Lavender
"Anong ginagawa nyo dito?"
Nagulat man ay hindi ko pinahalata. Kakababa ko lang ng sasakyan at kaya pala may pinagtitinginan ang mga schoolmates ko. Pano ba naman, narito si Moreen at Alona na naka uniform pa ng St. Michael, malamang pagtinginan talaga sila. Mukha silang expensive. Pero ano ba ang ginagawa nila dito? Wala ako sa mood makipag usap sa kahit sino. Kung pwede lang nga na hindi pumasok ngayong araw eh.
Lalo pa at ngayong araw aalis si MK. Grabe ah. Tumawag lang siya para sabihing aalis siya? Mabilis na ba ang two years? Sa iba siguro. Pero para sa mga taong naghihintay, matagal na yun. Agad agad? Ganon ba siya ka excited na makalayo sakin?
Gusto niya akong makausap at makita bago siya umalis? Hindi ba niya naisip na mas masasaktan ako kapag ganon ang nangyari? Hindi ko kaya. Hindi ba niya naisip kung paano na ako kapag umalis siya? Kung anong mangyayari sa akin? Hindi niya ba naiisip kung paano ako mabubuhay araw araw na wala siya? Ako nga sa sarili ko ay hindi ko alam.
Hindi ako makaalis ng bahay na walang bodyguard. At hanggang sa labas ng classroom namin ay nakabantay talaga. Mabuti nga at pumayag na rin si Papa na makausap ko si Patricia, wala na daw kasi siyang mapagkakatiwalaan bukod dito. Wala akong phone. Lahat ng social media accounts ko ay pinabura ni Papa. Inalis na niya lahat.
"Nagkamali yata kayo ng school na pinasukan?" Tanong pa ni Patty sa dalawa.
"Umabsent kami." Sagot ni Moreen. "Para sunduin kayo."
"Ay bakit? Anong meron?"
"Hindi ba kayo nakausap ni Miss MK? Tumawag siya samin at nakiusap na sunduin kayo. Kasi mamayang hapon na ang flight niya."
"Inutusan nya kayong umabsent?" Ako na ang nagsalita. "Nakausap ko na sya at sinabi na niyang iiwan niya ako." Nilagpasan ko na ang dalawa at tinungo na ang papasok ng building namin. "Ako nalang ang humihingi ng pasensya kung umabsent kayo."
"Hahayaan mo nalang ba syang umalis?"
Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ang tanong ni Alona. "Yes. Siya nga iiwan ako, eh." Sagot ko na hindi sila hinaharap.
"Lavvi-"
"Mas pinili nyang umalis ng bansa kesa ang ayusin ang relasyon namin."
"Oh tapos? Aarte ka na agad ng ganyan?"
Marahas na nilingon ko si Moreen dahil sa sinabi nito. "Aarte? Wala kang alam kaya wag mo ko-"
"Wala naman talaga akong alam." Sagot niya. "Pero hindi mo man lang ba naisip na baka kaya siya aalis ay para maging safe siya? Sa tingin mo ba gusto niyang umalis at iwan ka dito? Naku naman. Bata ka pa nga."
"Hoy, Moreen. Tama na yan!" Awat ni Patricia. "Hindi mo alam na nasasaktan rin si Lavvi. Pareho lang silang nasasaktan at walang magawa si Lavvi!"
"May magagawa siya." Sagot pa rin ni Moreen. "Kaya nga nandito kami eh. Binibigyan na kayo ng chance na magkita at mag usap, pero ayaw niya."
"Hindi mo ba nakikita ang mga bodyguards niya?" Tinuro pa ni Patricia ang dalawang bodyguard ko na nasa likod ko lang. "Sa tingin mo papayag ang mga yan na sumama si Lavvi sa inyo?"
"Patty, tama na." Saway ko sa kanya. "Pumasok na tayo."
"Oo, bata pa si Lavvi kaya wala pa syang magagawa. Hindi pa niya kayang lumaban sa tatay nya." Ayaw pa rin tumigil ni Patricia. "Pero mahal nya si Miss MK. Tapos sasabihin mo umaarte si Lavvi?"
"Hindi ako magsosorry sa sinabi ko." Pagmamatigas pa ni Moreen. "Kung magsalita kasi siya ay parang ginusto ni Miss MK na umalis."
"Lavender.." Kalmadong tawag ni Alona. "Naintindihan ka naman namin eh. Pero intindihin mo rin si Miss MK. Kaya nga gusto ka nyang makausap di ba? Para makapag explain."
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)
RomanceMula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong...