17

50 13 0
                                        

#BN


DONATO POV:

Hindi ko ugaling magising ng alas sais ng umaga dahil hindi ako morning person, madalas akong nagpupuyat dahilan para hindi ako magising ng maaga. Pero iba ang araw na 'to, kahit na tatlong oras lang ang tulog ko ay nagising pa rin ako ng ganito kaaga.

Kinakausap ko na ang aso kung kanina pa nakatingin sa akin sinusuri kung nasa tamang pag-iisip pa ba ang kanyang amo.Tumagilid ako ng higa at nginitian si Kiwi."Okay pa ako kiwi,hindi pa naman inaamag 'tong utak ko." Nakangiti akong bumangon at kinarga si Kiwi sabay halik sa pisngi nito at niyakap ng mahigpit bago ibinaba para bigyan ng makakain.

Pagkatapos na maibaba si Kiwi ay nagmoonwalk na ako papuntang banyo para makapagtoothbrush at makaligo at ng makapagpalit ng black T-shirt, short and black cap ay sinipat ko pa ang aking sarili sa salamin sabay kindat."Sweetheart!"wink.

Nagpakawala pa ako ng malalim na buntong hininga bago pinihit ang doorknob sabay silip sa bandang kanan para alamin kung lumabas na ba si Maya sa guestroom na katapat lang ng kwarto ko,ngunit naalala ko nalang bigla na maaga palang nagigising si Maya sa probinsiya at baka nasa baba na ito at nag-aagahan.

Bakas ang gulat sa mukha nina lolo at lola at ni Manang Sol ng makita akong masiglang bumababa ng hagdan at malapad pa ang pagkakangiti.

Pagkalapit sa hapag ay niyakap ko agad si Lola at si Lolo.Pasimple akong nagpalinga-linga, nagbabakasakaling baka kako makita ko si Maya,ngunit naihanda nalang ang aming almusal ay hindi ko pa rin nakita si Maya.

Tumunog ang phone ko. Si Aya ang tumatawag,nasapo ko nalang ang aking noo ng maalalang hindi pala ako nakatawag sa kanya ngayong umaga.Bumuga muna ako ng hangin para maibsan ang kabang nararamdaman ko bago sinagot ang aking telepono. Nagtatalak na si Aya sa kabilang linya, kesyo bakit hindi ako tumawag, kesyo kanina pa siya naghihintay, kesyo nagbabago na ako, at may iba ng laman ang puso ko. Nananatili akong tahimik sa kabilang linya at hinayaan siyang maglabas ng kanyang sama ng loob. Nakakasakal ang ugali ni Aya pero batid kong may puwang pa rin siya sa puso ko.Pinatayan niya ako ng phone ngunit mas ginusto kong balewalain iyon at bumalik na sa hapagkainan.

Sisig ang ulam at paborito ko iyon, pero nilaro-laro ko lang ang aking tinidor at wala sa sariling nakatingin sa ulam.

"Donato apo,may problema ka ba?"nabigla ako at dali-daling umayos ng upo sabay subo ng isang kutsarang sisig na hanep pala sa anghang.

Napapangiti naman si Lolang inabutan ako ng tubig at makahulugang tumingin sa akin.

"Umuwi na siya,"wika ni Lolang nakangiti.

"Po?"nagmamaang-maangan ako,para hindi mahalatang si Maya nga ang hinahanap ko.

Ngunit mas lalong ngumiti si Lola.

"Umuwi na si Maya,may emergency kasi sa kanila."bigla akong kinabahan.

"Ano pong emergency?okay lang po ba siya?ano pong sabi niya?"hindi ko na alintana ang sasabihin nina Lola dahil hindi ko na rin mapigilan ang aking pag-aalala kaya hindi ko na naawat ang sariling magtanong ng magtanong.

"Hindi namin alam apo, pero subukan mong tawagan para malaman mo."si Lolo.

Napangiwi naman ako,saka sumandal sa aking upuan.Naalala kong wala pala akong number ni Maya at hindi rin kami magkaibigan sa facebook.

Pagkatapos mag-agahan ay tumambay muna ako sa gilid ng pool at nagscroll sa cellphone ko hanggang sa makita ko ang profile pic ni Maya na magulo ang buhok, nakasimangot at nakataas pa ang isang kilay.

Pagkatapos mag-agahan ay tumambay muna ako sa gilid ng pool at nagscroll sa cellphone ko hanggang sa makita ko ang profile pic ni Maya na magulo ang buhok, nakasimangot at nakataas pa ang isang kilay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tss!ang dami namang magagandang larawan ito pa ginawa niyang profile pic.."

Binasa ko pa ang mga comments at nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang comment ni Enrico na nagsasabing" Hello Ms. Gorgeous" ngunit sa huli ay wala sa sarili akong napangiti ng wala akong makitang reply ni Maya sa comment na yun.

Nagscroll pa ako sa albums niya at halos mukha ni Enrique Gil ang nandoon.

Nanggigigil ko namang izinoom ang picture ng nakatuxedong itim na si Enrique.

"Sa laki ng mata niya,hindi niya nakikitang mas gwapo pa ako sa idol niya! tsss!"angil ko saka padabog kong inilapag ang phone ko at kinuha si Kiwi at inilagay sa aking kandungan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa laki ng mata niya,hindi niya nakikitang mas gwapo pa ako sa idol niya! tsss!"angil ko saka padabog kong inilapag ang phone ko at kinuha si Kiwi at inilagay sa aking kandungan.

Ng biglang tumunog ang phone ko at rumehistro sa screen ang number ni Mommy.

Nakangiti ko pang sinagot yun ngunit narinig ko nalang na humihikbi na si Mommy sa kabilang linya.

"Mom?? What's wrong?"Binaba ko si Kiwi at balisang nagpalakad-lakad sa harap ng pool.

Narinig ko naman ang boses ni Dad sa kabilang linya."Dad?What happen?bakit umiiyak si Mom?"

Narinig ko ang pagbuntomg hininga ni Dad."Donny, isinugod si Lolo Jun sa ospital kaninang madaling araw and son---------lolo Jun passed away this morning."malungkot na balita ni Daddy.

Napaawang ang aking mga labi, para akong pinompyang sa narinig, sumikip din ang aking dibdib dahil sa napakasamang balita, ng maalala ko bigla si Maya,ano kaya ang magiging reaction niya gayong alam ko kung gaano niya kamahal si Lolo Jun."Paano na?Maya......"

"Dad,uuwi ako diyan, Maya needs me now"wika ko saka dali-daling pumanhik ng aking kwarto. Nagpaalam na rin ako kina lolo at kay Lola na naluluha na rin dahil sa nangyari.

Agad kong pinaandar ang aking sasakyan at kinawayan pa sina Lolo na nakaakbay sa lumuluhang si Lola.

"I'm coming Maya,I am coming."


SHANAWATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon