Chapter 26

1.3K 98 27
                                    

Lavender


"Kaya pala hindi kita ma-contact eh. Nakabalik na pala siya."

Isang malalim na paghinga lang ang naging reaksyon ko sa sinabi niya. Sa totoo lang kanina pa sya nagrereklamo, nasa sasakyan pa lang kami ay dumadaldal na siya. Hanggang ngayon ba naman na kumakain na kami ay nagsasalita pa siya? Hindi ba napapagod ang bibig niya?

"Kung hindi pa ako pumunta sa munisipyo ay hindi ko malalaman na nagpunta ka pala sa farm."

"Dinalaw ko si Mommy Shannon." Tipid na sagot ko.

"Si Tita Shannon or si MK?"

"Hindi ka ba napapagod magsalita? Magtatampo ang pagkain." Saway ko. Hindi pa nga nya maubos ang kinakain niya kasi todo daldal siya. "Nakakahiya rin sa mga tao." Ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa paligid namin? Na meron kaming LQ?

Parang natauhan naman siya na lumingon sa paligid, inirapan lang niya ako bago tahimik na kumain. Mabuti naman. Ako kasi ay naririndi na. Boses bata pa naman siya at parang tiyanak na nagsasalita. Ibang klase talaga. Ang ganda pero napaka daldal naman. At hindi talaga siya titigil sa pagsasalita niya hanggat hindi ka sumasang ayon sa kanya.

"Hindi si MK ang pinunta ko sa farm." Panimula ko. Hindi ko nga alam kung bakit nag-eexplain ako sa kanya eh, pero ayaw ko naman syang bigyan ng dahilan para magdaldal na naman. At ayaw ko siyang bigyan ng dahilan para sumama ang loob niya."Nakapangako kasi ako kay Tita Shannon na ipapasyal siya at iaangkas sa motor ko. Nagpunta lang ako dun para sabihin na bukas nalang namin ituloy yung pasyal."

"Hmp." Inirapan lang niya ako na pinagpatuloy ang pagkain.

Parang tiyanak na nagtatampo.

"Isa pa yang secretary mo ha. Bubwit na nga, pangit pa."

Hays. Hindi ko na tuloy alam kung kanino siya mas naiinis ngayon, kung sa secretary ko o kay MK. Kaya nga minsan ayaw kong pinupuntahan niya ako sa munisipyo eh, kasi lagi nalang silang nagkakapikunan ng secretary ko. Kahit mga walang kwentang bagay ay pagtatalunan pa nila.  Para silang mga isip bata na kahit ano nalang ay pag aawayan. Kulang nalang nga ay pag awayan pa nila ako. Parang araw araw naman silang may buwanang dalaw.

"Sinabihan na naman pala ako ni Dad na kulitin ka."

Mabuti nalang at nalihis na sa iba ang kanyang inis. Para naman kahit papano ay hindi na ako naririndi. "Na pumayag ka daw sa alok ng Papa mo." Umismid pa siya. "Nakakainis na sila mga mukha na silang politics."

"Pinapatamaan mo yata ako eh." Kunwari ay pang aasar ko. Ayaw kasi nya talagang mag pulitika ako eh. Delikado raw kasi. Katulad ko kasi ay puro bodyguards rin ang bahay nila. Mabuti nga at nakakatakas siya na walang nakasunod na driver eh. Pero syempre ha, safe siya pag ako ang kasama niya.

"Para sayo talaga yun. Bakit kasi gumanyan ka pa. Mayaman naman tayo, pwede tayong magtayo ng sariling business." Heto na naman siya sa mga nais niya sa buhay. Kaya naman nyang gawin yun eh. Bakit ba isasali pa nya ako. "Pare-pareho lang yan eh. Pag nagka-anak ka, ipapasa mo rin sa kanya. Hindi na ba mawawala sa family natin ang politics?"

"Ewan ko rin, hindi ko naman iniisip yan ngayon."

"Isipin mo na kasi." Lalo naman syang nagsimangot. "Gusto ko na rin kasing magka baby."

Kung may iniinom lang ako ngayon ay baka naibuga ko na. Kahit kailan talaga ang babaeng ito!

"Joke lang. Maka-react ka naman dyan. Pero wag kang mayabang ha. Legal kung ano man ang meron tayo."

Well, totoo naman yun. Sa mata ng lahat, siya ay aking girlfriend. Legal sa family namin. Kasi wala naman kaming choice pareho. At isa pa, magkaibigan naman kami kaya hindi kami nahihirapan. Lahat ng pinapakita namin ay totoong nararamdaman namin yun sa bawat isa.

Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon