Maraming salamat sa lahat ng nagbasa, nalungkot, umiyak, sumaya at nainlove kasama si Lavvi at Miss MK ❤❤❤
-----
Lavender
"Ma'am Hana?"
Nahihiyang tinawag ko ang Mommy ni MK na busy pa naman sa pakikipag usap kina Mommy Shannon. Mas lalo akong kinabahan nang lumingon siya at sumimangot. Tumaas pa ang kilay. Ngayon ko lang narealize na kamukha pala ni MK ang Mommy niya. Ang sabi niya ay dati itong modelo, halatang halata kasi sa expression nito at sa tindig. Kahit nagkaka edad na nga ay para pa rin itong rumarampa kung lumakad.
"Yes, Miss David?"
Napalunok ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa bulaklak na itinago ko lang sa likuran ko. Naku, baka maputol ito at yung stem nalang ang maibigay ko sa kanya.
Napaatras pa ako nang humakbang siya palapit sakin. Ang lakas ng aura niya nakakaloka. Ang mga mata niya dumako sa mga kamay kong nasa likuran at pagkatapos ay bumalik sa mga mata ko. "Ano yan?"
Kaya naman nanginginig pa ang mga kamay na iniabot ko sa kanya ang pink tulips na ibinigay ni Dana Ohara kanina. Mula sa pagiging masungit ay kitang kita ko ang pagkislap ng mga mata niya. Hindi rin nakaligtas ang mabilis na pagngiti niya bago tanggapin ang bulaklak. Pero nang muli syang tumingin sa mga mata ko ay bumalik ulit sa pagka masungit ang mukha niya.
"Thank you. Pero, san galing to?"
"Ahm.." Ang sabi ni Tita Dana ay wag ko daw sabihin na sa kanya galing eh. "Pinitas ko po sa upper deck."
"Baka gusto mong ihulog kita sa dagat o ipalunok nalang sayo tong bulaklak."
"P-Po?" Bakit napahamak pa ako!
"Kay Dana ano?" Paniniguro pa niya pero hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita pa siya. "Sinabi niya dito tumubo?" Tumango ako. "Hay naku."
"Ah.. P-Pupuntahan ko lang po si MK.." Paalam ko pero hinawakan niya ako sa braso at hinila papunta sa gilid na bahagi ng yate. Hindi nga kami halos pansinin ng mga kasama niya kasi busy rin magdaldalan habang nagtatawanan. Ganito rin kaya sila nung mga bata pa sila? "B-Bakit po?"
"My God, you're so tensed." Tumanaw siya sa malawak na karagatan. "How old are you again, Lavender?" Tanong niya na nakatuon pa rin sa dagat ang atensyon.
"Twenty two, Ma'am." Nahihiyang sagot ko sa kanya. Unti-unti na ring dumidilim. Baka naiinip na si MK sa taas.
"Ang sabi ni Katie ay napag usapan nyo na maghintay pa ng isang taon bago magpakasal. That's good. Pareho kayong back to zero.."
"Y-Yes po. Ahm.. H-Hindi naman po ganon kalaki ang sweldo ko. Yung naipundar ko pong bahay ay ipinasunog rin po ni Papa.." Kapag naiisip ko ang bahay na yun, nakakalungkot. Pinaghirapan ko rin kasi ang perang yun. "May pera naman po ako sa bank pero hindi naman po yun sapat."
"I understand. Mahirap naman magpakasal na hindi pa kayo stable. Kailangan rin namin bumawi para sa pagkasunog rin ng restaurant namin." Nang lingunin niya ako ay maaliwalas na ang mukha niya. Pagkatapos ay hinubad ang isang singsing na suot nya at iniabot sakin. "Engagement ring namin ni Cassa."
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)
RomanceMula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong...