Mary Kate
"Ikaw ang mas may karapatan!"
Napapikit nalang ako sa sigaw ni Mommy. Bihira ko lang sya marinig na sumigaw, kapag nagagalit lang siya at bihira lang din yun. Ang sweet kaya ng Mommy Hana ko, mukha lang syang suplada pero sweet siya samin ng Mama Cassa ko.
Kauuwi ko lang galing sa hacienda ni Ate Hea. Sinama kasi ako ni Hera doon kasi sinabi niyang nandun si Haru at Sam. At ako naman si tanga, nagpadala sa sulsol ni Hera para lang masaktan. Kitang kita ko kung paano mag alala si Haru, kung paano niya tingnan si Sam na puno ng pagmamahal. Mga bagay na kahit kailan ay hindi niya ginawa sakin.
Ako ang nakasama nya noong mga panahon na nagluluksa sya sa 'pagkamatay' ni Sam. Hindi ko siya iniwan, inalagaan ko siya, minahal. Kasi umasa ako na balang araw mamahalin niya rin ako. Nangyari naman, naging girlfriend ako. Pero minahal ba ako? Siguro. Pero bilang isang nakababatang kapatid lang. Wala namang interes si Haru sa iba, kay Sam lang. Nagkataon lang na ako ang lagi niyang kasama, at laging sinasabi ni Tita Heather na bagay kami kaya siguro walang nagawa si Haru kundi ang alukin akong maging girlfriend.
Naging masaya ba siya? Hindi ko alam. Sa tatlong taong relasyon namin ay parang ako lang ang masaya. Hindi ko nga matandaan na hinalikan nya ako. Ako pa ang mag initiate, at smack lang. Mabait naman siya sakin pero never ko syang natandaan na nagbigay ng gifts para sakin. Parang mag girlfriends lang kami pero walang love. Ako lang. Pero kahit ganon sya hindi ako nagreklamo kasi mahal ko siya. Mabait rin kasi siya sa mga magulang ko. Kaya mga natutuwa ang Mommy ko sa kanya. Lagi niya pinagluluto si Haru.
Sa sobrang bait ni Haru, wala itong reklamo o isang sinabi noong inanunsyo ni Tita Heather na magpapakasal kami. Siguro kasi wala na naman itong magagawa kasi patay na ang babaeng mahal niya. Nasira lang naman yun lahat noong pumutok ang balita na buhay pala si Samuelle Ramos. At ang masakit pa, alam ni Ate Shana yun. Pero masisisi ko ba si Ate Shana kung ginusto niyang ilihim yun para lang sumaya ako? Wala ako sa lugar. Kaya nagsisi ako nung sinugod ko sya sa ospital at sinabihan ng mga masasakit na salita.
Pero hindi ba at biktima lang din naman ako? Nagmahal at umasa lang din naman ako. Hindi naman siguro kasalanan ang magmahal hindi ba? Kaya sumama ako kay Hera sa hacienda para bawiin yung dapat sakin, pero naisip ko, pag aari ko ba si Haru? Hindi. Kasi simula noon, pag aari na siya ng iba. Kahit papano nga ay mabait pa sakin si Sam, kasi hindi niya ako sinabihan ng masasakit na salita. Ang nakakagulat pa, talagang magkasabay kaming umalis ng hacienda at iniwan si Haru don.
Pero kahit nasasaktan ako at nasabihan ko si Haru na sana ay maghintay pa siya ng another ten years, naaawa naman ako. Masyado ng matagal ang nasayang na panahon para sa kanila. Makikidagdag pa ba ako? Wala na eh. Hindi na ako kasama sa eksena nila. Wala na akong magagawa kundi tanggapin nalang at magmove on.
Nakakapagod na kasi ipagpilitan ang sarili ko sa ibang tao. Ako lang din ang masasaktan. Katulad ng nangyari samin ni Haru, wala na eh. Wala na akong pakinabang kaya hindi na ako kailangan. Ganon talaga ang buhay. Walang ibang magmamahal sa atin kundi mga sarili nalang natin. That's life.
"Si Sam po ang mahal niya." Masakit pero anong magagawa ko? Harap harapan na akong binastos ni Haru. Ipipilit ko pa ba ang sarili ko? Ayaw na sakin ng tao. Hindi ako masokista para saktan pa ang sarili ko.
"Pero ikaw ang girlfriend, ikaw ang pakakasalan."
"Hana ano ba?" Lumapit na sakin si Mama Cassa at niyakap ako. "Gusto mo bang ipagpilitan pa ni Katie ang sarili nya sa tao? Eh ayaw na nga sa kanya ni Haru." Malumanay pa rin magsalita si Mama kahit alam ko na hindi nya nagugutuhan ang nangayayari. Ayaw lang siguro niyang makisabay sa galit ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)
RomanceMula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong...