3

52 10 0
                                    

#FirstKiss?


DONNY 


Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan sa biglang pagsampa ni Maya sa pader at tumalon sa kabila. Pero hindi iyon ang nagpatigalgal sa akin, kundi ang hindi inaasahang nangyari sa aming dalawa.

She is not my first kiss,dahil nahalikan ko naman ang girlfriend ko sa Maynila na si Aya. Maganda si Aya, matalino at kabilang sa mayamang angkan na malayo sa estado ni Maya.

Hindi maikukumpara si Maya kay Aya dahil maputi si Aya,samantalang hindi naman masyadong maputi si Maya. Napakasopistikada ng ganda ni Aya samantalang napakasimple naman ni Maya. Kung tutuusin ay hindi nga marunong magsuklay si Maya dahil palagi nalang nakatali ang buhok nito at nakatali na nga ang gulo-gulo pa rin.

Kiniling ko ang ulo."Bakit ko ba sila pinagkukumpara.. ano bang nangyayari sa akin?haisst!ang layo ni Maya kay Aya,sobrang layo!ha!"

Sinipa ko pa ang maliit na batong naapakan ko at kung di naman ako engot eh nakalimutan kong may sugat pala ako sa hinlalaki ko sa paa kaya ang nangyari ay halos mapasigaw ako sa sakit."Shit!"

Paika-ika akong pumasok ng bahay at naabutan ko naman sina Mommy at Daddy na inaasikaso na ang birthday ko at ngayon nga ay nasa sala ang mga ito at kinakausap ang event coordinator para sa gaganapin kong party. Hindi ako mahilig sa magagarbong okasyon ngunit hindi basta-basta ang angkang kinabibilangan namin kaya hinayaan ko nalang sina Mom at Dad sa mga gusto nilang mangyari.

Umayos naman ako sa paglalakad ng mapadaan ako sa harapan ng mga magulang ko.Oa kasi silang magreak at ayoko ng ganun dahil binata na ako,mag na 19 na nga ako.

Derecho ako sa kwarto ko at ibinagsak ang pagod kong katawan ng mapansin ko ang nakaumbok sa bulsa ko. Dinukot ko iyon at dun ko lang naalala ang hinog na manggang nakuha ko kanina, ibibigay ko sana ito kay Maya ngunit nakalimutan ko na dahil sa bigla nga nitong pagsampa sa pader.

"Saan kaya pupunta yun? At may dala-dala pang mga rosas,manliligaw ba yun?Tibo ba siya?sabi ko na nga ba tibo siya eh!" napapitik pa ako at nakangising napahawak sa baba ko.

"Kaya pala ganun nalang ang reaksyon niya dahil ayaw niya sa labi ng lalaki!dahil babae ang gusto niya!ang talino ko talaga!"

Papuri ko pa sa sarili ko at inalala ang nakabusangot at mukhang mananapak na mukha ni Maya kanina. Natatawang inilapag ko ang mangga sa bedside table ko at nakangiting tuluyang dinalaw ng antok.

KINABUKASAN...

Marami ng tao sa hardin ng mansyon namin at naghahanda na para sa aking kaarawan.

Isang pool party ang mangyayari dahil ayon kay Mom and Dad ay nasa tamang edad naman ako kaya sakto na sa akin ang magkaroon ng medyo mature type na theme party.

Gabi na at nagsidatingan na ang mga bisita ko and as expected, may mga nakaswimsuit na at ang iba naman ay nakasummer dress.

Nakatayo ako sa pinto at nakapamulsa habang hinihintay ang girlfriend ko at ang mga matalik kong kaibigan ng dumaan naman si Maya sa harapan ko na nakasuot na damit pang waiter.

"What the!"

SHANAWATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon