CHAPTER 13:

484 50 5
                                    


ANGEE'S POV:

Nag mamaneho lang si Ward sa tabi ko.

Tinanong niya lang ako kung saan kami banda nakatira sa probinsya at minarkahan lang niya eto sa mapa sa selpon niya.

"Natutulog na sila sa likod. Ikaw, hindi ka ba inaantok?" Tanong ni Ward sakin...

"Inaantok pero hindi ko pedeng pabayaan ka lang dyan, baka maligaw mo pa tayo!" Sagot ko sakanya.

"Alam ko ang daan wag ka mag alala, Matulog ka na dyan" Mahinahong sabi niya.

"Kahit na noh" sambit ko naman sa kanya.

"Ang tigas mo rin eh noh" she said and sighed.

Hindi ko talaga in-expect na aabot sa ganito si Ward, kaya niyang bumyahe ng malayo para sakin. Nakikita ko rin sa mga mata niya ang antok pero pinipilit niya itong itago.

"Bat dika nalang kumuha ng Driver Ward, para makatulog ka sa byahe?" Tanong ko sakanya.

"Nag try ako pero wala silang available every weekend daw, pero okay lang naman Angee. Mababawi ko rin naman tulog ko mamaya" Saad ni Ward.

She is really a standard.

Sobrang gentle and sweet niya, even on the little things.

I remember kahapon nung binigay niya Yung jacket niya sakin and tied my shoelaces kulang nalang ata mahimatay na ako sa kilig eh

Kaya diko na hinawakan yung ino-offer niyang hand that time kase baka diko na mapigilan ang kilig at baka mapisil ko yung kamay niya sa sobrang gigil ko.

She even opens the car door for me, like parang "yes I do" HUHUHUH!

"Angee gising kana andito na tayo" Paggising sa akin ni Ward.

"Yes, I do"  Sabi ko in a sleepy tone.

"Anong yes I do Angee, gumising ka na diyan at tawagan mo na ang tatay mo" Sigaw naman ni Celine na nasa likoran.

Bigla naman akong nagising at nakita ko si Ward na namumula.

Narinig niya ba yung sinabi ko!! NAKO NAMAN ANGEE!!! Bat ka kase nakatulog!!!

"Oh bat namumula dyan si Ward!" Mahinang sigaw ni Cyd.

"Hindi noh" pagtangii naman ni Ward.

"Kitang kita ka sa salamin Ward, wag ako!" Mahinang sigaw naman ni Cyd.

"Bumaba na kayo dami nyong ebas" Sabi ni Ward...

"Kinikeleg ang Wardo!" Pang aasar ni Jelly habang bumababa dala ang bag niya...

Sumunod naman si Cyd at Celine bumaba, Kaya bumaba narin ako sabay sabi kay Ward na "Tatawagan ko lang si Papa para makuha tayo dito sa baryo" at tumango naman siya.

Pinarada narin ni Ward ng maayos ang sasakyan at bumaba na dala-dala ang bag niya.

-FAST FORWARD -

6:37 in the morning


"Pa!!" Sigaw ko ng makita ko si Papa sa malayo.

"Jhane anak" Pagpunta naman ni papa sakin at niyakap ako ng mahigpit sabay sabing "namiss ka namin ng Lola mo sobra".

Binitawan na ni Papa ang pag yakap sabay tanong "eto na ba mga kaibigan mo?"

"Oo pa, eto si Celine, Cyd, Jelly, at si Ward" Sabi ko at pinakilala sila kay Papa.

"Sya ba yung Ward na nanliligaw sayo?" Bulong sakin ni papa... At tumango naman ako.

"Ako nga pala si Fredirico L. Gegante pero pede niyo ko tawaging Tito Jet" pakilala ni Papa sa kanyang sarili.

"Nagagalak akong makilala kayo, lalo ka na Ward. Palagi ka kinekwento sakin ni Angee" Sabi ni papa.

"Tay!..." Sabi ko

"Totoo naman ah, ohsha tara na!" Sabi ni papa at naglakad na kami papunta sa bahay namin malapit sa bukid.

Nasa bahay na kami at sinalubong naman ako ni Lola "Angee apo" Sabi ni Lola at niyakap ako... "Mano po la" Saad ko at nag mano ako.

"Kamusta ka sa maynila?" Tanong ni Lola

"Okay lang ako dun la, tsaka nga pala mga kaibigan ko po"

"Guys si Lola Cynthia nga pala" pakilala ko

"Celine po" pakilala ni Celine at nagmano.
"Cyd po" pakilala ni Cyd at nagmano.
"Jelly po" pakilala ni Jelly at nagmano.
"Ward po" pakilala ni Ward at nagmano.

"Aba kasama mo pala manliligaw mo Angee..." Pang aasar ni Lola dahilan para ngumiti si Ward.

"La naman" Sabi ko kay Lola ng mahinahon.

"Nako kumain na kayo ng agahan at magpahinga na, sigurado ako pagod kayo sa byahe" Sabat ni Papa.

WARD'S POV:

Nakilala ko na ang Tatay ni Angee sobrang friendly tsaka mapang-asar ganon din ang Lola niya, si Lola Cynthia.

Habang kumakain kami ay umupo sa harapan ko si Tito Jet sabay sabing.

"Etong si Ward gusto ko para sayo nak, tingnan mo ah magaling pumorma, may respeto, maganda tsaka magaling ka daw magluto ward..?" Tanong ni Tito.

"Marunong lang po Tito" nahihiya kong sagot habang nakangiti.

"Ikaw na magluto ng haponan mamaya ha" Pabirong sabi ni Tito at nagtawanan naman kami.

"Pa!" Sabat ni Angee.

"Jowk lang nak di ka naman mabiro!" Sabi ni Tito.

"Joke lang yun Ward ah, wag mong seryosohin yun" Sabi ni Tito habang tumatawa.

"Osha Jhane, ikaw muna bahala sa mga kaibigan mo't. Pupunta kami ng baryo ng Lola mo't dun na mag papalipas ng Gabi" Pag papaalam ni Tito at umalis na sila.

-FAST FORWARD-

Gabi na at nag aayos kami ng tent para makatulog na.

Tatlo lang ang tent na dala ko kaya mag kasama sina Jelly at Celine mag isa naman si Cyd at kasama ko si Angee sa tent.

"Paalala ko lang wala kang gagawin sakin Ward ah, kundi mananagot ka saken" Warning ni Angee sakin.

"Grabe ka sakin, muka ba akong manyak ha!?" Sabi ko kay Angee.

"Oo" Sabi ni Angee.

"Ay wow, baka ikaw pa nga may gawin saken e"  Saad ko naman.

"Bkt, ayaw mo?" Tanong ni Angee na ikinagulat ko.

Malayo ang pwesto ng tent namin sakanila at natutulog narin sila kaya di nila naririnig pinag uusapan namin.

Still you [Wangee]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon