Chapter 30

7.1K 201 13
                                    

As far as I can see, grief will never truly end. It may become softer over time, more gentle, and some days will feel sharp. But grief will last as long as does- forever. It's simply the way the absence of your loved one manifests in your heart. A deep longing, accompanied by the deepest love.

Somedays, the heavy fog may return and the next day, it may recede , once again. It's all an ebb and flow, a constant dance of sorrow and joy, pain and sweet love.

Nakalipas ang limang buwan and it was like yesterday. Walang naka move on sa nangyari lalo na si mommy.

Ito yung' ayaw ko na pakiramdam. Iyong kahit nasasaktan ako, nangungulila ako at gusto kong' umiyak ay kailangan magpatuloy sa buhay. Na nakikita ko ang ibang tao na nagpapatuloy sa pang araw araw na buhay nila habang ako ay nag aalala at sabik sa aking ama na alam ko na alaala na lang ang mayroon ako sa kanya.

Walang oras na hindi ako nananalangin. Nananalangin na sana maayos si daddy 'doon' kahit alam ko na maayos siya kung saan man siya ngayon.

Nagpatuloy ako sa aking pag aaral. Minsan nakausap ko ang mga tita, tito at mga pinsan ko ngunit si Ruby ay hindi.

Thankful ako dahil nandoon si lola Christina at lolo para tignan tignan si mommy.

Alam ko na hindi na tulad ng dati, si Nathan ay mas lalong naging tahimik. Hindi ko na siya minsan maintindihan. Masyado na siyang naging distant sa amin. I don't like it.

Sa loob ng limang buwan ay pabalik balik ako ng Manila para kay mommy. Kaming dalawa naman ni Raphael ay nanatiling kumplikado.

Pakiramdam ko ay natatakot na akong sumugal. Natatakot akong isugal ang tiwala ko.

Doon parin ako tumutuloy kina lola Magda. Si Amy naman ay busy rin sa kanyang pag aaral na halos hindi magtugma ang schedule naming dalawa.

Sa lumipas na buwan ay hirap ako lalo na kapag pumuntang school dahil narin sa may iilang nagtatanong tungkol may daddy. Ni isa sa amin ay walang naglabas ng impormasyon. Nanatiling tikom ang bibig ng buong pamilya pero alam kong tinatrabaho nila tito Damon ng palihim ang mga dapat gawin.

Nakasuot ako ng uniform ng lumabas ng kwarto. Nasanay na ako sa bawat labas ko ay agad lumalapit sakin si Choco. Winawagayway nito ang kanyang buntot na tila ba ako ang kanyang amo.

"Hm, you grow so fast," napuna ko ang paglaki ng asong ito. It licked my hand kaya napangisi ako.

Kadalasan ay hindi ko rin nakikita si lola Magda sa umaga dahil tulog pa.

Nang makalabas ay nakita ko ang makapal na hamog. Ramdam kong' nanuot agad sa aking balat ang lamig.

Mabilis rin akong maka adjust sa pamimuhay dito kaya hinanap ko agad ang susi ng kotse ko sa bag para iyon ang dalhin.

Malaki ang Unibersidad kaya kailangang maaga pa ay nandoon na ako.

I was driving when Raphael called me. Sinagot ko ang tawag niya.

"I'll fetch you in the afternoon. Doon na tayo kakain sa condo. "

Napapikit ako ng marinig ang sinabi niya. Bakit iba ang dating sakin? Bumuga ako ng hangin.

"Okay."

"Your body guard is still around. Don't be hardheaded please."

"Alright."

Dalawa kami ni mommy ay may mga bodyguards sa tulong ni tito Marco. Sa nangyari kay daddy ay mas lalong naging aktibo ang relasyon ng Mondragon sa amin. Kung noon ay close sila ni daddy ay mas lalo na ngayon dahil sa nangyari.

Lahat sila ay naging protective pagdating sa amin at hindi ko sila masisisi.

Huminga ako ng malalim ng makapasok sa Unibersidad. The University has tight security. In the past five months, I gradually got to know my classmates, but it didn't get to the point where I was close to anyone.

Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon