CHAPTER 11:

467 50 4
                                    

-AFTER CLASS-


WARD'S POV:

tapos na lahat ng klase namin at na pagusapan namin ni Angee na 4am susunduin ko nalang sila.

Ayaw dalhin ni Celine ang kotse niya dahil malakas daw kumain ng Gasolina 2-3 hours pa naman yung ride, may point naman siya dun.

Sabi ko mag re-rent nalang ako ng SUV para kasya kaming lahat.

Paalis na sana ako ng University ng biglang.

"Wardooo!" Sigaw ng isang lalaki at tumakbo papunta sakin.

"Domz?!!? Ikaw ba yan!?" Little shout.

Si Domz ay pinsan ko sa Mother side, close rin kami netong si Domz. Na shock ako kase hindi ko alam na dito pala siya nag aaral.

"Oo ako nga, wag ka na magulat!" Saad pa niya habang natutuwa

"Dito ka nag aaral!!?" Tanong ko at hindi parin ako makapaniwala.

"Hindi, mag tra-transfer palang siguro next week makikita mo na ako" Saad niya.

"Ano pinili mo Arts o Academics?" Tanong ko sakanya.

"Patay ako kay Dad kung pipiliin ko yung Arts noh, baka mabawi pa yung motor ko!"

Magsasalita na sana ako ng biglang

"DOMZ!!" Sigaw ni Cyd at tumakbo papunta samin.

"Uy pre, Kamusta na!?" Natutuwang tanong ni Domz kay Cyd.

"Okay lang naman ako, Ikaw? Akala ko nasa London kapa? kasama mo sila Tito?" Tanong naman netong si Cyd kay Domz..

"Kakauwi ko pa nga lang ng pinas eh ako lang mag isa, I'm transferring here in this University" Sabi ni Domz

"Gala tayo?!" Biglaang aya ni Cyd.

Eto talagang si Cyd siya talaga pasimuno ng mga galaaan.

"Nah, pass muna ako tol may dinner kase ako with my girlfriend" Pagtangi ni Domz..

"O sya, nag text na siya, saan na daw ako. Sge na Tol, insan alis na ako, Bye!" Saad naman ni Domz at pumunta na sa motor niya.

"Mag ingat ka Domz" Sigaw ko kase nasa malayo na siya..

Umalis narin si Cyd.

Napansin kong nakatingin si Angee sakin sa may hagdan.

Nilapitan ko ito at sabing "Umalis na sila Celine at Jelly kanina nag mamadali daw kase, gusto mo hatid na kita."

"Hindi na Ward mag co-commute nalang ako" pagtangii ni Angee sakin.

"Sige na ako na maghahatid sayo, baka ma pano ka pa" Pag i-inisit ko kay Angee.

"Wag kana ma-" Hindi na natapos si Angee nang biglang bumuhos ang Ulan.

"Ano, ayaw mo pa?" Saad ko sakanya.

"Mauulanan ako wala akong payong" Sabi pa niya.

Hinubad ko ang suot kong jacket at isinuot ito sa kanya at nilabas ko naman ang kalo ko sa bag at sinuot ito.

Lumohod naman ako at itinali ang shoelace niya.

"Ano, Tara na?" Saad ko and I offer my hand.

Hindi naman niya eto hinawakan at naglakad na  habang umuulan

"Angee HINTAY!!" Sigaw ko kase palayo na siya ng palayo..

Naabutan ko siya sa school gate.

"Bat ang bagal mo mag lakad?"

"Ikaw bat ang bilis mo, tsaka tumakbo ako noh?"  Sabi ko sakanya habang hinihingal

"Dami mong alam kunin mo na yung kotse mo" Sabi niya sakin.

Isang Ward Reinalyn inuutusan lang ng isang Angee Jhane Gegante ginayuma mo ba ako.

Kinuha ko na ang kotse't sumakay naman siya.

Bumabyahe kami papunta sa bahay nila.

"Sino si Domz?" Biglang tanong niya.

Ahhh kaya pala kanina pa sya masungit sakin kase nag seselos si guro kay Domz...

"Ah yung kanina, Pinsan ko sya sa Father side. Huwag kana magselos" Sabi ko habang naka ngiti.

"At Sinong nag sabing nag seselos ako!?" Little shout ni Angee.

"Eh bat ka defensive, mag ingat ka napagha-halataan" pang aasar ko sakanya.

"So sinasabi mo ako pa yung may gusto sayo?" Nai-inis niyang tanong..

"Hindi ko sinabi yan..." Saad ko while smiling.

"At may gana kapa talagang ngumiti noh" Saad niya at naiinis parin ang tono ng boses niya.

"Kasalanan mo yan, bat kase ang ganda mo napapangiti tuloy ako yieeee" Banat ko pero hindi parin siya ngumingiti.

"Corny mo, mag maneho ka na nga lang" Saad niya sakin..

"Sabi ko nga magmamaneho nalang" Saad ko..

Medyo ma ulan at ma traffic kaya natagalan kami sa byahe.

A FEW MOMENTS LATER


Huminto na kami sa labas ng bahay nila Angee.

(PHOTO NOT MINE)

(PHOTO NOT MINE)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Gusto mo pumasok?" Tanong ni Angee na nasa sasakyan pa..

"Pede ba?" Sambit ko.

"Oo" maikli niyang sagot.

"Parang ayaw mo ata eh" Sabi ko.

"Di wag" naiinis niyang sagot.

"Hindi naman mabiro" Saad ko at kinuha yung payong sa likod ng sasakyan.

Bumaba ako ng sasakyan dala-dala ang payong at binuksan ang pinto ni Angee mula sa labas.

Nasa loob na kami ng bahay.

"Kay Celine talaga ang bahay nato, nakatira lang kami ni Jelly dito kase nag hahanap ng roommates si Celine.." Sabi ni Angee habang binubuksan ang ilaw.

"Pero tumutulong naman kami ni Jelly sa mga gastosin" dagdag pa niya..

"Dito kana mag hapunan Ward" Saad ni Angee.

"Sige, pero hayaan mong ako nalang ang magluto" Sabi ko.

"Sige, ikaw bahala" Saad niya at tumayo na ako para magluto na.

Still you [Wangee]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon