Chapter 31

1.6K 86 36
                                    

Hello sa maganda at sexy kong baby 🤣🥰🍓😍😘❤

-----

Lavender

"Ano to, joke time?"

Joke time? Magba-byahe ba ako ng matagal at dadayo ng Manila para lang mag-joke? At kailan pa naging joke ang pakikipag-break?

Mukhang lutang yata ngayon si Alona kaya kung ano-ano ang sinasabi eh.

"Baka pagod ka lang o gutom? Or maybe you're stressed?" Tumayo pa sya at lumapit sakin at marahang hinila sa braso kaya napatayo na rin ako. At katulad ng lagi niyang ginagawa, yumakap sya sa isang braso ko. "Anong gusto mong foods? Magpapaluto ako."

Ganito naman siya lagi kapag dinadalaw siya dito sa bahay nila. Kahit hindi naman sya masarap magluto, tina-try nya pa rin kasi sabi nya ganon daw dapat ang mga girlfriend. Ang cute at sweet niya nga, ang swerte ng taong mamahalin niya. Kung dati wini-wish ko na sana ako nalang, ngayon ay hindi na. Bukod sa alam kong hindi ko naman sya kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko may MK, alam ko rin naman na straight itong si Alona at naghahanap lang ito ng tyempo para matigil na rin kung ano ang meron samin.

"Ano ka ba?" Halos pabulong nalang ako. Nakakahiya kasi sa mga kasambahay nila kung marinig ang mga sinasabi namin. "Seryoso ako, Alona. You're free. You can do whatever you want na kasi hindi ka na committed sakin."

"What are you talking about? Anong free?" Nagsalubong na ang magagandang kilay niya at sumimangot na. "Lavvi, pagod ka lang."

Inalis ko ang mga kamay niyang nakayakap sa braso ko at hinarap siya. "Alona, ang ibig kong sabihin, itigil na natin yung pagpapanggap natin na mag girlfriend tayo."

"Hindi naman tayo nagpapanggap."

"I know.. Pero.." Ang hirap naman iexplain to. "Okay, para mabilis, magbreak na tayo." Shit, ang gago naman ng sinabi ko. Linyahan yun ng mga gagong lalaki na mang iiwan ng girlfriend nila kasi nakahanap ng bago!

Tumaas lang ang kilay niya at tumalim ang mga mata. "Why?"

"Kasi-"

"Kasi bumalik si MK?" Siya na mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong. "Okay naman tayo Lavvi ah. Masaya naman yung three years natin, nag enjoy tayo pareho. Walang problema, walang nasasaktan. At tanggap tayo ng family natin. So what's wrong?"

Ayun nga eh. Okay kami kasi walang romantic feelings na involve sa relationship namin. Masaya kami kasi friends naman kami. Ngayon ko lang narerealize na ang relasyon namin ay parang katulad ng relasyon ni MK kay Jam.

"Tinatapos mo kasi nandito na si MK?"

"Yun naman talaga ang usapan, di ba? Na kapag binalikan ako ni MK, tatapusin na rin natin yung pagpapanggap natin." At saka nakinabang rin naman sya sa setup namin ah. Hindi lang naman ako.

"My goodness, Lavender!" Nagulat pa ako sa biglang pagtaas ng boses niya. "Halos anim na taon! Yang mga panahon na yan, ako ang kasama mo, ako ang karamay mo, ginawa mo pa akong girlfriend! Tapos ngayong bumalik ang ex mo, iiwan mo ako? At wag ka ngang tanga! May asawa na sya!"

"Wala siyang asawa, Alona. Hindi naman sila kasal at hindi sila magkarelasyon." Hindi siguro ngayon ang time oara iexplain ko sa kanya kung anong meron kay MK at Jam.

Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon