Pagkatapos naming kumain doon ng Bulalo ay napagpasyahan ng umalis. Sumakay ulit kami at sabi ni Amy ay malapit nalang ang sa bahay ng lola niya.
"Malapit nalang iyong hacienda nila Lola Magda." She announced habang nasa dulo nakaupo. Dahil nga nakakain na ang hindi na kami inantok.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa isang lumang mansyon. Sa malayo alam kong' matibay iyon at preserved ang bawat bahagi.
"Cool." sabi ni Margo ng makababa. Bumaba narin ang iba kong pinsan. Ramdam ko na ang sakit ng katawan sa haba ng biyahe. Kakapagod talaga ang umupo sa biyahe.
Alas 5 na ng makarating kami dahil napatagal kami sa kain sa bulalohan. Lalo na at kasama ang mga kaibigan ni Nathan.
Nakita ko rin ang pag-park ng motorbike ni Jack at ang pag park ng sasakyan ni Raphael. Umiwas ako agad ng makitang pababa na sila.
Maybe, they will sleep here too?
Hinawakan ni Nathan ang baywang ko. "Tired?" he asked softly. Tumango lang ako sa kanya.
"Yeah." sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri.
Hindi nagtagal ay pumasok na kami at nakita ko ang nakangiting lola ni Amy. Si lola Magda. Minsan na siyang pumunta sa kanila tito Clinton sa Manila kaya kilala niya narin kami.
"Oh! Pasok kayo mga hijo! Hija! Naku! Ang gaganda at gaguwapo ninyo. Para kayong mga model! Diyosko, sino ito apo?" sabag turo ni lola Magda kay Raphael at hawak sa braso.
"Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganito ka guwapo!"
Kinagat ko ang labi at namula ako. Damn! Why Am I blushing?
Nagsipekeng ubo naman si Nathan, Jack at ang kilala ni Amy dito na si Felix.
"Lola Magda naman.. Akala ko ba ako ang pinakagwapo mong nakita dito sa atin?"
Nakangisi naman si Raphael, aliw na aliw kay lola Magda.
"Oo Felix! Alam mong guwapo ka!" nilibot ni lola Magda ang tingin sa amin at nasapo niya ang pisngi.
"Hay! Ang gaganda at gagwapo ninyo! Lalo na itong apo ko!"
Tumango naman agad si Amy. "Of course lola."
Ngumiti ako at tinitigan si Amy.Akala ko talaga noon ay nahihirapan siya dito. Pero ngayon na nakita ko siya ulit ay masasabi kong hiyang siya dito. Namumula ang balat niya tila blooming at makintab ang buhok niyang pinagupitan niya.
"Oh siya! Dito sa amin maaga kaming naghahapunan kasi maaga kaming natutulog." ginaya niya kami sa kanilang sala. Ginala ko ang tingin sa kanilang sala.
Ang linis. Kahit luma ay halatang inaalagaan. May malaking chandelier sa itaas at paikot ang hagdan papuntang ikalawang palapag.
"Ang ganda po ng bahay niyo lola." sabi ni Margo. Iyon ang gusto kong sabihin pero nakuntento ako sa pagmasid ang pagngiti.
Nang tumama ang tingin namin ni Raphael ay nakita kong hawak niya ang cellphone kaya napatingin ako sa cellphone ko.
May text niya doon.
Can we talk later?" - Raphael.
Iniskip ko ang message niya dahil nagtext ang sa groupings namin kaya iyon ang inuna ko. Mayroon ring text ni Mike.
Kalaunan ay may text agad ni Raphael.
Who are you texting?" -Raphael.
Umirap ako at tinitigan siya na papalapit na sakin kaya umiwas ako.
BINABASA MO ANG
Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)
Romance[Filipino Book] Sapphire Sebrace, the only daughter of Sebastian and Natalia Montemayor was a perfect child in the eyes of a few not until she had a scandal with a man that's why her parents sent her abroad. But even when she returned, her issue was...