14

49 10 0
                                        

#Real

DONATO POV:

Last subject namin si Mr. Diaz kaya pagkatapos kong maihatid si Aya ay diretso na akong umuwi.

Tahimik ang buong kabahayan ng pumasok ako.Wala si Lolo at si Lola dahil nagtungo ang mga ito sa simbahan,since it's friday kung saan nakaschedule ang prayer meeting para sa mga kaedad nina Lolo at Lola.

Pumanhik ako sa aking kwarto at muntik ng mapatalon sa pagkabigla ng bigla nalang lumabas mula sa banyo ko si Maya na tanging tuwalya lang ang nakatapi sa katawan. Namilog ang mga mata niya at eto naman akong mabilis pa sa isang segundong tumalikod.

"Kumatok ka naman!Lumabas ka muna! Magbibihis ako!"Sigaw nito mula sa banyo kaya mabilis naman akong lumabas at hindi makapaniwalang sumandal sa dahon ng pinto.

'Si Maya ba talaga yun o guniguni ko lang?pero imposible,pakiramdam ko siya yun e,kasi eto,etong puso ko,sa kanya lang ito nagwawala ng ganito.Haisst!ano ba kasing ginagawa niya sa kwarto ko?!'

Ilang minuto pa ang lumipas. Muntik pa akong matihaya dahil sa biglang pagbukas ng pinto,buti nalang ay agad nailapat ni Maya ang kanang kamay sa aking likuran para hindi ko siya madaganan.

Umayos ako ng tayo at salubong ang kilay na hinarap siya na ngayon ay naglalakad na papunta sa kama ko at umupo siya paanan.

Pakiramdam ko parang namamalikmata pa ako. Hindi ko alam kung anong sapi meron ako at wala sa sariling humakbang palapit sa kanya. 

I stopped in front of her, she's staring at me. 

Yumukod ako ng kunti sabay pisil sa kanyang pisngi. 

"Aray ko!"

Namilog ang aking mga mata. Totoo nga! damn!I am not dreaming!

I smiled.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot siya ng maroon na jogging pants at maluwang na shirt na kulay puti. Basa at magulo pa ang kanyang buhok at nakatabingi ang ulong nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nagpaparty ang puso ko at nabuhay nalang bigla ang buong cells ko sa katawan

"Tulala?"aniya,dahilan para bumalik ako sa aking tamang wisyo.

Nakacross ang braso niyang nakatingin sa akin.Nalunok ko ata dila ko,dahil ni wala man lang isang katagang lumabas sa bibig ko.

Tumayo siya at  eto naman akong parang tangang umaatras ng umatras hanggang sa tumama na ang likuran ng hita ko sa computer table ko,sign na wala na akong maaatrasan. Huminto siya  at pinasadahan pa ng tingin ang mukha ko.

She leaned closer, enough to make my heart gone wild.

Naningkit ang kanyang mga mata.

"Hanep sa laki ng eyebags mo ah, pang isang sakong bigas na."aniya sabay ngiti.

"Tss!pa-pakialam mo?!ba-ba't ka ba ka-kasi na-nandito?!" 

Nauutal ako!ano ba!

"Bakit ka nauutal?may sakit ka ba?"aniya sabay sapo ng aking noo.

Mabilis na pinalis ko ang kamay niya. Sabay iwas sa kanya. Bumalik ako sa kama. 

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!"angil ko. Tagu-tago ang sobrang kaba. 

Umangat ang gilid ng labi niya at humalukipkip. 

Lumapit siya sa akin at umupo sahig. Sinandal ang likod sa paanan ng aking kama.

Umupo na rin ako at tumabi sa kanya. 

Nakalapat ang mga paa niya sa sahig, samantalang nakatuko naman ang aking mga tuhod at nakayakap sa aking mga binti ang aking mga kamay. 

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. 

"May pinapahatid kasi na papeles ang mommy at daddy mo para sa lola mo, at tsaka naiwan mo rin yung calculus module mo sa Tagaytay kaya inihatid ko pa kanina sa paaralan mo. Saktu namang nakita ko ang girlfriend mo kaya siya na ang inutusan kong mag-abot sayo." 

Napalingon ako sa kanya,kaya lang nakatingin din pala siya sa akin,kaya para akong napapasong nag-iwas agad ng tingin. 

Tumikhim ako. "Na-nasa university ka kanina?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ay bingi lang?oo nga,pumunta ako sa university mo kanina."aniyang pinagbubuhol ang lukot lukot niyang buhok.

"Bakit hindi ikaw ang nagbigay sa akin ng module ko?!"Kahit ako ay nabigla pa sa tanong ko.

"O bakit ka galit?!"

"A-ano--hindi ah!a-anong galit?!hi-hindi kita hinintay ah!bu-buti nga binigay mo sa girlfriend ko!tss!"

"Oo nga di ba!tch!"

Tumayo siya at naglakad patungo sa nakabukas na pinto ng silid ko.Ngunit bago pa man siya tuluyang lumabas ay pumihit siya ulit paharap sa akin.

"Alam mo?nadaanan ko yung nakalagay na tarpaulin sa SM!eeehhhhhhhh!may mallshow daw si Enrique Gil kanina.Pero sa malas!Sa laki ng unibersidad mo naligaw pa ako,tuloy hindi na ako umabot sa concert!kaya kasalanan mo kung bakit hindi nagkrus ang landas naming dalawa ng my idol ko!"

"Tss!"nakabusangot akong tumayo,saka umupo sa kama."So mas importante pa si Enrique Gil kaysa sa akin?!ganun?!"

Ngumiwi naman si Maya at pinagkorteng L ang mga braso.Ang kanang mga daliri niya ay nakapatong sa kanyang baba na para bang nag-iisip.

"Oo!kasi mas gwapo siya sayo.Haisst!basta yun na yon!at tsaka pasensiya na dito ako pinaligo ni Yaya Sol,akala niya kasi matagal ka pa makakauwi dahil may date ka pa. O sige na,labas na ako!"aniya at lumabas na nga at pinagbagsakan pa ako ng pinto.

"Madapa ka sana!"

Nakunsensya tuloy ako ng makarinig ng kalabog sa labas.Mukhang nadapa nga si Maya.

Kainis kasi!Enrique Enrique!Tss!ha!

Tumihaya ako sa kama. 

Napangiti ng makita ang dalawang butiking nag-uusap sa kisame.Ang cute cute nilang tingnan,parang kami lang dalawa ni Maya.

"No!no!no!Donny No!haiissst!"sa inis ay dumapa ako ng higa at isinubsob ang mukha sa kama at bigla na namang tumihaya.

Nababaliw na ako!



SHANAWATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon