Chapter 7

1.6K 93 20
                                    

Mary Kate


"Hate is a strong word, Patty. Di ko lang siya gusto before. But I think I like her now. Not like-like thing, but I like her. Aish."

Marahang pinasadahan ko ng daliri ang piraso ng papel na hawak ko. Ano ba ang dapat kong gawin dito? Hindi ko naman kayang itapon nalang. Feeling ko kasi ay napaka importante ng bagay na ito. Pero bakit siya nakakaramdam ng ganito sa teacher niya? Mali yun. 

"Mary Kate?"

Mabilis na itinupi at itinago sa drawer ko ang papel nang makita si Riel na papalapit sakin. Ang batang ito talaga, hindi man lang mag ate sakin. Hindi ko rin alam kung anong trip nya sa buhay bakit umabsent sya para lang puntahan si Ate Shana. At saka pwede naman siyang dumiretso dun eh, bakit makikisabay pa siya sakin? Hays. 

"Tara na?"

"Sige. Ayusin ko lang gamit ko." Nakakahiya naman kay Ate Shana kung hahayaan ko si Riel na magpunta dun mag-isa. At saka nakakamiss na rin siya eh. Nang macheck kung maayos na ang lahat ay sabay na kaming lumabas ng faculty. Napapatingin pa ang iba samin dahil siguro ngayon lang nila nakita si Riel. Lalo pa at ang ganda ng batang ito. Pero ang school na ito ay hindi katulad ng St. Michael na normal na lang na magkagusto ka sa kapwa mo babae. Iba ang paaralan na ito. 

"Nakakatakot naman tumingin ang mga students dito? Parang lalamon ng buhay." Reklamo niya na sinundan ng nakakalolong tawa. "Ganito ba sila lahat dito?" Nagpalingon lingon pa siya. "Ang creepy ha."

"Bagong mukha ka kasi dito. Ganyan din sila nung unang araw ko dito." Sagot ko bago sumakay ng kotse. Sino ba naman ang hindi titingin eh sabi nga ni Lavender, mukha daw akong model na naligaw sa school nila.

"Mas nag eenjoy ka bang magturo dito?" Tanong pa niya habang kinakabit ang seatbelt. "Maliit ang school na ito at mukhang boring?" Oo maliit lang ang school na ito, napaka ordinaryo nga kung ikukumpara mo sa St. Michael. Ang pinagkaiba lang, simple lang ang mga nag aaral dito, ordinaryo lang din. Hindi katulad sa school na pinaggalingan ko. Hindi ka basta makakapasok dun kapag wala kang pera. O kung wala ka namang pera, maging scholar ka man lang ng Ohara Foundation. Hindi mahalaga dun kung matalino ka, ang sinasamba ng mga students dun ay kung mayaman ka, ikaw ang susundin nila. Katulad ni Haru noon na walang tigil sa pangbu-bully. Si Sam lang naman nakapag patino sa kanya. Pero dito sa St. Catherine, pantay pantay ang lahat. Mayaman ka man o mahirap, matalino o sakto lang. 

"Hindi naman. Masaya nga dito. Safe ako. Walang nakakakilala sakin. Wala silang alam tungkol sakin.." Walang magtatanong kung kamusta na ba ako pagkatapos ng nakakahiyang pangyayari na yun. Walang maaawa sakin dahil pinagpalit ako sa ibang babae. Sa lugar na ito, isa lang akong ordinaryong guro. Si Mary Kate Beltran lang. Walang nakaka alam na anak ako ni Hana at Cassandra Beltran. Hindi nila alam na may koneksyon ako sa mga Arevalo at Santillan, lalo na sa mga Saavedra. 

"Buntis na yung Samuelle."

Malungkot na napangiti ako. "Congrats sa kanila." Kahit sa sarili ko ay nagtataka ako. Kung dati ko pa ito narinig, baka puro bitterness ang boses ko. Pero ngayon, mas gusto ko nalang na tahimik at masaya kaming lahat. Tapos na ako sa bitter era ko ha. Naku, pag naalala kong sumunod pa ako sa hacienda para lang kay Haru, yay kilabot. Nakakahiya. 

At isa pa, wala namang ginawang masama sakin si Samuelle para magalit ako sa kanya. Biktima lang naman siya. Biktima lang siya ni Heather noon. Nasa kanya ang lahat ng karapatan. Siya naman ang nauna, at siya talaga ang mahal.

Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon