#ReadyFight!
DONATO POV:
Naghanda na kami pauwi ng Maynila ngunit hindi ko pa rin nasisilayan si Maya. Napag-alaman ko naman sa lola nitong baka gabi pa makakauwi si Maya dahil nagtatrabaho ito sa flowershop ni Aling Itang para kumita ng pera.
Nagpaalam na kami kina Mom and Dad at sa mga kapatid ko. Ako ang nagmamaneho habang katabi ko naman si Aya at magkatabi sa likuran sina Enrico at Rafa.
Nadaanan pa namin ang flowerfarm namin at kasunod nito ay ang malawak na palayan ng mga Almario na wala pang tanim na palay at mga binhi lang ang naroon.
Hanggang sa masalubong namin si Maya na nagbibisikleta at may nakalagay na mga rosas sa basket nitong nakakabit sa manibela ng bisikleta nito. Nakilala naman ni Maya ang kotse ko kaya malapad na naman itong ngumisi at kinawayan pa kami.
Binagalan ko ang pagpapatakbo at pasimpleng sinusulyapan si Maya sa rearview mirror ng maapakan ko bigla ang preno dahil nakita kong hinarang si Maya ng apat na lalaking nakamotor at nakita ko pang kinuha ng mga lalaki ang mga rosas nito at inihagis sa palayan.
Halos magkasabay pa kaming nakababa ni Enrico at sinaklolohan si Maya. Sumunod na ring bumaba si Rafa at naiwan si Ayang kinakabahan sa loob ng sasakyan.
Napaatras naman ang mga lalaki ng makita kaming papalapit sa kanila. Pare-parehong blondie ang mga buhok ng mga lalaki at may mga hikaw pa sa ilong at bibig. Apat sila at halos magkakasingtakad lang kami.
Ng makalapit ay hinawakan ko agad sa siko si Maya at pinuwesto sa aking likuran.
"What's wrong Maya?" tanong ni Enrico, kaya umarko naman ang kilay kong napalingon dito,at pasimpleng umusog ng konti para hindi malapitan ni Enrico si Maya na nakatayo na sa likuran ko.
"Eh yang mga pangit na yan eh! Ayaw magbayad,bibili-bili ng bulaklak wala naman palang mga pera! mga gunggong!" matapang naman na saad ni Maya at dinuro pa talaga ang mga lalaki. Akmang susugod pa siya,ngunit hinawakan ko na ang kamay niya,at hinarap ang mga lalaki.
"Bakit Manila boy? may angal ka?! Girlfriend mo ba yang tomboy na yan?!!" mayabang na sambit ng lider ng grupo at tinulak pa ako sa dibdib kaya napaatras naman ako at naapakan ko pa ang paa ni Maya.
"Sorry," wika kong nilingon ang nakangiwing si Maya.
Kinindatan ako ni Maya at nag-approve sign. Sinipat ko naman ang suot nito at nawaring mukha nga itong tibo dahil sa suot nitong malaking short na hanggang tuhod, maluwang at puting damit at naka sombrero pa ito ng itim, idagdag mo na rin ang nakatali nitong buhok. "Hindi nalang kasi nagbihis ng maayos,"inis na bulong ko bago hinarap ang mga siraulong lalaking nambully dito.
"Anyway,magbayad nalang kayo,hindi ba kayo nahihiya na... "
Hindi na ako nakatapos sa pagsasalita dahil sinapak na ako ng payat at mestisuhing lider ng grupo. Hanggang sa nagpalitan na nga ng suntok. Nasapak na rin si Maya kaya natumba din ito,mabilis ko namang inilahad ang kamay para alalayan itong makatayo. Inabot ni Maya ang kamay ko at may patalon-talon pang nalalaman at tinatabingi pa ang ulo.
"Kaya ko to Donny!saglit lang ha hindi ako nakapaghanda ng Pacquiao moves ko eh naunahan lang ako!" nag uppercut,straight jab at footwork pa ito sa harapan ko.
"Tss!Pacquiao ka diyan!gusto mo bang pakyawin ng mukha mo lahat ng suntok nila?!eto kahit kailan ka talaga masyado kang.."
"Sshhhhhhhh!" natahimik ako ng idikit niya ang hintuturo sa labi ko."Watch me bebe!" dagdag niya pa at kinindatan ako sabay taas ng manggas ng tshirt nito at pumormang parang boksingero.
Wala na,nalunok ko na ata pati dila ko.'What are you doing to me,Maya!ugh!'
Matalim ang tingin sa amin ang lider ng grupo na kung tawagin nila ay Benjo at akmang susuntukin na ako ng itulak ako ni Maya sabay yuko niya at buong lakas na itinulak si Benjo sa palayan. Tumalon pa si Maya at sinakyan ang nakadapang si Benjo sa putikan at sinabunutan pa ito at mas lalong iningudngud sa putikan ang mukha.
Nagsipagtakbuhan naman ang tatlo pang kasama nito dahil sa takot sa amin nina Rafa. Magaling kami sa suntukan kaya hindi kami halos napuruhan.
Kitang-kita ko ang panggigigil sa mukha ni Maya habang sinasabunutan si Benjo. Ngunit nakatayo naman si Benjo at itinulak din si Maya kaya ito na naman ang nadapa sa putikan. Tuloy pareho na silang puro putik ang mukha.
Maangas na pinahid ni Maya ang putik sa kanyang mukha at sinenyasan naman kaming huwag lumapit.Bigla nalang itong nagpulot ng kung ano sa putik at nakangising tumingin kay Benjo na bakas naman ang takot sa mukhang napapaatras habang humahakbang palapit si Maya dito. Napagtanto kong may hawakhawak palang linta si Maya. Ibig sabihin takot sa linta si Benjo.'HAHAHAHAHA!'
Ibinato niya iyon kay Benjo,kaya kahit nahihirapan dahil sa nakalubog ang kapwa paa nila ni Maya sa putik ay hindi ito naging hadlang para hindi ito kumaripas ng takbo.
"BAKLA! TAPANG TAPANG MO TAKOT KA NAMAN SA LINTA! BALIW!"sigaw ni Maya kay Benjo na ilang metro na din ang layo ng tinakbo dahil sa takot.
Umiiling na umahon si Maya sa putikan at humarap sa aming nakangiti.
"Salamat sa tulong ah,sige na umalis na kayo." Aniyang parang wala lang nangyari.
Napangiti ako sa itsura ni Maya dahil ang kaninang puting damit niya ay puno na ng putik, pati na rin buhok niya at buong mukha. Kung tutuusin ay ang kanyang mga mata at ngipin nalang ang malinis sa kanya.
Nilingon ko naman si Enrico at napansin kong imbis na ma discourage ito sa itsura ni Maya ay parang mas lalo pa itong namangha. Kaya umigting na naman ang mga panga ko,at napabuga ng hangin.
"O pano? alis na ako,mag-ingat kayo sa biyahe.Babush! " nakangiting paalam ni Maya at tuluyan ng sumakay sa bisikleta niya sabay alis.
Napansin kong wala itong suot na tsinelas at sigurado akong lumubog iyon sa putik.
Napapangiting nagpatiunang maglakad si Enrico pabalik ng kotse at sumunod na rin ako at si Rafa.
Pasimple akong siniko ni Rafa kaya nakakunot ang noong nilingon ko siya.
"May naiwan ka.."aniyang nakangisi.
"Ano?"naguluhan ako.
"Yung puso mo.... naiwan mo -------sa kanya... "aniya at ininguso pa ang papalayong si Maya.
"Tss baliw!"binatukan ko pa siya bago tuluyang pumasok sa kotse.
Pasimple kong pinatong ang kamay ko sa dibdib ko.
"Intact pa naman,abnormal nga lang ang tibok..haiisstt..."
BINABASA MO ANG
SHANAWA
RomancePaano mo ba masasabing siya na nga? Pag napapanaginipan mo na ba siya? Pag nag- i slowmo na ba ang paligid mo pag nandiyan siya? Pag nagseselos ka na ba pag may ibang pumupuri sa kanya? o Pag tumibok at nagwala na ang puso mo pag nasisilayan mo siy...
