Mary Kate
"Isinama po siya ng Papa niya."
Kahit naiinis na ay sinikap ko pa rin na ngitian si Patricia. Absent kasi ngayong araw si Lavender at wala man lang pasabi kung bakit. Kanina pa ako nagtetext at tumatawag sa kanya pero wala man lang siyang sagot. Kung hindi ko pa tinawag si Patricia ay hindi ko malalaman. Sana man lang nagsabi siya sakin para hindi ako nag aalala. Kagabi nga ay hindi man lang nagparamdam, imposible naman na nakatulog siya ng maaga.
"Sure rin po ako na kinuha ni Tito ang phone niya, ayaw kasi nun ng may istorbo kapag nasa meeting siya. At wala rin pong magagawa si Lavvi kapag inutos ng Papa niya."
"Pero hindi man lang siya nagsabi kagabi? Ano yun? Natulog agad siya?"
"Kapag po inutos ng Papa niya na matulog, susunod po yun."
What?! Batang paslit ba siya?
"Strict po kasi ang Papa ni Lavvi. Bawal nga po yun maglalabas kasi delikado daw."
Strict rin naman ang Mommy ko pero hindi naman umabot sa punto na ganyan. Ganyan ba ang mga pulitiko sa mga anak nila? Si Avery naman siguro ay hindi magiging ganyan sa mga anak nila.
"Sorry po, Miss MK. Sure naman po ako na mag explain si Lavvi kapag nakabalik na siya."
"At saka kasama ba talaga siya sa mga meetings ng Papa niya?" Hindi ba at masyado pang bata si Lavender para sa ganon?
Umiling si Patricia. "Ngayon lang po siya isinama ng Papa niya. Nagulat rin po ako kasi ayaw ni Tito mag absent si Lavvi pero sinama pa rin niya."
"Sige, mag-usap nalang kami mamaya."
"Ahmm.. Miss?"
"Yes?"
"Pwede pong malaman ang IG account nyo?"
"Huh?" Kakamot kamot naman ito sa ulo.
"Eh kasi po hanap kami ng hanap dati ng IG account nyo eh tapos hindi po namin makita?"
"Ah okay?" Kinuha ko ang phone ko at inopen ang app na sinasabi niya. Pinakita ko rin sa kanya. "Ayan oh."
"Thank you, Miss MK." Ngumiti na ito at pinakita ang account niya. Nag notif naman sakin na nag follow siya at ganon rin ang ginawa ko. "Wag nyo pong i-follow si Lavvi, puro picture po ng mga notebook at libro ang nakapost. Haha."
Kung nandito siguro si Lavender ay baka nainis na naman ito sa bestfriend niya. Kaso nga, wala. Tsk.
Nang makaalis si Patricia ay nag scroll muna ako sa IG, at napukaw ang atensyon ko sa post ng isa sa mga dati kong students sa St. Michael. Hindi ako pwedeng magkamali, picture ni Lavender ang nakapost at may caption na 'cutie'.
Magkasama sila ngayon? Pero paano? Politics? Anak kasi ng senador itong student ko dati, so nasa Manila si Lavender? At hindi man lang nagpaalam?
Nakaramdam ako ng inis at selos. Nakakainis kasi hindi man lang sya magsabi. Hindi naman siguro uubos ng isang minuto ang pagtext na aalis siya. At isa pa, heto at nakakalat ang itsura niya sa sa Instagram! Marami pa namang followers itong si Alona at nababasa ko sa comments na maraming nagtatanong kung sino ang babae sa picture na pinost niya.
Humanda ka talaga sakin, Lavender David! Hindi kita kakausapin ng one week!
-----
Hindi kakausapin ng one week? Pero pagkakita palang sa isang pirasong bulaklak na nasa drawer ko ay napapangiti na ako, may maliit na papel pa na may nakasulat na sabayan ko sila ni Patricia na maglunch sa cafeteria mamaya. Sinubukan kong hindi magpakita ng emosyon habang nakatingin sa buong klase, lalo na kay Lavender na todo ang ngiti ngayon. Pangiti ngiti pa siya dyan na akala mo walang kasalanan sakin! Eh kung ihampas ko kaya sa mukha niya ang bulaklak dito?
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)
RomanceMula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong...