Chapter 17

1.3K 78 13
                                    

Mary Kate

"Umuwi?!"

Wala akong pakialam kung sumigaw man ako sa harap ni Alona, o kahit nandito pa sina Haru sa tabi ko. Sino ba ang hindi sisigaw kapag nalaman mong umuwi na pala ang girlfriend mo, na hindi man lang nagpapaalam sayo? Kung iisipin ay wala namang problema dahil si Avery at Ate Shana naman ang kasama niya pauwi, pero paano kung ibang tao? Sasama pala sila? Paano kung wala si Avery? Uuwi sila ng sila lang? Ng ganitong oras? Hindi ba nila naiisip kung gaano kadelikado ang panahon ngayon?

"Kanina pa po namin kayo hinahanap Miss MK." Sabi ni Alona na mukhang wala sa mood. "Pagkatapos palang ng stage play."

Ah. Yung play. Aminado naman ako na hindi ko talaga tinapos yung play. Ano ako, tanga na panonoorin na may ibang hahalik sa girlfriend ko? Oo at ako nga ang nagsabi na sumali siya sa play, pero hindi ko naman alam na mqy ganong ganap pala! Kaya lumabas na lang talaga ako ng auditorium, sakto naman na nakasalubong ko si Haru and Samuelle kaya naman sumama na ako sa kanila kasi pupunta rin naman sila sa party ni Tita Charlotte.

Ang akala ko dati ay masasaktan pa rin ako kapag nakita ko silang dalawa. Pero mali ako, yung pagkabaliw at pagmamahal ko kay Haru noon ay nawala na. May pagmamahal pa rin naman, pero bilang isang dating kakilala at kaibigan nalang. At isa pa, si Samuelle, napakabuti pa rin talaga niya. Kung kausapin niya ako ay parang hindi ko siya nasaktan noon. Deserve talaga nila na sumaya. Katulad ko.

Pero ang plano ko lang naman ay magpapakita ng kaunting oras kay Tita Charlotte at babalikan ko rin sina Lavvi, kaya lang nagdatingan na ang mga Saavedra at pati na rin si Ate Shana. Hindi naman pwede na basta nalang ako umalis. Ang pagkakamali ko lang, hindi man lang ako nakapagtext kay Lavvi kung nasaan ako. Pero hindi ko naman intention na balewalain siya, hindi pa naman tapos ang araw at pwede ko pa rin silang dalhin sa Sweet You.

At ang pagkakamali lang din niya, na hindi man lang sya nagpaalam sakin na uuwi na siya. Ako ang nagsama sa kanila dito, ako rin dapat ang kasama niya pauwi.

"Sino ba si Lavender?" Tanong ni Samuelle, kung kay Alona o sakin, ay hindi ko alam.

"Student po ni Miss MK." Si Alona na ang sumagot. "Sige Miss, aalis na po ako." Paalam niya bago kami talikuran.

"Kasama naman nila sina Shana." Sabi ni Haru pero hindi ko sila pinansin. Bahala sila sa mga buhay nila. Naiinis ako kay Lavvi at mas naiinis ako sa kanila. Idadamay ko sila sa inis ko. "Ay grabe."

"Excuse me." Basta ko nalang sila iniwan at lumabas muna ng silid. Tinawagan ko si Lavvi pero nakapatay ang phone niya, at pati na rin kay Patricia. Talaga ba? Sunod kong tinawagan ay ang number ni Ate Shana, nakailang ring bago niya ito sagutin. "

"Katie?"

"Ate Shana si Lavender kasama nyo?" Tanong ko agad sa kanya. Tinawanan lang niya ako. "Ate?" May nakakatawa ba sa tanong ko?

"Yes kasama namin sila. Si Patricia at Lavender ay natutulog ngayon. Tapos si Moreen lang ang gising."

"Moreen?" Teka anong ginagawa ng batang yun kasama nina Lavender?! "Bakit kasama yan?" Nakakainis ha! Hindi pa ba siya kontento na kiniss niya ang girlfriend ko sa harap ng maraming tao?!

"I don't know?"

"Ate Shana!" Feeling ko ay madudurog na ang phone ko sa higpit ng pagkakahawak ko. "Tulog ba talaga si Lavvi?" Baka naman ayaw lang talaga makipag usap sakin ni Lavender. Sa sobrang inis ko ay naiiyak na ako.

"Sumama lang daw para ihatid yung dalawa. Katie, relax ka lang, safe na makakauwi sa mga bahay nila ang mga students mo." Kalmadong sabi pa nito. "Pagod na pagod nga at mukhang mahimbing na natutulog ang Lavender mo, I mean si Lavender. Haha."

Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon