#StrangeFeeling
Donny
Isang masigabong palakpakan ang sumalubong kay Maya ng matapos itong kumanta. Sinundo pa ito ni Enrico at inalalayan pang makababa ng stage kaya naging tampulan sila ng tukso ng mga bisita.
Napabuga nalang ako ng hangin,part of me is rebelling.
My heart is throbbing while Maya and Enrico approach us, and the hell with this feeling!bakit ba ako nagkakaganito?
Aya held my hand ang looked at me.
"Okay ka lang Babe?"
"The lover boy is here!"tukso ni Rafa kay Enrico.
Enrico smirked,and took a quick glance to Maya.
I looked at them with eyebrows creased.
"Hoy?why are you sulking?"puna ni Rafa sa akin.
"We-what?sulking?why should i?"
Rafa grinned.
The hell with your malice thoughts Rafa!
I looked at Maya. Panay lingon niya na para bang may hinahanap.
"Sinong hinahanap mo?"I asked her.
Humarap si Maya sa akin."Ha?"
"I said---"
"So Maya,anong pakiramdam na sinusundo ng prinsipe sa stage?"singit ni Rafa.
Kumunot ang noo ni Maya,sabay nanlalaki ang mga matang lumingon kay Enrico.
"Prinsipe ka?!"bulalas niya.
Enrico chuckled."No!no I am not!"
"Ugh!buti nalang!pero mukha ka namang prinsipe."Sagot ni Maya.
"Tss!"angil ko.
Makahulugang tumingin si Rafa sa akin.
Nagbabanta ang aking tingin sa kanya.
Ang baliw tawang-tawa!sarap pektusan sa adams apple!
"So Maya?anong masasabi mo kay Enrico?"Ayaw paawat ni Rafa.
Tumingin si Maya kay Enrico."Hm,approved!"
"Approved?na ano?Maya?"si Rafa ulit.
"Shut up, Rafa!"awat ko.
"Parang nagtatanong lang e."
"Pwes,ang pangit ng tanong mo."asik ko.
Makahulugan na naman ang ngiti ni Rafa.
"Tss!"
Parang hindi pa naiintidihan ni Maya na pasimple na siyang tinutukso kay Enrico,may pagkamanhid din talaga ng isang 'to!
Pinisil ni Aya ang kanang kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.
Makahulugan ang tingin niya sa akin,iba din ang pagsulyap niya kay Maya.
Nakita kong inalok ng isang basong wine ni Enrico si Maya ngunit tinanggihan iyon ni Maya, kaya mabilis kong kinuha ang isang may kalakihang mango flavored macaroons sa table at binigay iyon kay Maya na agad naman nitong kinuha at buong-buong kinain.
Wala itong pakialam sa pagkabigla ni Rafa at Enrico.
Huli ko ang pasimpleng pag ismid ni Aya.
First time nilang makakita ng babaeng walang ka kyeme-kyemeng kumain. Maya is indeed the most genuine lady na nakilala ko. Masyado siyang totoo sa sarili na bihira lang na nakikita ko sa mga babaeng nakakasalamuha ko sa Maynila, dahil halos kadalasan ay masyadong conscious sa sarili at pabebe masyadong kumain.
Pigil ko ang ngiti. Ngiting proud na----kiniling ko muli ang ulo. Erase!
Napansin kong kumunot ang noo ni Maya habang nginunguya ang macaroons na agad ding napansin ni Enrico. Nilapat ni Enrico ang kanang kamay sa kaliwang balikat ni Maya, at napatingin ako dun.
Dumikit si Rafa sa akin,at halos idikit pa ang bibig sa aking kaliwang tenga.
"Akbay lang yan,kalma!"Bulong nito.
Siniko ko siya,sabay pahid ng kaliwang tenga. Kainis,basa pa ang bibig!
"Ang harsh mo ha!"angil ni Rafa.
Nilingon ko siya.
Nakangiti na naman ang baliw!kabwisit!
"Are you alright Maya?"Nag-aalalang tanong ni Enrico.
Maya nodded.
"Ehe!nakain ko ata pati yung papel."Nakangiting sagot niya.
Natawa kaming tatlo maliban kay Aya.
"Excuse muna,baka hindi ako matunawan,hehe!" paalam ni Maya at saka dali-daling tumalikod.
"She's weird!"wika ni Ayang inirapan pa ang papalayong si Maya.
"She's adorable," sagot naman ni Enrico habang hinahatid pa ng tanaw si Maya.
Biglang itong tinapik sa likod ni Rafa na halata sa mukha ang panunukso.
"You like her nuh?"Rafa grinned and winked.
"Yes!and I will court her." walang patumpik-tumpik na sagot ni Enrico,dahilan para kumabog na naman ang puso ko.
Pasimple kong nilagay ang aking kanang kamay sa aking dibdib at mahinang pinapalo ang nagwawala kong puso.
I'm doomed!my heart is acting up again!
Napansin kong nakatingin na sa akin sina Enrico at Rafa ng mapansin ang aking pananahimik,kaya para hindi ako mahalata ay tinulak ko sa pool ang nakangising si Rafa, tatawa-tawa naman itong nahulog sa pool sabay hila na rin sa paa ni Enrico kaya nahulog na rin ito. Hanggang sa hilahin na rin ako ni Aya at sabay na kaming tumalon sa pool.
Nasa pool na kami ngunit hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid, nagbabakasakaling makita si Maya ngunit hindi ko ito mahagilap.
Nabigla ako ng inilingkis ni Aya ang kanyang mga kamay sa aking leeg at siniil ng halik ang aking mga labi.Wala sa sariling naitulak ko siya kaya nagtataka itong tumingin sa akin. Nakaramdam naman ako bigla ng pagkailang na dati rati naman ay hindi ko nararamdaman.
"What the hell Babe!"Aya spat.
"I'm--I'm sorry nabigla lang ako."I replied.
Rafa whistled.
I glared at him.
He responded with a shoulder shrugged.
Para makabawi ay kinabig ko si Aya sa beywang at hinalikan sa labi.
I am stunned when I opened my eyes and saw Maya.
I blinked,and scratch my eyes with the back of my right palm,then I saw Aya.
Damn!iba na'to,pati mga mata ko naapektuhan na!Am I sick?such a strange emotions na hindi ko naramdaman noon kay Maya,ngayon lang!
And it's... it's driving me crazy!
Ugh!

BINABASA MO ANG
SHANAWA
RomancePaano mo ba masasabing siya na nga? Pag napapanaginipan mo na ba siya? Pag nag- i slowmo na ba ang paligid mo pag nandiyan siya? Pag nagseselos ka na ba pag may ibang pumupuri sa kanya? o Pag tumibok at nagwala na ang puso mo pag nasisilayan mo siy...