(Last Chapter) Kung gusto po mabasa ang iilang chapters ay welcome po sa aking VIP page.
~~~~
Tila napikon ko si Raphael dahilan na kahit nakauwi na kami sa bahay ni lola Magda ay hindi siya umiiyak. Bawat tingin ko lang sa kanya ay umiigting ang kanya panga at seryoso siya.
Tanghali ng makarating kami kaya mainit. Ngunit kahit mainit ay malamig parin ang simoy ng hangin. Nakababa na ako sa sasakyan at nilingon siya. Ewan ko, I felt guilty.
Alangan naman ano ang sasabihin ko? Hindi naman talaga kami. Yeah, we fuck sometimes pero hindi kami.
Sinubukan kong hulihin ng tingin niya ngunit hindi man lang niya ako sinulyapan. Kundi, kinausap niya ang isang trabahante ni lola.
"Naayos na ho ba?" rinig kong tanong niya.
Umiling ang matandang lalaki na may malaking sumbrero. Nakajacket ito na may mga kaunting dumi.
"Hindi talaga naayos ang sasakyan. Wala dito si Magda. Pumuntang Maynila at kikitain na kliyente niya sa lupa. Kung wala talaga si Magda ay hindi namin alam ang gagawin kapag nasira ang truck. Siya lang may kontak sa nag aayos e."
Lumapit ako sa kanila, kuryuso sa problema dito sa Hacienda.
"Hm... Ano pong sira ng truck niyo manong? Ginagamit po sa pagkakarga?"
Tumango ang ginoo sa akin. Bakas ang pagod sa kanyang mga mata.
"Ginagamit ma'am. Iyon nga lang nasira. Ayaw na umandar."
Kinagat ko ang labi ko. "Uh, pwede naman na bumili ng bago. I'll call-"
"Let me see Mang Kiko. Aayusin ko." putol sakin ni Raphael at nilampasan ako para samahan si Mang Kiko.
Humalukipkip ako at ang aking documents ay pinasuyi ko sa isang katulong na dalhin sa kwarto. Sumunod agad ako kina Raphael at nakita ko siyang pinuntahan ang truck na alam kong luma na.
May iilang trabahante na namamahinga sa anino ng malalaking puno. May mga kumakain sa gilid na may mesa. Kanila akong inimbitahan kaya tumango lang ako.
Nakita ko kung paano nagbulong bulongan ang ibang babae ng makita ako na dumaan sa harapan nila.
Bale apat na matatandang lalaki na ang kasama ni Raphael ng makalapit ako. May iilang gamit na rin doon.
Ilang beses ko na siyang nakitang nag ayos ng motor at sasakyan kaya alam ko na maaayos niya ang truck.
Nakabukas ang harapan ng truck na kinakargahan at inienspeksyon ni Raphael ang makina.
"Kailangang palitan ng CDI ito at clutch. Kaya namamatay kasi sunog na ang unang Cdi nito." Nakatuko ang dalawang kamay niya doon at tinitignan ang mga wire na naroroon.
"Naku hijo, mga magkano kaya iyon?" nag aalala ang matandang si Kiko.
"Huwag na ho mag alala. Ako na hong bahala."
"Maraming salamat talaga hijo."
Hindi na sumagot pa si Raphael. Ilang minuto pa ay hindi niya parin ako tinatapunan ng tingin.
So I decided na umupo muna sa malilim na parte. Hinaplos ko ang aking balat dahil sa nararamdamang ginaw. Kahit na matayog ang araw ay malamig ang klima.
Wala naman akong gagawin sa loob ng bahay. Sa tutuusin ay hindi pa ako nakakaliwaliw dito sa paligid ng hacienda ni lola. Kung may oras ako, plano kong' magliwaliw sa mga hindi ko pa napuntahan.
Nang titigan ko si Raphael ay nakatitig na siya sakin ngunit ng mahuli ko siya ay umiwas siya agad at ang kinataas ng kilay ko ay wala na ang gray v-neck shirt niya.
BINABASA MO ANG
Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)
Storie d'amore[Filipino Book] Sapphire Sebrace, the only daughter of Sebastian and Natalia Montemayor was a perfect child in the eyes of a few not until she had a scandal with a man that's why her parents sent her abroad. But even when she returned, her issue was...