Lavender
"Does this mean I'm going home alone today?"
Reklamo agad ni Patricia nang makalabas ang bago naming teacher. Sumubsob pa ito sa armchair niya.
"I'm sorry, Patty.." Paglalambing ko sa kanya. Ang usapan kasi namin ay sabay kaming mamimili mamaya. "Wala akong choice. Mukhang walang kayang gawin ang bago nating teacher kundi ang magpaganda lang. Bakit kaya hindi nalang niya utusan yung mga classmates nating sipsip?" Nakakairita na naman.
"Oy sobra naman. Hayaan mo na." Saway nito na umayos na ng upo. "Kilalanin kasi muna natin. I don't think she's that bad."
"Nah. Siya yung mga teacher na nagkukunwaring mabait para maakit ang mga estudyante. I hate teachers like that."
"Parang hindi naman." Kontra niya. "Wag mo naman i-judge agad ang tao. Yan ang sinasabi mo lagi di ba?"
"Hmm okay? Siguro I will try to talk to her nicely later.."
"Very good, Lavvi...."
Lumipas ang buong maghapon na smooth lang. Sanay na naman kasi kaming ganon lang. Kaya nga sigurado akong gagraduate kaming walang problema. Basta kasama ko ang aking bestfriend na si Patricia. Yun nga lang, kailangan niya ng gabay kasi tamad talaga siya hehe. Pero sisiguraduhin ko rin na makakatapos siya ano. Kaya nga todo effort din siya sa pagkopya sakin.
"I have to go now, Patty.."
"Behave ha. Yung patience mo ha. At saka sa inyo ako makikikain mamaya. Haha."
Naiiling na tinalikuran ko nalang siya. Magkapitbahay lang kasi kami at lagi siyang nakiki lamon sa amin. Masarap kasi magluto ang Mama ko eh. Childhood friends kaming dalawa at takagang classmates rin kami simula kindergarten. Kumbaga kilalang kilala na namin ang isa't isa. Kaya nga siya lang ang nakaka intindi sa ugali ko eh. Yun nga lang, sa sobrang close namin ay napagkakamalan kaming magjowa. My gosh. Lahat nalang binigyan ng malisya. Sana unahin nila ang pag aaral kesa tsismis.
Dumiretso ako sa faculty at nagtagal muna dito sa labas. Pinag iisipan kung kakatok ba ako o lalayasan ko nalang. Nah. Pero syempre di ko gagawin yun noh. Kakatok pa lang sana ako pero bigla nalang bumukas ang pinto at tumambad sakin ang magandang itsura ng bago namin guro. Parang nakahinga ito ng maluwag nang makita ako.
"Oh, Miss David.. You're finally here!"
"Ahm yes?"
Nilingon nito ang mga nasa loob. "My class representative is here. Siya nalang po ang tutulong sa akin."
"Sigurado ka ba na ayaw mong ako ang tumulong sayo Miss Beltran?" Narinig kong tanong ng lalaking teacher sa loob. Napataas tuloy ang kilay ko kahit magkaharap kami.
"Pwede rin namang ako ang sumama sayo sa pagtour dito sa school." Sabi pa ng isa.
"Oh no.. My student here will do that for me.."
"Talaga?" Gulat na tanong ko. Kailan pa ako naging alalay ng teacher?
"Pero hindi pwedeng mag stay ng ganito ka-late ang mga estudyante sa school."
"Miss David, may pupuntahan ka bang iba?" Tanong ni Miss Beltran sa akin. Pero ang mga mata ay tila nakikiusap. She mouthed the word 'Please'.
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)
RomanceMula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong...