#SHANAWA
DONATO
Nilampasan lang ako ni Maya. Nakatali pa rin ang buhok niya at nakasuot ng itim na pants at white long sleeve na may itim na ribbon pa sa leeg.
"Hoy!bakit ganyan ang suot mo?!hindi mo ba alam na birthday ko?"sita ko sa kanya at pinasadahan siya ng tingin. '
Such a dork!hindi man lang nag-ayos para magmukha naman siyang tao!' Himutok ko. Huminto siya sa paglalakad at nakangiwing humarap sa akin.
"Hoy ka rin!pera din to nu!at isa pa wala naman akong pakialam kung birthday mo eh! may mas pakialam ako sa perang kikitain ko sa birthday mo!Okeiz?kaya kalma ka lang diyan!relax!ako lang 'to!"
Ngumiti siya,kita gilagid.
At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natulala ako.
Naramdaman ko ulit sa pangatlong beses ang mabilis na tibok ng puso ko na una kong naramdaman sa taas ng punong mangga kung saan nagkatitigan kaming dalawa,at pangalawang beses nong makubabawan niya ako at magdikit ang labi naming dalawa,at ngayon...te-teka!ginagayuma ba niya ako?
"Hoy?okay ka lang?"salubong ang kilay niyang nilapit pa ang mukha sa akin.
Napigil ko ang paghinga sabay lunok.
"Hoy?"pukaw niya ulit sa atensyon ko.
"Ha?"
"Tss!iba na yan,nagkakagusto ka na sa akin!"nakangiti niyang sabi.
"Tch!kapal neto!natu-natulala lang-lang ako dahil sa laki ng ngipin mo!"
"Ikaw kung di mo lang birthday,sinuntok ko na yang mapanglait mong bibig!hayst!bahala ka nga diyan!"
Aalis na sana siya ng pigilan ko siya sa braso. Nanghahaba naman ang nguso niyang tumingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya at nakaarko ang kilay na tumingin sa aking mukha.
"O! Ano na naman?!"
"Saan ka pupunta?" kahit ako ay nagtaka rin sa inasal ko at sa tanong ko.
Umangat ang dalawang kilay niya at pinagdikit ang labi na halatang pinipigilang mapikon sa akin "I-wewelcome ko ang mga bisita mo Senyorito,"aniya at iniwan ako.
Bumaba siya sa tatlong baitang na hagdan at malapad ang ngiting sinalubong ang mga nagsipagdatingan ko pang mga bisita.
"Welcome! everything!este ebreyyy one!!this is open sesame!enter enter please!" malapad ang ngiting bati at salubong niya sa mga bisita ko na naaaliw naman sa paraan ng pagwewelcome niya sa mga ito.
Napanganga pa ito ng makita si Aya. Sigurado akong nagandahan siya sa nobya ko.
"Ehe..beri byutipul mam!enter mam!enter!" Namamanghang wika ni Maya na sinundan pa talaga ng tingin si Aya ng papalapit ito sa akin at agad pang nag approve sign.
"Tss!" angil ko saka inakbayan si Aya para igiya papuntang pool sa gilid ng bahay.
Nag umpisa na ang party at dumating naman sina Enrico at Rafa. Nagtipon na agad kami sa may gilid ng pool ng simulan ng emcee ang program. Nakaakbay ako kay Aya. Habang katabi ko naman si Enrico at Rafa na tig-iisang may hawak ng isang basong wine. Matapos na magbigay ng message nina Mommy at Daddy ay nagbigay din ng mensahe si Aya dahilan para tuksuhin kami ng mga bisita.
Hanggang sa........
"Okay! we need a special number,on the spot bibigyan ko ng 10,000 pesos." Saad ng emcee. Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang mga bisita ko at may iba pang nagtutulakan.

BINABASA MO ANG
SHANAWA
RomancePaano mo ba masasabing siya na nga? Pag napapanaginipan mo na ba siya? Pag nag- i slowmo na ba ang paligid mo pag nandiyan siya? Pag nagseselos ka na ba pag may ibang pumupuri sa kanya? o Pag tumibok at nagwala na ang puso mo pag nasisilayan mo siy...