11

64 11 0
                                    

#Lobo

DONNY

KINABUKASAN...

Maaga kaming nagising para magsimba bago bumalik ng Maynila. Tapos na kaming mag breakfast at hinihintay nalang si Aya na matapos magbihis para makaalis na kami kaagad. Nasa sala kaming tatlo ni Enrico at Rafael, si Enrico na kanina pa pangiti-ngiti habang nakatuon ang atensyon sa phone habang si Rafael naman ay nakahiga sa sofa,nakakrus ang mga braso sa dibdib at natutulog. 

I am curious sa tinitingnan ni Enrico sa phone kaya nilapitan ko siya. I sat in the arm of his chair and looked at his phone. My brow creased when I find out na ang Facebook ni Maya ang tinitingnan niya. 


"Isnt she cute?"Enrico said. 

"Tch!cute?saan banda?"angil ko.

He responded with a shoulder shrug. 

"Do you honestly like her?"I asked. 

"Well,she's not bad,beside she's---hmm--fun to be with."

"Tch!ang gulo-gulo kayang kasama yan,kasinggulo ng buhok niya!"Sabi ko. 

Enrico just smiled. 

"Tss!"I stood up sabay silid ng mga kamay sa bulsa.

Di nagtagal ay bumaba na si Aya, animoy isa siyang prinsesang bumababa ng hagdan. She's wearing a powdered pink dress with pink roses and a silver glittering sandal. Mas lumiit ang mukha niyang parang anghel dahil sa naka ponytail niyang buhok. 

Aya smiled,sabay lingkis ng kanyang kamay sa aking kanang braso. 

"You're pretty." I said.

"Of course.."She answered. 

Saglit kaming nagkatitigan. 

I kissed her forehead then. 

"Tara na!baka magka apo pa bigla si Tita sa inyo!"saad ng nakatayo ng si Rafael. 

"Baliw!"angil ko.

Ngumiti lang ang loko. 

I drove my dad's white ford expedition, nasa tabi ko si Aya,samantalang nasa likuran naman si Enrico at Rafa. 

Bago pa kami makalabas sa gate ay sumulyap ako sa rearview mirrow, partly expecting na makita si Maya sakay ng luma nitong bisikleta. 

Pero..wala. 

We finally arrive at Favor Church after 15 minutes. I saw my parents and siblings in the front row. But me and my friends chose to sit in the middle para medyo malapit sa pulpit at exit. 

Magkatabi si Rafa at Enrico,then Aya sat next to Enrico then me. 

Hindi pa nagsisimula ang worship service. 

Napansin ang ko ang paglingon ng isang binatilyong nasa unahan ko,nakangiti siya at nakatingin sa pintuan ng simbahan. 

Out of curiosity ay lumingon din ako, only to see....Maya. 

I am stunned for I dont know how long. 

Maya in her plain pale yellow knee-length dress,may suot siyang puting headband at nakalugay ang lampas balikat at tuwid niyang buhok. Hindi rin mamahalin ang suot niyang white flatshoes na halatang luma na rin. Pero ang ganda, ang ganda-ganda niya. 

Kinawayan niya ako.

Tugdug**

Tugdug**

Tugdug**

SHANAWATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon