awanin21
itsReenBee
HAHAHAHA Napakinabangan ko rin kayo 🤣---
Lavender
"Welcome to St. Michael."
Oh wow. Pagpasok palang namin sa magarang gate ng school ay talagang namamangha na kami ni Patricia. Hindi nga lahat ng sasakyan ay nakapasok pero pangmalakasan talaga si Miss MK. Kahit di magpakita ng ID ay pinapasok. Sana all.
"May artista po dito, Miss?" Biglang tanong ni Patricia na pagkababa palang namin ng kotse. Anong artista sinasabi nito?
"Huh?"
"Baliw. Anong gagawin ng artista dito?" Baliw talaga to.
"Ang sosyal ng school nila, Lavvi!" Nangingislap pa ang mga mata niya na malapit ng maghugis puso. "Ang sabi ni Riel ay imeet nya tayo kapag may time siya."
"Riel? You mean Mirielle?" Si Miss MK na parang nagulat pa.
Tumango naman si Patricia sa kanya. "Yes po. Chatmate po kami, Miss. Dito rin siya nag-aaral. Kilala nyo po siya, diba?"
Alanganing ngumiti lang si Miss MK. "Yeah. Relatives."
"Pinsan mo?" Ako naman ang nagtanong.
"Hmm. Uubusin ba natin ang oras natin dito? Kung pwede naman nating enjoyin ang event sa loob?"
"Oo nga, Lavvi! Nasan na ba yung Alona na friend mo?"
"Baka busy naman." Napatingin ako kay Miss MK nang hawakan niya ang kamay ko. "Miss?" Hala baka may makakita samin dito tapos i-judge kami?
"Nasa ibang school naman tayo." Nakangiting sabi niya na itinapat sa bibig niya ang kamay ko at hinalikan. "Hindi na rin naman ako nagtuturo dito." Parang gusto ko naman matunaw sa kilig!
Gusto ko mang mag iwas ng tingin ay hindi ko magawa. Para lang akong tanga na nakatitig sa magandang mukha ni Miss MK. Nararamdaman ko rin na nag iinit ang pisngi ko kaya siguradong namumula ako ngayon.
"Ehem." Wala sa sariling napalingon ako kay Patricia. "Uubusin ba natin ang oras natin dito na magkatitigan kayo?"
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Miss MK bago pisilin ang kamay ko. "Tingnan mo, Lavvi, walang pumapansin satin dito diba?" Ang sweet ng boses niya parang gusto kong gawing ringtone! "Kasi open ang St. Michael sa kahit na anong relasyon."
Oo nga. Nasa parking kami at marami ring tao pero walang pumapansin samin. Karamihan siguro ay mga bisita rin. May mga nakikita kasi ako na mga naka school uniform eh. Ang sosyal ng uniform nila, halatang yayamanin. Kung sa school namin siguro kami gumanito, siguradong kakalat na yun sa buong bayan.
"Let's go."
Magkahawak kamay na lumakad na kami. Pareho pa kami ni Patricia na halos mabali ang leeg kalilingon sa magandang school na ito. Nakakamangha rin ang mga students dito. Ang gaganda kasi ng uniform nila at sila mismo. Marami pa nga ang bumati kay Miss MK, mga dating students niya rin siguro.
"Di ba sa anime may mga haunted house? Meron kaya dito?" Tanong ni Patricia habang narito kami sa isang room na nagseserve ng mga ramen. Grabe. Bawat room pala dito ay may ganap. May coffee shop pa nga. Kaso dahil nga fans kami ng anime ni Patricia, nandito kami sa isang room na ang theme ay anime. Nagseserve sila ng ramen na katulad ng kinakain ni Naruto. Huhu.
"Meron yan dito. Pero hindi ko sure kung saang building eh." Sagot ni Miss MK. "Hmm. Anong oras daw ba ang stage play ni Alona?" Tanong niya sakin.
"Ang sabi niya sakin 3pm daw po. Pero pupunta siya ngayon dito, Miss MK. "
BINABASA MO ANG
Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)
RomanceMula sa masakit na breakup nila ni Haru, nagdesisyon si MK na magturo sa ibang paaralan para makaiwas sa kahihiyang dinulot ng naudlot niyang kasal. Nakarating siya sa St. Catherine, kung saan makakapag simula siya ng bagong buhay. Walang masyadong...