#FOREVERMORE
DONNY
Iniikot-ikot ko si Maya at ganon din ang ginawa niya sa akin.Tawang-tawa na kaming dalawa at halos mahilo na sa aming ginagawa ngunit hindi pa rin kami humihinto kahit na sinusuway na kami ng Lolo at Lola niya.
Nahilo kaming dalawa at natatawang magkasabay pang natumba.Nagduling-dulingan pa si Maya kaya mas lalong sumakit ang aking tiyan sa kakatawa ganun din ito na sapo na rin ang sikmura.
Pagkatapos ng tawa ay humiga si Maya sa damuhan,buti at maganda at malinis ang tanim na carabao grass ng lolo at lola niya. Nakapatong ang dalawang kamay niya sa kanyang sikmura at nakatuon ang mga mata sa maganda at bilog na buwan.
Ginaya ko naman siya, humiga na rin ako at ginawang unan ang aking mga braso.
Itinaas ni Maya ang kanyang kamay at pilit sinusukat sa daliri ang bilog na buwan.
Eto na naman ako at parang tangang nakatingin lang sa kanya.
Nang bigla ay umaktong itong ihahagis ang buwan sa akin.
"Salu!!"Aniyang tawang-tawa sa aking pagkabigla.
"Tch !siraulo!"Umiiling pero palihim na napapangiting wika ko.
Narinig ko pa ang kanyang malalim na pagbuntong hininga at tumingin na naman sa kalangitan sabay pikit ng mga mata.
Nilingon ko si Maya at naglakbay ang mga mata ko sa kanyang simpleng mukha, mula sa kanyang noo pababa sa kanyang mga kilay,hanggang sa mga nakapikit niyang mga mata,sa katamtamang tangos ng kanyang ilong at bumaba ang titig ko sa kanyang nakapinid na labi. Ng may maalala na naman ako kaya agad na iniiwas ko ang tingin at nagkunwaring tumingin sa kalangitan at wala sa sariling binilang ang mga nagkikislapang bituin.
Ano bang nangyayari sa akin?naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
Dumilat si Maya at tumagilid ng higa habang pinagmamasdan ang nagsasayaw na si Lolo Jun At Lola Camila.
Nakatingin na rin ako kina lolo at Lola at napapangiti habang nakamasid sa magkayakap na matandang nagsasayaw sa ilalim ng liwanag ng bilog na buwan.
"Meron kaya akong makakasama hanggang sa pagtanda,kahit na ganito lang ang itsura ko?"
Bigla nalang nasabi ni Maya dahilan para mapalingon ako sa kanya.
"Sa tingin ko wala," nakangising sagot ko.
"Tss!ikaw rin!"
Maya rolled her eyes and closed it at sa tuwing pinipikit niya ang kanyang mga mata ay natutulala ako. Kaya ng idilat niya ang mga mata ay nataranta na naman akong nag-iwas ng tingin.
Pasimple akong tumikhim at nagsalita.
"You know what Maya, just be yourself, believe me, he will come if it is the right time, and if its meant to be then it is meant to be, you will meet the love of your life, just don't stress on it too much, don't worry about it too much, dadating din ang para sayo,promise"saad kong may pagmamalaki.
First time ko kasing magbigay ng love advice na galing mismo sa aking mga magulang.
Kumunot ang noo ni Maya at lumabi.
"Alam mo Donny,sa hinaba-haba ng sinabi mo, yung STRESS lang na salita ang naintindihan ko,pwede ba next time ,magtagalog ka naman ng diretso,naaalibadbadran na ako sa kakaingles mo eh!" Reklamo niya at tumihaya na naman ng higa at nakatingin na naman sa kalangitan.
"Tss!daming arte nito,ang dali lang namang intindihin ng sinabi ko,"nakasimangot na wika ko at tumihaya na rin at ginaya itong nakatingin lang sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
SHANAWA
RomancePaano mo ba masasabing siya na nga? Pag napapanaginipan mo na ba siya? Pag nag- i slowmo na ba ang paligid mo pag nandiyan siya? Pag nagseselos ka na ba pag may ibang pumupuri sa kanya? o Pag tumibok at nagwala na ang puso mo pag nasisilayan mo siy...
