#Torn
DONNY
Lumipas ang tatlong araw at hindi ko pa rin napupuntahan si Maya sa ospital. Isa na rin sa dahilan ay hindi ko maiwan si Aya dahil baka magtampo ito at maging sanhi pa ng away naman ang pagpunta ko ng ospital. Ang totoo ay naiinis na akong manatili sa bahay dahil napipikon na rin ako sa panunukso ni Rafa at sa pagtatanong ni Enrico tungkol kay Maya.
Nasa labas na kami ng bahay at nagpapasahan ng bola ng biglang bumukas ang gate at iniluwa doon si Lola Camila at si Mayang tulaktulak pa sa wheelchair si Lolo Jun.
Napanganga ako ng makita ang nakangiti at kumaway pang si Maya.
"Wew,nahahalata ka, baka pasukan ng pana ni kupido yang bunganga mo at dumiretso sa puso mo,sige ka!" Si Rafa sabay tapik sa aking balikat.
"Shut up!" sita ko dito.
Lalapitan ko na sana si Maya ng mabilis na nakalapit si Enrico dito sabay hawak sa wheelchair ni Lolo Jun.
"Ops!naunahan?"tukso ni Rafa.
I gave him a death stare.
"Oh kalma!may aya ka na!"
"Shut up bruh!"asik ko.
Tumawa lang ang loko.
Pansin ko ang ilang at pagtatakani Maya sa ginawa niEnrico. Tumingin pa siya sa akin na parang nagtatanong kung anong ginagawa ng kaibigan ko.
Si Enrico na ngayon ang tumutulak sa wheelchair ni Lolo.
Napahigpit ang hawak ko sa bola habang hinahatid ng tanaw sina Maya na patungo na sa likod bahay.
"Tsk tsk tsk ,sa bundok pala nakatira ah,hahaha!" Tawangtawa at makahulugang sambit ni Rafa na inagaw pa sa akin ang bola,sabay-----lay-up.
Inismiran ko naman siya at padabog na pumasok ng bahay kung saan naabutan ko si Aya na nagbabasa ng magazine sa sala at ngumiti agad ng makita ako.
Tinabihan ko siya ng upo at nagkukunwaring nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Focus Donny,focus," saisip ko.
Ngunit lumilipad talaga ang isip ko kay Enrico na hindi pa rin nakakabalik mula ng inihatid nito si Maya.
Napaigtad ako ng biglang hawakan ni Aya ang pisngi ko at nagtatanong ang mga matang humarap sa akin.
"Should I get worried because someone is stealing you from me?" Makahulugang tanong niya dahilan para mapalunok ako.
Napaka unfair sa part ni Aya ang ginagawa ko at hindi ko kayang itapon ang dalawang taon na relasyon namin dahil lang sa hindi maipaliwanag na damdamin na umuusbong sa puso ko para kay Maya.
'Baka namiss ko lang siguro ang kakulitan ni Maya,kaya nawiwili ako.Tama! natutuwa lang ako sa kanya at walang ibig sabihin iyon.'
Pangungumbinsi ko sa utak ko na kinakalaban naman ng nagwawalang puso ko.
Nginitian ko ang nakalabi ng si Aya at hinaplos ang mahaba nitong buhok.
"Wala kang dapat ipag-aalala Aya. Ikaw lang ang may karapatang gumulo ng utak ko,"wika ko at hinalikan pa siya sa noo.Sumilay naman ang matamis na ngiti nito at humilig sa dibdib ko.
'SINUNGALING!'
Naipilig ko ang aking ulo,ganito na ba kalala ang nararamdaman ko para makarinig at maghallucinate ng ganito?
'Hindi pwede Donny,hindi pwede!'

BINABASA MO ANG
SHANAWA
RomancePaano mo ba masasabing siya na nga? Pag napapanaginipan mo na ba siya? Pag nag- i slowmo na ba ang paligid mo pag nandiyan siya? Pag nagseselos ka na ba pag may ibang pumupuri sa kanya? o Pag tumibok at nagwala na ang puso mo pag nasisilayan mo siy...