2

57 10 0
                                    

#ObertheBakod


MAYA 

Nakarating na kami kung saan nakatago ang bisikleta naming dalawa, ngayon namumroblema na naman kami kung paano makakapagbisikleta si Donny eh may sugat ito sa hinlalaki sa paa. Medyo malayo pa naman ang mansyon ng mga Puentevillas.

Napabuga ako ng hangin at napangiwi. Nilingon ko naman siya na ngayon ay nakaupo na sa damuhan at hawak-hawak pa ang hinlalaking namamaga.

"Psst hoy?!umangkas ka sa akin,halika na!"

"Talaga?"

"Ayaw mo?"

"Tss!"

Pigil nito ang ngiti sa labi. Sarap hilahin ng nguso e!

Pumuwesto ako,ganun din siya sa likuran ko.

Para akong nakuryente ng bigla niya akong yapusin sa beywang. 

"Oist!diyan ka humawak sa likuran--sa upuan!"

"Tss ang arte-arte para namang 23 ang beywang!"

"Isang pang-aasar pa Donny! at hindi ako magdadalawang isip na iwan ka dito!"

"Oo na!may dalaw ka siguro no? highblood ka na naman!"

"Isa!"

Kahit di ko nakikita reaksyon niya,alam kong nakangisi na naman siya. 

"Oo na!tara na!" 

"Tss!baliw!"

Matiwasay kaming nakarating sa mansyon nina Donny,nakita namin si Ate Eloise na nakatayo sa may pinto. Kararating lang nito galing States at umuwi lang para dumalo sa birthday ng kapatid. Pagkakita nito sa aming papasok ng gate ay agad itong tumakbo papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit dahilan para humaba na naman ang nguso ni Donato.Nagselos na naman,dahil mas close kami ng ate niya.

Umangat ang gilid ng labi ni Donny at nagdabog na pumasok ng bahay nila. Natawa naman si Ate Eloise sa inasal ng kapatid ngunit nagkibit balikat lang ito at hinawakan ako sa kamay.

Attention seeker,kay tangkad na lalaki,asal 5 years old pa rin.


"Maya how are you?my god namiss kita,punta ka maya dito ah?may mga dala akong damit para sayo."

Nakangiti akong tumango.

Mabait talaga si Ate Eloise kahit noon pa,kung tutuusin mabait naman talaga ang mga Puentevillas,sadyang alaskador lang talaga si Donny.

"Sige Ate,puntahan kita mamaya,ibabalik ko lang muna saglit 'tong bisikleta kay Lolo." Paalam ko dito saka mabilis na tumalima.

Nasa likuran lamang ng mansyon ang bahay namin ni Lolo.Si Lolo kasi ang tenant at namamahala sa mga tauhan ng Rose Farm ng mga Puentevillas.Dito na kami pinatira ng pamilyang Puentevillas mula ng masunog ang bahay namin sa karatig baranggay,kasama ko sina Lolo at Lola samantalang si Mama naman ay nagtatrabaho sa abroad.

Naabutan ko si Lolo sa silong na nakaupo at naghihintay sa akin,kaya mabilis kong inihiga ang bisikleta at lumapit dito.

"O apo?nakasimangot ka,mas lalo kang papangit niyan." Si lolong tumayo pa para yakapin ako at halikan sa noo.

"Lolo naman eh.. maganda naman ako eh,ako nga ang Ms. Universe mo di ba?" nakangusong sagot ko at nag ala Catriona Gray na rumampa sa harapan nito.Parang batang pumalakpak si Lolo at tuwang-tuwa sa akin sa tuwing nag momodel-modelan ako sa kanyang harapan,at ng mapagod ay nameywang pa ako at nakangiting humarap kay Lolo saka siya nilapitan at hinalikan sa noo.

SHANAWATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon