#RuleNo.1
DONNY
Lumabas agad si Maya sa sasakyan matapos kaming makapagpark. Nagmadali naman akong bumaba para habulin siya.
I grabbed her right wrist kaya nagtataka siyang napahinto at lumingon sa akin,ngunit ewan ko ba at bigla nalang akong natameme.
TUGDUG**TUGDUG**TUGDUG**
Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang sa kanya ng biglang tumunog ang cellphone ko at ng dukutin ko iyon sa bulsa ko ay nakita ko sa screen ang number ni Mom.
Tumatawag si Mom,but why?
Salubong ang kilay kong tumingin kay Maya na napansin ko namang nakangusong nakatingin sa kamay kong hawakhawak ang kanang pulsohan niya.
"Sorry,"nahiya ako bigla sabay bawi ng kamay at tumalikod.
Tumawag pala si Mommy para ipaalam sa akin na bumalik sina Aya,Enrico at Rafa sa bahay dahil hindi na umano matutuloy ang bakasyon ni Aya sa Singapore. Hindi naman sinabi ni mommy sa akin ang rasun kung bakit.
"Umuwi ka na,"sabi ni Maya ng humarap ako sa kanya.
Nakagat ko pa ang aking labi at nag-aalalang tumingin sa kanya. 'Ayoko siyang iwan,bakit ba niya ako pinapaalis?hindi niya ba ako kailangan?dapat kailangan niya ako,dapat yun,dapat ba?haiisst Donny!'himutok ko.
Lumapit si Maya sa akin at kinuha ang bag na may lamang mga bihisan ni Lolo.
"Umuwi ka na,kaya ko na 'to,maraming salamat Donny," aniyang nakangiti at kinindatan pa ako saka tuluyan akong iniwan at pumasok sa loob ng ospital.
Napabuntong hininga ako at mabilis na bumalik sa loob ng aking kotse at pinaharurot iyon pauwi.
Nasa bahay na nga sina Rafa at Enrico ganun din si Aya.Sinalubong agad ako ng yakap ni Aya at nahagip ng mata ko ang nakangiwing si Ate Eloise na nakatayo sa likuran nito.Umiiling pa itong umakyat ng hagdan at iniwan kaming magkakaibigan sa sala.
Hinatid ko naman si Aya sa guest room at hindi na ako nakipagkwentuhan para makapagpahinga na rin siya. As usual, ngayon, katabi ko na namang matutulog ang dalawang asungot na si Enrico at Rafa.
Pagpasok ko ng kwarto ay nakahilata na si Rafa sa kama samantalang nakaupo naman si Enrico sa computer table ko at nagbabasa.
"Tol,ano na? masikip na ang kama oh, tabihan mo na doon si Aya!'' pilyong saad ni Rafa kaya binato ko siya ng tsinelas.
Nakailag ang loko.
Sinamaan ko siya ng tingin at mabigat ang mga hakbang na nagtungo sa aking kama at umupo saka pinalo siya ng unan.
"Sira ulo!bawal yan dito at tsaka dapat makasal muna kami bago ang.."
Binatukan ako ni Rafa."Daming sinasabi... buti pa to si Enrico,naiinlove na ata kay Mayang Makiling!"anitong natatawa.
Umarko naman ang kilay ko na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Rafa,nanunuksong sipol at naniningkit ang mga mata niyang tumingin sa akin. Kahit na ang ngiti niya ay halatang may ibig sabihin.
"Lokoloko!" saway ko sa kanya.
"Asus,di nalang kasi aminin e!" sagot niya saka umiling.
Lumingon sa amin si Enrico na may ngiti sa labi."Can I court her Donny?" seryosong tanong nito.
Ewan ko ba,wala naman akong nginunguya pero parang nabulunan ako sa sinabi nito.
"Awk...ward......................................" pasimpleng wika ni Rafa, ang sarapsarap na talaga niyang kalbuhin. Sa halip na hilahin ang buhok niya ay pasimple ko siyang pinalo ng unan.
"Ya—yeah, wa—why not?" Nauutal ko pang sagot.
"Ya—yo-you ca-can co-court her..." Panggagaya naman ni Rafa sa pagkautal ko kaya pinandilatan ko siya ng mata.
Nagkibit balikat si Enrico at ngumiti."Okay then, I still have 4 days para suyuin siya bago tayo makabalik ng Maynila."
Umarko ang kilay ko,I didn't expect that at all.That early?
"You mean..dito kayo for semestral break?!" Tumaas ang boses ko dahilan para napabangon si Rafa mula sa pagkakahiga sa kama ko.
"O ano naman?!dati rati naman okay sayo eh,pwera nalang kung ayaw mo dahil ayaw mong ....."
Pinandilatan ko siya ng mata kaya natatawa naman itong nanahimik.
"Alam mo ba kung saan nakatira si Maya Donny?"Tanong na naman ni Enrico. Naririndi na ako sa kakatanong niya tungkol kay Maya.
"Sa-sa bundok siya nakatira, walang signal doon, hindi mo rin siya makokontak kaya kalimutan mo nalang siya" sagot ko, saka humiga at sinipa pa ang natatawang si Rafa kaya nahulog ito sa kama.
Tawang-tawa na tumayo si Rafa saka pabagsak na humiga sa aking kama at niyakap pa ako ng mahigpit. Nababadingan ako sa ginagawa niya, para siyang sawang nakalingkis sa akin.
"Aiissttt!alis!"
"Eyew!ememen ke mene!"
"Tss!Rafa!alis nga!"kakairita 'tong gunggong na 'to ah!
Hindi ko pa nga napapaalis si Rafa ay eto na naman si Enrico na nakisali na rin.Tumabi siya kay Rafa at niyakap din ito ng mahigpit. Naiipit na si Rafa sa gitna namin,at para itong kiti-kiting nagwawala para makaalis sa mahigpit na pagkakayakap namin ni Enrico sa kanya. Halos magkapatid na kaming tatlo sa tibay ng pagsasamahan namin.
Itinaas ni Rafa ang hintuturo."RULE NUMBER 1: Hindi pwede na parehong babae ang magustuhan."Aniya.
Tumaas ang dalawang kilay ni Enrico, samantalang nanggigigil at naniningkit naman ang mga mata kong tumingin kay Rafa.
"Ano?nakalimutan niyo na ba? Isa yan sa mga kasunduan natin di ba?" aniya.
Tumihaya si Enrico sa pagkakahiga at ginawang unan ang mga braso. "Why are you bringing that up? May gusto ka ba kay Maya?because it is impossible na si Donny ang magkagusto kay Maya dahil may Aya na siya and I knew he loved her." Puno ng kumpyansang saad ni Enrico.
Gustong-gusto ko na talagang batukan si Rafa sa kalokohan niya.Ilalaglag niya pa ata ako,kahit na ako mismo ay hindi ko naman alam at maintindihan kong ano ba talagang nararamdaman ko kay Maya.
Humalukipkip si Rafa."Wala naman, nasabi ko lang,nagpapaalala baka kasi,pareho ang babaeng magustuhan natin at ako ang piliin,di ba?so no hard feelings,hehe!o siya matulog na tayo mga vakla!"aniyang dumapa at isinubsob ang mukha sa unan.
Umiiling kaming nagkatinginan ni Enrico at bigla nalang nakaisip ng kalokohan.Sabay pa kaming tumayo. Hawak ni Enrico sa paa si Rafa habang ako naman sa kamay. Nagmistula siyang lechong baboy na inilabas namin ni Enrico sa labas ng pinto,saka dali-daling inilock iyon.
"Hoy!mga gunggong papasukin niyo ako!"si Rafa na paulit-ulit na kinatok ang pinto.
Napuno ng tawanan ang gabi ngunit sa likod ng mga ngiti ko ay ang hindi maipaliwanag na kalungkutang nararamdaman ko. 'Haisst!'
BINABASA MO ANG
SHANAWA
RomancePaano mo ba masasabing siya na nga? Pag napapanaginipan mo na ba siya? Pag nag- i slowmo na ba ang paligid mo pag nandiyan siya? Pag nagseselos ka na ba pag may ibang pumupuri sa kanya? o Pag tumibok at nagwala na ang puso mo pag nasisilayan mo siy...
