6

43 11 0
                                    

#DancingInTheMoonlight

DONNY

Natapos ang party ng alas 10 ng gabi at tuluyan ng nagsipag-uwian ang aking mga bisita. Sumabay na si Aya kina Enrico at Rafa pabalik ng Maynila dahil maaga ang flight nito papuntang Singapore,dahil doon ito magbabakasyon para sa semestral break namin.

Nakahiga na ako at nakatingin lang sa kisame,blinking like an idiot.

I tossed to the side and I saw the ripe Mango placed on top of my bedside table.

Inabot ko iyon at tinitigan.

Right!I should give this to Maya.

Bumangon ako at lumabas ng mansyon at nagtungo sa bahay nina Maya na nasa likuran lang ng bahay namin.

Isang modernong bahay kubo ang bahay nina Maya na napapalibutan ng mga magagandang bulaklak na tinanim at inaalagaan ng kanyang mga lolo at lola.

Para siyang maliit na paraiso sa likod ng malapalasyong bahay namin.

Naabutan kong nasa hardin ang lolo at lola nito at nakikinig pa ng radyo.

Malapad ang ngiti ni Lolo Jun ng makita niya ako, ganun din si Lola Camilla.

Lumapit ako at nagmano.

"Happy birthday apo, pasensiya ka na at hindi kami nakapunta,alam mo naman matanda na kami at sumasakit na mga kaso-kasuan namin." Pagbibigay paumanhin ni Lola Camilla.

Nginitian ko si Lola Camila ng bigla ay hawakan ni Lolo Jun ang aking kamay.

"At isa pa apo, anniversary kasi namin ngayon nitong aking butihing maybahay, kaya ito kami at nagliligawan sa ilalim ng bilog at maliwanag na buwan, alaala ng kabataan namin. Ganito kasi kami magligawan noon,saksi ang buwan sa pagmamahalan naming dalawa." Aniya sabay lingon at halik sa noo ni Lola Camila.

I smiled.

"Si Maya po?"I asked.

Lolo Jun smiled. "Nasa taas apo,puntahan mo lang doon."

"Ah sige, maiwan ko po muna kayo.Salamat po."

Sinagot ako ng tango at ngiti ng dalawang matanda.

Umakyat ako sa may tatlong baitang na hagdan at pumasok sa loob,dumerecho ako sa kusina kung saan nakita ko si Mayang nakaupo na nakataas ang isang paa at nginangatngat ang kamoteng hawakhawak sa kanang kamay habang ang isang kamay naman ay nagbibilang ng mga barya at perang papel na nakalatag sa mesa. 

Nasa harapan niya ang tatlong alkansya. Isang lata, isang kawayan at isang plastic na piggy bank.

Umarko ang kilay niya at napatigil sa pagnguya.

Nag angat siya ng tingin at nakita ako.

Kumunot ang kanyang noo.

Ang cute niya,para siyang hamster na may nakastock na pagkain sa mga namimilog na pisngi.

Kumurap siya at walang ka rea-reaksyon ang mukha.

Ngumiti ako sabay pakita ng hinog na mangga na hawakhawak.

Agad na nagliwanag ang mukha ni Maya saka mabilis na pinahid ang kamay sa kupas nitong asul at malaking suot na tshirt.

Lumapit ako sa kanya sabay lahad ng mangga sa kanyang harapan.

Magulo na naman ang nakatali niyang buhok.

"Salamat!"Aniyang tuwang-tuwa sabay kuha at halik sa hinog na mangga at inilagay agad sa mesa.

SHANAWATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon