Mary Kate
"Hey, that's my coffee eh."
Napangiti nalang ako habang iniinom ko ang kape niya. Kahit naman pigilan nya ako, may magagawa pa ba siya eh nainom ko na? Nang maubos ay saka ko ibinalik ang mug nya. Imbes na magsimangot ay napapailing nalang siya habang nakangiti. Sanay na sanay na kasi siya sa ugali kong ganito, at wala naman syang magagawa kasi sobrang special ko.
Sa halos tatlong taon na magkasama kami ay nakasanayan na namin ang ugali ng isa't isa. Hindi ko nga alam kung bakit nakakatagal kami na magkasama eh magkaiba naman kami ng ugali at hilig. Siguro ganito talaga kapag komportable ka sa isang tao. Magkakaiba man ang ugali at gusto nyo, ang mahalaga ay nagkakasundo naman ang nararamdaman nyo. Tingnan nyo nga at tatlong taon na kaming magkasama dito sa bahay na hindi man lang nag aaway.
"What's your problem ba?" Tanong niya na tumayo at siguro ay magtitimpla ng panibago. Nang matapos ay bumalik ito pero sa tabi ko na. "You were talking with someone just a while ago. Hmm?" Tumaas baba ang kilay niya. May panunukso rin ang ngiti.
"It was Tita Heather." Sagot ko sa kanya.
"And?"
Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko sa kanya. Nung tumawag kasi si Mommy nung isang araw ay ito rin ang sinabi niya. Di ko naman alam na pati si Tita Heather ay tatawag rin. "Hera is getting married."
"Oh.. Finally.."
Oo nga. Naaksidente kasi si Hera five years ago. Kaya dinala siya sa Japan para magpagaling. Akala ko nga ay hindi na magkakaron ng happy ending si Hera. Mabuti at nagkabalikan rin sila ni Jennifer.
Kilala ko si Jennifer kasi naging malapit na kaibigan ito ni Ate Shana at Avery. Sa villa nga nakatira ang pamilya niya eh. At mukha namang mabait si Jennifee kahit na iilang beses ko lang sya nakikita kapag nag videocall kami nina Mama. Nauuwi rin kasi ang parents ko sa Villa Santillan eh.
So ayun nga, nakakahiya naman kay Tita Heather kung hindi ako pupunta ng kasal ni Hera. Siguradong lahat ng mga kamag anak at malalapit na kaibigan ng mga ito ay pupunta. Kasi si Hera na yan, ang paboritong anak ni Heather Saavedra. Haha. At saka malaki rin ang naitulong ni Tita lalo na sa safety ko kahit saan ako magpunta. Kaya need ko umuwi.
"Uuwi ka?" Tanong nya bago humigop ng kape.
"Ano sa palagay mo?"
"MK.." Ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay. "Ikaw ang dapat mag decide sa bagay na yan. Labas ako dyan."
"Pero.." Naguguluhang tumingin ako sa kanya. Sinalubong ko ang magaganda nyang mga mata na tila sinasabi na kung ano man ang maging desisyon ko ay papayag siya.
Isa tan sa maraming bagay na minahal ko kay Jam. Napaka supportive niya. Ah. Hindi ko siya girlfriend. Wala kaming relasyon. Pero mahal namin ang isa't isa ng higit sa isang magkaibigan. Hindi ko maintindihan at hindi maipaliwanag pero sa kanya ko nahanap yung katahimikan, yung peace of mind, yung pagmamahal na hindi ako makakasakit at hindi ako masasaktan. Yung walang kaagaw, walang problema.
Nung mga panahon na sobrang nasasaktan ako, nangungulila, at gulong gulo ay siya ang sumama sakin. Sa kanya ko naramdaman yung kapanatagan ng loob. Matanda na ako pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang magdesisyon para sa sarili ko, at kung magdecide man, mali pa. Pero si Jam, kahit mali ang maging desisyon ko, sinusuportahan nya ako, tinutulungan pa nya aki minsan kung ano ba ang dapat gawin.
Si Jam ang kasama ko. Sa tatlong taon na magkasama kami, wala akong narinig na kahit anong reklamo sa kanya. Kahit na madalas puro kadramahan, reklamo at stress ko sa buhay ang mga sinasabi ko sa kanya. Nakikinig lang sya sakin at magbibigay ng advice na alam naman nyang minsan ko lang sundin. Kaya naman thankful ako na nakilala ko siya.
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)
RomanceMula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong...