8

48 9 0
                                    

#HulingSayaw

DONNY

Sabay pa kaming kumakanta ni Maya habang nakatingin sa kalangitan ng biglang sumigaw si Lola Camila. Napabalikwas kami ng bangon at nakita nalang naming nakahandusay na si Lolo Jun sa damuhan at wala ng malay.

Mabilis kaming nakalapit ni Maya kina lola Camila, agad na niyakap ni Maya ang Lolo niya habang nataranta naman ako kung anong gagawin ko,lalo na ng makitang balisa at luhaan na rin si Lola Camila.

"Lolo,lolo gising! Anong nangyayari sayo? lolo!!" Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ni Maya habang nakayakap kay Lolo.

Hinawakan ko ang kamay ni Maya at halos madurog ang puso ko ng makita ang mga luha niya.

"Maya,dalhin na natin siya sa ospital, get my car keys sa bahay, bilis!"

Mabilis na tumalima si Maya at tumakbo papuntang mansion, binuhat ko naman si Lolo at dinala sa kotse ko.Dahil sa nangyari ay nagising na rin sina Mom at Dad,inalalayan pa ni Dad ang ulo ni Lolo Jun habang buhatbuhat ko ito.

"Maya buksan mo,bilis!"

Nanginginig ang kamay ni Mayang binuksan ang pinto ng kotse ko para maihiga si Lolo sa likuran.

"Maya mauna kang pumasok para mapasok ko rin si Lolo."Utos ko.

"O-oo!" Kitang-kita ang pagkataranta ni Maya.Nabunggo pa ang ulo nito sa headboard bago tuluyang nakapasok sa loob ng sasakyan.

Katabi ko si Lola Camila sa drivers seat samantalang nasa likuran naman si Maya at umiiiyak na nakahawak sa kamay ni Lolo Jun na nooy nakapatong ang ulo sa kanyang kandungan.

"Donny,ayokong mawala si Lolo!Lo---kapit lang please!"si Maya na tuluyan ng humagulhol.

Umiiyak na rin si Lola Camila sa tabi ko,at eto ako at nilakasan ang loob dahil kung makita nilang naaapektuhan ako,sigurado akong panghihinaan din sila ng loob.

Panay sulyap ko sa rearview mirror para icheck si Maya. Ayoko siyang makitang umiiyak dahil pakiramdam ko ay pinipiga din ang puso ko.Hindi ko alam kung bakit ganito ako ka apektadu pero isa lang ang alam at sigurado ako,kailangan ako ni Maya at hinding-hindi ko siya iiwan.Magiging sandigan niya ako ngayong kailangan niya ng makakapitan.

Mabilis kaming nakarating ng ospital kung saan ay agad namang inasikaso ng mga doktor si Lolo Jun.

Nasa gilid ko si Maya at si Lola Camila na kapwa umiiyak habang nakatingin kay Lolo Jun.

Pinalapit naman ng Doktor si Lola Camila kaya naiwan si Maya sa aking tabi.

Kinabig ko siya para dumikit sa aking dibdib. Niyakap ko siya sa ganoong sitwasyon habang hindi naman matigil ang kanyang pag-iyak. Ngayon ko lang nakita si Mayang umiiyak ng ganito. Dahil kahit noong mga bata pa kami ay hindi naman ito iyakin,palagi lang itong nakangiti at tumatawa na parang walang problema.

But she is vulnerable now,and I am affected.

"He will be fine.God is just a prayer away Maya." pagpapalakas ko sa loob niya.

Bumuntong hininga siya at pinahid ang mga luha.

Di nagtagal ay lumabas si LoLa Camila at binigay kay Maya ang mga reseta ng gamot na kailangan niyang bilhin. Unfortunately, sinabi ng doktor na inatake ng highblood si Lolo Jun at posibleng magka mild stroke dahil sa nangyari.

Napabuga ng hangin si Maya at niyakap ang umiiyak na si Lola Camila.

