Chapter 1

713 26 1
                                    

Mga tinig ng ibong umaawit, tunog ng isang mapayapang dumadaloy na tubig at sandaling preskong hangin na umakap sa akin ang siyang nakapagpagising sa akin.

Pagkamulat ng aking mga mata, isang nakakabulag na liwanag ang aking nabungaran kaya mabilis akong napapikit at iniharang ang kanang kamay sa taas ng aking mukha upang maharangan ang kung anumang liwanag na iyon.

Iminulat ko ulit ang aking mga mata ng maging maayos na ang aking paningin at mabilis na napa-upo sa napakalinis na mga damo na akin palang kinahihigaan.

Nagtataka man, ay walang pag-aalinlangan na inilibot ang mga mata sa paligid.

Ano ang ginagawa ko dito?

Ang lugar na aking kinalalagyan ngayon ay puno ng mga matatayog na iba't ibang uri ng puno at malapit rin ako sa tabi ng may katamtamang laki ng ilog. Kahit na hindi ko man ito lapitan, nakikita ko pa rin mula dito sa aking pwesto ang napakalinaw na tubig na umaagos rito pababa papunta sa kung saan.

"My Lady!"

"My Lady! Nasaan kana po?!"

"Lady Sophia!"

Napalingon ako sa direksiyon kung saan nagmumula ang mga sigaw.

Tinig ito ng mga babae at mukhang dalawa lamang sila dahil tanging dalawang uri ng boses lang ang naririnig ko.

Tatayo na sana ako ng napakunot ang noo ko dahil sa kasuotang suot ko. It is simple but elegant dress. Also, it is like a dress from medieval times??

 Also, it is like a dress from medieval times??

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(CREDIT TO THE OWNER. NOTE: I don't know how to explain every little details of some things kaya po maglalagay na lang po ako ng pic. P.S. Sa unang nakabasa nito, medyo nagbago itong pic kasi biglang nawala yung unang nilagay ko dito kaya heto dugo't pawis akong naghanap ng ipapalit😂 nakalimutan ko na kasi yung itsura tsaka nawala pa sa gallery ko.)


Bakit ganito ang suot ko?

Binalewala ko muna ito at maingat ng tumayo. Kailangan ko pang alamin kung bakit ako naririto sa loob ng kagubatan.

"Lady Sophia!"

Napalingon ako sa mga tinig na may tinatawag o maaaring hinahanap kanina pa. Lumabas ito sa parte ng gubat na mukhang masukal.

Napakunot ulit ang noo ko ng makitang dito sa direksiyon ko sila masayang nakatingin.

Pasimpleng tiningnan ko sila ulo hanggang paa. They are wearing a color purple of a maid dress na hanggang tuhod ang haba and a purple leather boots na hanggang tuhod din ang haba...

 They are wearing a color purple of a maid dress na hanggang tuhod ang haba and a purple leather boots na hanggang tuhod din ang haba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(CTTO... NOTE: The maids outfit)


Ang hilig naman yata nila sa kulay purple??

Ang buhok nila ay walang kahit anong abubot ang nakalagay. Ang isa na hanggang balikat ang haba ng buhok ay nakalugay lamang habang ang isa ay naka-ponytail na mukhang hanggang dibdib ang haba base sa haba nito kahit na naka-ponytail.

"Lady Sophia! Andito ka lang po pala." Masayang saad ng may maiksing buhok habang nakatingin pa rin dito sa pwesto ko.

Kung kaya't napalingon ako sa aking likod dahil baka sakaling may kasama pa ako ditong iba ng hindi ko alam kanina pa.

Ngunit nagulat ako ng sa akin sila lumapit kaya'y napaharap ako sa kanila bigla.

"Oo nga po. Ang iyong Amang Duke at ang iyong panganay na kapatid na lalaki ay sobra na pong nag-aalala sa inyo dahil halos maghapon ka na pong di pa bumabalik sa mansiyon." Mahabang saad ng isa pa, yung naka-puyod ang buhok.

"Ha?" Sobrang nagtataka kong tanong sa kanila.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang kinakausap nila. Dahil sa pagkakaalam ko ay hindi 'Sophia' ang pangalan ko.

Alam kong napansin din nila ang paglukot ng mukha ko dahil sa pagtatakang nakikita ko ngayon sa mukha nila.

"Ayos ka lang po ba Lady Sophia?"

I step backward unconsciously when they tried to touch me. Kasabay nito ang pagkaramdam ko ng pagkahilo.

Napahawak ako sa ulo ko ngunit ang ipinagtataka ko ay ng may mahawakan ako ditong malapot na likido at ng suriin ko kung ano ito ay nakita kong kulay pula ito, ng amuyin ko ito ay nagulat ako dahil dugo pala ito.

Hinawakan ko ulit ang parteng may dugo at dun ko lang naramdaman ang sakit at hapdi.

Mas lumala pa ang pagkahilo ko na naging dahilan upang mawalan ako ng balanse sa pagkakatayo. Mabuti na lang ay agad naman akong inalalayan ng dalawang babae.

"Naku Lady Sophia! Anong nangyari po sa ulo mo, bakit dumudugo?!" Natatarantang saad ng babae na maiksi ang buhok.

Hindi ko ito sinagot dahil kahit ako ay hindi ko rin alam.

"Hala! Oo nga po?! Tawagin mo na ang Lord bilis!" Saad sa kanya ng kasama niya.

Hindi ko na silang dalawa pinansin pa dahil bumibigat na ang pakiramdam ko. Sa tingin ko ay babagsak na ako dito anumang oras.

Halo-halong emosiyon na ang naramdaman ko na nakapagpalala sa pagkahilo ko at sa sama ng pakiramdam ko.

At dahil na rin sa mga katanungan na pumapasok sa isipan ko.



Bakit tinatawag nila akong Lady Sophia?



Bakit ako may sugat sa ulo?



Ano ang ginagawa ko sa lugar na ito?



Diba nasa gitna ako ng pagtatrabaho?


Ano ba talaga ang nangyayari?!

Ngunit bago ako mawalan ng malay, may naaninag akong bulto ng binatang lalaki na nakasuot ng parang pang kabalyero, tumatakbo papalapit dito sa aking pwesto habang may pag-aalalang naka-pinta sa mukha.

Narinig ko rin ang pagtawag nito sa akin sa ngalang kanina pa tinatawag sa akin ng naunang dalawang babae, maging ang boses din nila.

"Sophia!"

"Lady Sophia!"

Then, my vision and mind been into the deep of darkness.

A Soul's Metamorphosis (Metamorphosis Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon