#JustTheWayYouAre
DONATO POV:
Narinig ko ang busina ng sasakyan nina Lolo at Lola sa gate kaya mabilis akong bumaba para salubungin sila ngunit naunahan na ako ni Maya na ngayon ay yakapyakap na ni Lola.Mabait si Maya kaya hindi nakakapagtakang pati sina lolo ay nawiwili sa kabibuhan niya at mahal na mahal siya.
Lumapit na rin ako at nagmano kina lolo at lola. Inakbayan ako ni Lolo habang magkahawak kamay naman si Maya at si Lola na pumasok ng bahay. Pagkapasok ay nagpaalam pa saglit sina lolo para makapagbihis kaya naiwan naman kami ni Maya sa sala.
Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv. Sakto namang Just the way you are ang palabas kung saan si Enrique Gil at liza Soberano ang bida. Tumili pa si Maya at bigla nalang tumabi ng upo sa akin.Pa sekreto naman akong ngumiti sa gilid.
Nasa kalagitnaan kami ng palabas ng dumating si Manang Sol na may dala-dalang popcorn. Ibinigay niya iyon sa akin. Sumimangot ako ng mauna pang kumuha si Maya ng popcorn kesa sa akin.
"Oist kumuha ka ng sayo!"angil ko.
"Tss!damot neto!hindi ko naman uubusin yan!"aniyang mas dinamihan pa ang kinuhang popcorn,halatang iniinis niya ako.
Nakanguso na akong tumingin sa kanya at hindi man lang niya napapansin. Para kasi siyang nasa loob ng telebisyon at kasamang umaakting sa dalawang artistang nandoon. Tumitili pa siya pag kinikilig at bigla nalang iiyak, tapos magagalit,tapos papalakpak nalang bigla. 'Yan ang trip.'
Aaminin kong naaaliw ako sa papalit-palit na reaksyon niya,idagdag mo na rin ang puno ng popcorn niyang bibig. Wala siyang ka poise-poise pero bakit parang ang ganda-ganda niya pa rin sa aking paningin. 'Haisst!'
Malapit na ang ending kung saan ay maghahalikan na sina Enrique at Liza saka ko naman pinatay ang telebisyon,kaya nanlalaki ang mga mata ni Mayang tumingin sa akin at nangigigil na sinabunutan ako.
"Arayy!"angil ko habang natatawang kinukuha ang kamay niyang nakasabunot sa buhok ko.
"Kontrabida ka talaga e nuh?! Malapit na yun eh! Malapit na!!!!!! eeeehhhhhh!!!!!!!!!!!!"Nanggigigil na wika niya sabay hampas sa akin ng unan.
Sa pangalawang hampas niya ay hinawakan ko na ang magkabilang pulsohan niya. I pinned her down the couch at kinubabawan siya.Huli na para marealized ko ang nakakaasiwang posisyon naming dalawa na halos maduling na kami sa sobrang lapit ng aming mga mukha sa isa't-isa.
Tugdug**
Tugdug**
Tugdug**
Hindi ko alam kung puso ko lang ba ang naririnig ko o ang puso na rin ni Maya. Nabibingi na kasi ako sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko ni hindi ko magawang mag-iwas ng tingin lalo na ng dumako ang mga mata ko sa nakapinid niyang labi.
"Donny?Maya?"
Biglang bumangon si Maya,tuloy ay nauntog kaming dalawa sa isa't-isa.Kapwa sapo namin ang aming mga noong humarap sa nakangiti ng si Lolo at si Lola.
"Are you alright?"si Lolo.
Nagkatinginan kami ni Maya at ngiting asong humarap sa kanilang dalawa.
"Alright."si Lola na iginiya pang maupo si Lolo sa couch.
Matalim ang tingin namin ni Maya sa isa't-isa bago umupo sa tig-iisang single sofa na nasa magkabilang gilid nina Lolo at Lola.
Pinalitan ni Lolo ang palabas at napunta sa palabas patungkol sa stockmarket.Nahagip pa ng mata kong napakamot sa batok si Maya at panay lang ang tango habang ini-explain ni Lolo ang stock trading,currency at kung ano-ano pa.
Nginangatngat lang ni Maya ang natitirang popcorn at hilaw na napapangiti sa tuwing pinapaliwanag ni Lolo at Lola ang palabas sa kanya,habang ako ay lihim lang na napapangiti sa nakakatawa at kyut na reactions niya. Halatang natetense siya sa pinagsasabi ni Lolo kaya napapabilis ang lagay at subo niya ng popcorn sa bibig,dahilan para bigla nalang siyang mabulunan.
Natatawa naman akong kumuha ng tubig at binigay sa kanya.Para siyang uhaw na cute puppy na tinungga ang isang basong tubig,at hawakhawak pa ang lalamunang tumingin sa amin nina Lolo at Lola.
"Ehe.. natraffic ata yung popcorn sa lalamunan ko lolo.."Aniyang naluluha pa ang mga mata. Natawa na rin sina Lolo at dahil napansin ng mga itong naiilang na si Maya ay tumahimik na rin silang dalawa ni Lola.Gusto ko ang palabas dahil sa edad kong 19 ay natutunan ko na ring mag invest sa stockmarket.
Nasa kalagitnaan na kami ng pinapanood na documentary ng biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko sa screen ang number ni Aya kaya nagpaalam ako saglit kina lola para sagutin iyon.Lumabas ako at sinagot ang tawag ng nagtataray na si Aya. Tinatanong nito kung dito ba sa bahay matutulog si Maya. Sinabi pa nitong ayaw niya kay Maya dahil weird at hindi niya ka level. Hanggang sa binabaan lang ako nito ng telepono na hindi man lang nag a I LOVE YOU.
Mataray at demanding si Aya,nagtataka nga sina Rafa kung paano ko natitiis ang pagmamaldita niya.Sikat si Aya sa school at sa lahat ng nanligaw sa kanya ay ako lang ang maswerteng lalaking sinagot niya ng OO,yung iba ay nakakatikim pa ng insulto sa kanya. Ewan ko ba,habang tumatagal mas lalong lumalabas ang kagaspangan ng ugali ni Aya.
Umiiling akong bumalik sa loob ng bahay at natigilan sa paanan ng pinto ng makita si Mayang kinukumutan ang nakatulog ng sina Lolo at Lola sa couch. Nakahilig si Lola sa balikat ni Lolo habang nakaakbay naman si Lolo dito.
Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Maya at ng mapansin niya ang paglapit ko ay sinenyasan niya pa akong huwag gumawa ng ingay sa pamamagitan ng paglapat ng kanyang daliri sa aking labi.
"Sshhhhh..."aniya saka dahandahang umatras at kinindatan pa ako.Maingat siyang naglakad palabas ng bahay. Sinundan ko naman siya ng tingin. Alam ko kung saan siya pupunta,pupunta siya sa paborito niyang spot sa bahay at yun ay ang swimming pool na malapit sa garden ni Lola at syempre-------
'Relax susundan ko siya!' wink.
BINABASA MO ANG
SHANAWA
RomancePaano mo ba masasabing siya na nga? Pag napapanaginipan mo na ba siya? Pag nag- i slowmo na ba ang paligid mo pag nandiyan siya? Pag nagseselos ka na ba pag may ibang pumupuri sa kanya? o Pag tumibok at nagwala na ang puso mo pag nasisilayan mo siy...
