1

198 13 0
                                        

#Mangga

MAYA

"Hoy?!bilisan mo diyan!"

Sigaw ko sa kanya mula sa baba.Nangangawit na ang leeg ko sa kakatingala sa kanya.Kanina pa siya nasa taas ng punong mangga,wala namang nakukuha.

Panay lingon ko sa paligid,maging sa baba ng burol. Kinakabahan ako na baka kako ay may makakita sa aming nagnanakaw ng mangga,mabaril pa kaming dalawa.

"Wait!I am still looking for a spider!"sagot niya.

Ang arte magsalita,palibhasa anak mayaman.

Napakamot ako sa aking ulo,kanina pa kasi kami at natitiyak ko na hinahanap na siya ng mga magulang niya,ako na naman ang pagagalitan pag nagkataon.

Nasa hacienda kami ng mga Almario at nagnanakaw ng mangga. Ewan ko ba kung bakit sinamahan ko pa'tong lalaking 'to e ang tahi-tahimik naman ng buhay ko kanina habang naglalaba.

Kaloka! kung hindi nag 18 hindi siya mapapraning sa gagamba. Minsan talaga hindi ko masakyan ang trip ng higanteng to e!

Pinagdikit ko ang labi saka nameywang. Buti sana kung kumuha siya ng mangga at nang may makain ako dito sa baba habang hinihintay siyang matapos sa trip niya.

Teka nga,hindi pwede Maya!kailangan ko ng umakyat para makakain ako!

Hinubad ko ang suot na tsinelas at mabilis na inakyat ang puno.

Namataan ko ang nag-iisang hinog na bunga ng mangga na nasa bandang uluhan ni Donny,takam na takam ako sa nag-iisang bunga kaya dahan-dahan akong humakbang habang nakahawak sa sangang nasa taas naming dalawa.

Nakarating ako sa kanyang paanan,at kailangan I stretch ng kunti ang katawan para maabot ang mangga,mahaba kasi ang biyas ni Donny,nakaluhod siya habang inaabot ang gagamba,habang ako naman ay inaabot ang hinog na mangga sa ibabaw niya.

"Yes!" sabay naming sabi.

"Ma---"

Pumihit siya paharap.

Pareho kaming natigilan ng mapagtanto ang lapit ng mukha naming dalawa. Bahagya siyang nakatingala sa akin,ako naman itong nakatunghay sa kanya.

Humigpit ang kaliwang kamay kong nakahawak sa sanga lalo na ng bigla nalang bumilis ang tibok ng aking puso kasabay ng panghihina ng aking tuhod.

Gutom na gutom na siguro talaga ako kaya papatiklop na itong tuhod ko habang titig na titig sa kanya.

Ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan,ngayon ko lang napansin na bumagay ang medyo makapal niyang kilay sa mapupungay niyang mga mata,matangos din ang kanyang ilong,at mapula ang pouty niyang labi.

Teka,sa mga labi ko siya nakatingin.

May mali ba sa bibig ko?tabingi ba?

Lumunok siya,ang mga mata ay nasa aking labi pa rin.

Nang akmang paliitin niya pa lalo ang distansya ng mukha namin ay ako na ang umatras.

Wrong move,dahil napabitaw ako sa pagkakahawak sa sanga,na out of balance at---

Maagap niyang nailingkis ang kanang kamay sa aking beywang at kinabig ako palapit sa kanyang dibdib.Nakubabawan ko na siya at mas lalong nagwala na ang buong sistema ko lalo na at ramdam kong nakadikit na ang dibdib ko sa kanyang dibdib.

Buti nalang may kalakihan ang sanga,kumalahati ang sukat sa likod niya.

Bago pa man maging rated spg lahat ay mabilis na akong lumayo sa kanya,sinikap na makatayo ng maayos at makahawak sa sanga para makababa.

SHANAWATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon