#RuleNo.2
DONATO POV:
Hinawakan naman agad ni Aya ang pumutok kong labi. Nag-aalala pa itong sinisipat iyon saka pinagkrus ang braso at halatang galit na sumandal sa upuan.
"Sana hinayaan niyo nalang kasi yung weird na babaeng yun, nakikigulo pa kayo eh!"Anitong umirap pa talaga at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.
Napasipol naman si Rafa at wala namang karea-reaksyon si Enrico. Tahimik lang ito at parang may malalim na iniisip.Di nagtagal ay nakarating na rin kami ng Maynila, una kong inihatid si Aya na nagdadabog pang lumabas ng aking kotse. Sumunod naman si Enrico na tahimik lang na bumaba at hindi pa kami nilingon.
Lumipat naman si Rafa sa tabi ko at nakangising sinusulyapan ako.
"Ano?!Para kang baliw jan!"Sita ko kanya.Nakakailang kasi.
Ngumuso siya at parang pinag-aaralan pa ang itsura ko.
"Rule no. 2 Pahalagahan ang nobya at wag ipagpalit sa panandaliang saya."Aniyang nakangisi.
"Ang korne mo!"Asik ko.
"Tsk tsk tsk... "Umiiling na usal niya. Kaya kahit pagbaba ay makahulugan pa rin siyang ngumiti sa akin.
Iwinaksi ko sa aking isipan si Maya at isinaksak sa aking kukote ang Rule number 2.
Pagkarating ng bahay ay sinalubong agad ako nina Lola at Lolo. Matapos sumabay sa hapunan ay pumanhik na ako sa aking silid at mabilis na nakatulog dahil sa pagod.Siguro nga ay nawiwili lang ako kay Maya dahil minsan nalang siyang pumapasok sa aking isipan dahilan para kumalma naman ang puso ko at makapagfocus kay Aya.
Kasinungalingan!!!!
Dahil ang totoo? dalawang linggo na akong walang maayos na tulog sa kakaisip kay Maya. Kung ano na ang ginagawa niya sa Tagaytay, kumusta na kaya si Lolo Jun, nakapag-ipon na ba siya ng pera at kung ano-ano pa. Daig ko pang nagtatrabaho sa BPO industry sa labis-labis na pagpupuyat.
SCHOOL........
May klase na kami sa calculus kung saan ay si Mr. Diaz ang propesor namin na nakahiligan ng magbagsak ng mga tatanga-tangang estudyante. 2 weeks kasi itong nag leave kaya nakapagrelax kami ng mga kaklase namin. Naturingan kasing terror ang baklang si Mr. Diaz.Huli na ng mawari kung hindi ko dala ang module ko sa calculus, kung saan nakalagay ang lahat ng mga assignments ko.
Kanina pa nagsasalita si Mr.Diaz sa harapan,at eto na akong tuluyan ng sinapian ng espiritu ng antok. Hindi ko na namalayang napaidlip ako.
'Bigla nalang na bumukas ang pinto at iniluwa ang nakataas na kilay na si Mr. Diaz at ibinagsak pa nito ang libro sa mesa.Hiningi na nito ang mga modules namin at isa-isang binasa ang mga pangalan ng mga nandoon hanggang sa tumapat sa akin at nakatanga lang ako dahil wala akong maipasa.Bigla na namang bumukas ang pinto at iniluwa si Maya. Nakasuot siya ng dilaw na dress na sinuot niya sa simbahan at nag excuse pa kay Mr. Diaz at tuloy-tuloy na pumasok. Inililipad pa ng hangin ang nakalugay niyang buhok at tulala lang ako habang papalapit siya sa akin at inilapag ang modules sa arm chair ko.'
Ng biglang------------------------
"Hoy! Puentevillas!gising!"
Naalimpungatan ako at napakamot sa batok ng pagtawanan ako ng mga kaklase ko. Langya,nananaginip ako at hindi pala si Maya ang nasa harap ko kundi si Mr. Diaz.
Ipinilig ko pa ang aking ulo at napapahiyang ngumiti kay Mr. Diaz.
"Ayan puro ka kasi lovelife! .. bakit hindi mo nalang pakasalan yong campus figure mong girlfriend ng hindi ka na parang tangang nananaginip diyan ha?!"Litanya nito kaya nagtawanan na naman ang mga kaklase ko.
Hanggang sa sabaysabay pa kaming napalingon sa pinto at hindi ko napigilan ang pagkadismaya ng hindi si Maya ang nandoon kundi si Aya na daladala pa ang module ko.
Napilitan akong ngumiti sabay tayo para salubungin si Aya.
Tinukso na naman kami ng mga kaklase ko kaya napapailing akong bumalik sa aking upuan,at tuluyan din namang nagpaalam ang maganda kong girlfriend na si Aya.
Nag-umpisa na ang klase ni Mr. Diaz at sinubukan ko nalang magfocus para hindi maisip ang nangyari sa aking katangahan kanina.
'Malala ka na Donny,malala ka na,nako!'Napabuntong hiningang usal ko.
BINABASA MO ANG
SHANAWA
RomancePaano mo ba masasabing siya na nga? Pag napapanaginipan mo na ba siya? Pag nag- i slowmo na ba ang paligid mo pag nandiyan siya? Pag nagseselos ka na ba pag may ibang pumupuri sa kanya? o Pag tumibok at nagwala na ang puso mo pag nasisilayan mo siy...