"Kaya natin to La,laban lang!"Aniyang pilit na ngumiti para hindi mapanghinaan ng loob si Lola Camila.

Nagpaalam si Maya para umuwi muna ng bahay at makakuha ng pera para pambili ng gamot.Sinamahan ko naman siya at habang binabaybay namin ang daan pauwi ay nanatili itong walang imik.

Di nagtagal ay nakarating din kami ng bahay kung saan ay agad naman kaming sinalubong ng nag-aalalang sina Mom at Dad.

"Maya, kumusta nga pala ang lolo mo, kailangan niyo ba ng pera ngayon?teka at kukuha ako." Si Mom. Papanhik na sana ito ngunit pinigilan ni Maya ang pag-alis nito ng hawakan niya ang pulsohan ni Mom.

Kumunot ang noo kong tumingin kay Maya.

"Huwag na po Mam Macel,may ipon po kami ni Lolo.Sasabihin ko nalang po sa inyo kung sakali pong kailangan naming mag cash advance,sa ngayon po,may pera naman po ako,ipagpaumanhin niyo po,pero kailangan ko na po munang umuwi ng bahay para makakuha ng bihisan ni Lolo.Salamat po."pagkatapos sabihin iyon ay nagpaalam na ito at mabilis na tumalikod.

Tinanguan ako ni Mom at Dad at inutusang sundan ko si Maya.Naabutan ko si Maya na kinukuha ang mga perang papel at barya na kanina lang ay binibilang niya at isinilid sa alkansyang baboy,lata at kawayan.

Sumisinghot-singhot pa siya habang isa-isang binibilang ang mga iyon.

Parang kinurot ang puso ko sa sobrang awang nararamdaman.

"Bakit naman niya kasi tinanggihan ang tulong nina Mom and Dad."

Hindi ko alam kung maiinis o bibilib sa paninindigan ni Maya.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay para pigilan sa ginagawa.

"Maya,you need help,tanggapin mo ang tulong ni Mom at itabi mo na yang mga ipon mo para sa pag-aaral mo" saad kong nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Hinila naman niya ang kanyang kamay at ngumiti sa akin.

"Donny, ayoko,problema namin 'to at isa pa,makakapag-ipon naman ako ulit eh, at ayokong kinakaawaan ako Donny kaya hayaan mo na ako." Aniya at isa-isa ng sinisilid ang mga pera at barya sa isang supot. Itinali niya iyon at nag-umpisa na ring kumuha ng mga bihisan ni Lolo Jun at isinilid sa itim na bag.

"Umuwi ka na Donny ako na ang pupunta ng ospital," aniya at nagpatiuna ng maglakad lumabas ng bahay.

Umiiling akong sinundan siya at nabigla pa siya ng bawiin ko sa kamay niya ang bitbit na itim na bag kung saan nakalagay ang bihisan ni Lolo Jun.

"Sasamahan kita at wag mo akong subukang pigilan dahil wala ka rin namang magagawa." Buo ang loob na sabi ko at nagpatiunang maglakad patungo sa aking sasakyan.

Nauna akong pumasok sa drivers seat at sumunod naman si Maya. Nakalagay ang kamay ko sa kambyo ng hawakan niya iyon. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko ng hawakan niya ang kamay ko.

Kinakabahan akong lumingon sa kanya at natulala ng makita ang malamlam niyang mga mata.

"Maraming Salamat Donny," aniyang nakangiti.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umayos siya ng upo at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.

Napalunok at napatingin naman ako sa aking kamay, pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka napahawak sa aking dibdib.

"Masakit ba ang dibdib mo?"tanong ni Maya.

Agad kong binaba ang kamay."Hi-hindi,wala!ta-tara na!"

Pinagdikit ni Maya ang labi saka tumango.

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago bago binuhay ang makina ng sasakyan.

SHANAWATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon