#Flames
DONATO POV:
Bago ko sinundan si Maya ay nagpatimpla pa muna ako ng juice kay Manang Sol para sa aming dalawa ni Maya.
"Thanks Manang."wika ko.
Makahulugang ngumiti si Manang. "Donny ha..."
"Bakit po?"
"Wala naman,gusto ko lang sabihin sayong may girlfriend ka."
Bagsak ang mga balikat kong tumango. Nalungkot tuloy ako bigla. 'Manang talaga,badtrip.'
Lumabas ako ng bahay dala-dala ang dalawang basong juice at dumiretso sa pool kung saan nakita ko si Mayang nakaupo sa upuang gawa sa bakal. May sinusulat siya at napansin kong napapangiti pa. Curiosity strikes tuloy ang drama ko.
Hawak-hawak niya ang pen at nakalapag naman ang papel niya sa bilog na mesang nasa harapan niya.
"Psst ano yan?" sabay lapag ng isang basong juice sa harapan niya.
"Hmmm eto?"sabay turo sa nakalapag na papel"Hmmm.. FLAMES TO.. alam mo naman ang laro nato di ba?"
Napangiwi ako at nakangusong napasandal sa upuan.
"Tss..ang tanda mo na nagpiflames ka pa,sino ba naman kasing piniflames mo?"tanong ko matapos inumin ang juice at sabay silip sa sinusulat nito.
"Hmm.. ako at tsaka si Enrico."
Nabasa ang papel na sinusulatan niya matapos kong maibuga ang juice sa bibig ko.
Salubong ang kilay,naniningkit ang mga mata at nanlalaki ang butas ng ilong niyang tumingin sa akin habang nangigigil na pinupunasan ang nabasang papel.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko dahil baka bumuga na ng apoy si Maya sa sobrang badtrip sa akin.
"Haist dugyot ka talaga! kainis!" angal nitong pinupunasan pa rin ang nabasang papel.
Nakaarko ang kilay kong tumingin sa kanya."Tss!Flames?Si-si Enrico? Bakit alam mo bang last name niya?"
"Hehe...oo naman,magkaibigan kami sa facebook inad niya ako at tsaka cute naman pala siya eh... kaya sinubukan kung iflames yung mga pangalan namin."
"Tss! e ano namang kinalabasan?patingin nga..."sabay hablot ng papel sa kanya at tawang-tawa ako sa result dahil Enemy ang resulta ng combination ng pangalan nila. Hahahahahah!
Hinablot naman ni Maya ang papel at pinukpok pa yun sa ulo ko.
"Ang epal eh!e ano naman kung enemy,para namang maganda ang resulta kung pangalan nating dalawa ang iflames!" aniyang inirapan pa ako.
"Tss! sige ..try mo" hamon ko.
Ngunit umirap lang siya. "Tss!kutusan kita jan eh!"
"Tss!mahalin kita jan eh!"Naisagot ko nalang bigla. Kaya nakaarko na ang kilay ni Mayang tumingin sa kin.
"Tss!mahalin ..mahalin mo nalang si Enrique wag na si Enrico!dahil hindi ka papasa dun!"bawi ko. "Engot mo Donny!" sita ko sa sarili.
Inambaan niya pa ako ng suntok bago inumpisahang isulat ang mga pangalan naming dalawa.
Napansin kong natigilan siya at nilamukos ang papel sabay tayo at itinapon iyon sa pool.
"Daya mo ah!" angal ko.
"Tss!korne nga ang flames di ba?eh bakit parang nag-aabang ka sa resulta?" aniya sabay tayo at pinameywangan ako.
"Tss.!excuse you!"tumayo na rin ako.Nagsukatan pa kami ng tingin dalawa,ngunit hindi niya kinaya ang magagandang mga mata ko,kaya--------------
"Haisst!! Bahala ka nga diyan matutulog na ako! kainis!"aniyang nagmartsa na papasok ng bahay. Sinundan ko naman siya ngunit agad na niyang isinarado ang guestroom na katapat ng kwarto ko kaya napapailing na rin akong pumasok at humiga sa kama ko.Pero talagang pinutakte ako ng kuryosidad at naging palaisipan ang biglang pagtapon ni Maya sa papel sa swimming pool.
Bumangon na ako at umupo sa computer table ko,sabay kuha ng papel at ballpen saka isinulat ang pangalan namin ni Maya.
"Ayaw mong malaman ko ha,pwes ako ang aalam!"wika kong nakangisi. Inumpisahan ko ng bilangin ang combination ng pangalan namin at---------------------------
Abot tenga ang aking ngiti ng----------------
"SWEETHEART!SWEETHEART ANG RESULTA!" para na akong baliw na natatawang mag-isa.
Nang bigla ay makarinig ako ng katok at ng buksan ko ang pinto ay nakanguso ng si Maya ang nasa aking harapan.
"Naiwan ko ang bracelet ko sa banyo mo,pwede bang pumasok?"nakapameywang at nakataas ang isang kilay na wika niya.
Tumikhim pa ako bago tumango.
Pumasok si Maya ngunit huminto ito sa table ko at nilingon ang papel na sinulatan ko ng Flames naming dalawa. Kaya mabilis akong lumapit doon sabay hablot sa papel at tago nito sa likod ko.
"Ano yan?gumagawa ka ba ng plano kung paano ako patumbahin?"nakaarko ang kilay na tanong niya.
"Sira!assignment ko 'to. Kunin mo na kasi ang bracelet at ng makatulog na ako!distorbo!!"
Umangat pa ang gilid ng labi niya bago nagtuloy sa banyo. Pagkalabas ay agad na ipinakita ang simpleng silver bracelet na hawakhawak.
"Bigay ni Enrico,nong tinulungan niya akong ihatid si Lolo sa bahay,naalala mo yun? yung umuwi kami galing ospital at nakatunganga ka lang, kaya si Enrico ang nagtulak ng wheelchair? .. ano? ganda nuh?" aniya na hilaw pang ngumisi bago nagmartsa palabas ng aking kwarto.
"Tss!ang pangit ng bracelet mo!"naiinis na usal ko sabay punit sa papel na sinulatan ko ng flames naming dalawa at inihagis iyon sa basurahang katabi ng computer table ko,saka padapang humiga sa kama ko at naglagay ng headset sa tenga.
"Ang yabang! kaya ko namang tapatan yan ng gintong bracelet! tsss!!! at tsaka hello??? naunahan lang ako ni Enrico nun nuh?dami pang sinasabi!" nakasimangot akong tumihaya sa pagkakahiga.
Nagkataon namang kanta ni Dale Anthony na isang sikat na pilipinong mang-aawit ang musikang pinapakinggan ko.
Kaya para mawala ang inis ay sinasabayan ko ang kantang "Ngiti Mo"
'Wag mo nang pilitin pang humiling
Sa mga balon buwan at mga bituin
'Wag nang maghinayang sa magkasintahang magkahawak ang kamay Tuwing sasapit ang dilim
Minsan lang akong maniwala sa milagro
Sabi sabi, pamahiin, at tukso
Ngunit bakit tayong dalawa'y pinagtatagpo
'Di naman pinilit puso'y makasingit
Nandito, nandito ako
Sana ngayo'y ako'y mapansin mo
Ang ngiti, ang ngiti, ang ngiti mo
Ang dala ay liwanag sa aking mundo
Kahit na itapat man kanino
Alam kong hinding hindi ka magbabago
Sana lahat ng minamahal ay katulad mo
Napahinto ako ng bigla nalang sumagi sa utak ko ang nakangiting si Mayang sinasayaw ko sa ilalim ng bilog na buwan.
"AHHHHH!!!!!!binabangungot na ako!!!!" angil ko saka isinubsob ang mukha sa unan ng mapaisip na namang hindi pa pala ako natutulog,"Paano ako babangungutin?!E gising ako!haissst!!!! kainis!"
Pinalitan ko ang kanta at napunta sa 90's hits ni Jeffrey Hidalgo..
Good friends tayo noong una
Caring sa pagsasama
Knowing na may aasahan ka
Whenever you need me
Feeling ko ay kay ligaya
Engagement ay so kay sigla
Together, basta't nasa piling kita
Then we are lovers
Flames, we were two strangers then
Puso'y nangusap at biglang umibig na
We found that love was going stronger
Flames, wanted to be with you
Nakatihaya na ako sa kama,nakatulala sa kisame at nakasalpak ang headset saking tenga , at parang timang na napapakanta at inamin sa sariling------- " Wala na nahulog na ako, hulog na hulog na ako!" napapailing nalang na usal ko.
BINABASA MO ANG
SHANAWA
RomancePaano mo ba masasabing siya na nga? Pag napapanaginipan mo na ba siya? Pag nag- i slowmo na ba ang paligid mo pag nandiyan siya? Pag nagseselos ka na ba pag may ibang pumupuri sa kanya? o Pag tumibok at nagwala na ang puso mo pag nasisilayan mo siy...
