rito ang focus nila. Lahat sila ay may sariling mundo at pinagkaka abalahan. Well except sa pinaka matalinong tao dito, si Lavender ulit. Siya lang yata ang may pakialam sa loob ng klase.
Sa isang linggong pagtuturo ko dito ay masasabi kong mabait na bata naman siya at matalino pa. May pagka strict nga lang pero nasa lugar naman. Kinagigiliwan siya ng mga kaklase niyang masisipag at kinaiinisan ng mga classmates niyang tamad. At pansin ko rin ang pagkagiliw niya sa bestfriend niyang si Patricia. Yes, kay Patricia ko lang siya nakitang nakangiti..
Si Patricia na kanina pa nagtetext sa klase ko. Humarap ako at hindi yata napansin ni Patricia na nakatingin na ako sa kanya. Si Lavender ay napailing nalang at kinalabit ang kaibigan. Hindi pansiya pinansin nung una pero nung tumikhim ako ay nagulat ito.
"M-Miss!"
Nagtawanan ang mga kaklase nito dahil sa reaksyon niya. Pero imbes na pagalitan ay nginitian ko siya. "Alam kong bago lang ako dito.." Malambing na pagkakasabi ko. "At alam natin na lahat ng school, nagbabawal magphone habang nasa klase.. Anong gagawin kapag nahuli ng teacher ang student na gumagamit ng phone?" Pabirong tanong ko.
"K-Kukunin po ang phone?" Nakangiwing sagot niya.
"Very good, Patricia!" Pumalakpak pa ako na ikinatawa pa ng iba.
"Pero.. M-Mas mabait po kayo kay Mrs. Garcia kaya bibigyan niyo lang po ako ng warning di ba?" Pang uuto niya na ngumiti pa na akala mo anghel.
"Hmm. Next time magiging immune na ako sa ngiti mong yan, Patricia ha." Naniniwala kasi ako na hindi mo dapat agad pagagalitan ang isang estudyante. Warning lang muna. "Fifteen minutes nalang naman at matatapos na ang klase, itago mo na muna yan ha?"
"Yes, Miss. Thank you so much!"
Nang tumalikod ako ay narinig ko pa ang sinabi ni Patricia sa kaibigan. "Maganda na, mabait pa. Hulog ng langit si Miss Beltran noh? Anghel siguro?"
"Shut up."
Huminga ako ng malalim para pigilan ang matawa sa sinagot ni Lavender dito. Bagay nga talaga silang maging magkaibigan...
---
"Miss Beltran!"
Napatigil ako sa paglalakad sa hallway nang marinig ang boses na yun. Nang lingunin ko ay nakita kong tumatakbo palapit sa akin si Lavender. Napakunot noo ako, lagpas na ng alas singko ng hapon pero naririto pa siya?
"Lavender.." Sa totoo lang ang cute ng name niya. "Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ko nang makalapit siya.
"Katatapos lang po ng duty ko sa Student Council." Sagot niya na hindi ngumingiti pero hindi naman nakasimangot. Grabe. Nakaka intimidate talaga ang batang ito. Hindi ko tuloy alam kung ngingitian ko ba siya ngayon kasi baka taasan niya lang ako ng kilay.
"Uuwi na po kayo?" Tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. "May pupuntahan pa po ba kayong iba?" Tanong ulit niya at katulad kanina, tumango lang din ako. "Ahm.. G-Gusto nyo po bang sumama sakin? Drinks lang po tayo?"
Napataas kilay ako. Kinabahan rin ako sa tanong niyang iyon. Napaka straightforward! Inaalok ba niya ako ng date? My gosh. Isa nga sa mga dahilan ng paglipat ko dito ay para hindi na ako makulit pa ni Riel sa St. Michael eh. Tapos ito pang isang student ang magkakagusto sakin?
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)
RomanceMula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong...