Chapter 18

9.3K 443 47
                                    

"Kamusta kayo hija? Hijo?" si lola Magda habang nilalapag ni Nathan ang mga bagahe ko. Huminga ako ng malalim at nalanghap ang amoy probinsya.

Iba nga talaga ang amoy dito. Malayo sa usok.

Ngumiti ako kay lola Magda. Nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Hay. Mabuti naman at ligtas kayong dalawa. Nabalitaan ko ang nangyari. Ang babaeng iyon talaga. Mabuti pa at dito muna kayo sa akin at ako'y nalulungkot kapag mag- isa. Si Amethyst naman ay busy sa pag aaral."

"Salamat lola. Dito po muna si Sapphire. Babalik po ako sa Manila."

Nilingon ni Lola Magda si Nathan. "Aba'y akala ko dito kana rin. Mag iingat ka doon hijo."

Sumaludo lang si Nathan kay lola habang nakangisi. Tinignan akong muli ni lola Magda.

"Hay. Ang ganda ganda mong dalaga." Kinagat ko ang labi ko ng nilakbay niya ang tingin sa aking kabuuan. "Nakakainggit! Naalala ko ang kabataan ko. Natural na brown ang iyong mga mata at buhok. Ang kinis mo rin! Hay!"

"Lola, Ang ganda mo nga rin hanggang ngayon. I bet, dami mong manliligaw?" humalukipkip ako sa kapritsuhan ni Nathan. Nasapo tuloy ni lola ang pisngi at namula.

"Talaga? Hay. Oo nga e. Iyong mga trabahante ko na biyudo..Hay ewan!"

Hindi ko na mapigilan ang pagtawa sa kapilyahan ni lola Magda. Inihatid ko si Nathan sa gate ng mansion at naramdaman ko agad ang paninibago dito sa lugar at pagkamiserable.

"Take care your self here." he kissed my hair. I nodded and did not say any word. I think, kung magsasalita pa ako ay manginginig lang ang boses ko dahil sa aking emosyon. I chose to be silent,instead.

I watched our hi-ace van, habang papaalis. I can't help but to think what would be like living here in province? The city of Tagaytay is a bit far from here.

I saw how vast the surroundings here. Mostly I see some trees, fruits and flowers unlike to the big towers of Manila.

Nakita ko ang iilang trabahante na tumitingin sa akin. May dala dala silang baskets at iba pa. They looks so happy with their simple life.

I'm wondering, what if I was raised in a simple environment like here? These people looks healthy and happy at the same time.

Kahit simple ang pamumuhay, walang sapat na pera at walang magandang pananamit ay malusog at masaya sila.

Nakakahawa ang kanilang ngiti sa labi kaya napapangiti na rin ako.

Pumasok na ako sa loob ng mansion. Ang mansion ni lola Magda ay malaki ngunit antigo na. Gayong luma man ay matibay naman ang pagkakagawa at tingin ko ay pinapaayos ito ni lola. Halata kapag titignan na alagang alaga ang mansion.

"Ma'am, kape po?" isang babaeng tingin ko ay haciendera dito dahil sa kanyang kasuotan. Nakangiti siya sa akin.

I was shock a bit dahil hindi pa ako nakakatikim ng barako na kape.

"Uh, thank you!"

"Maam, magsabi kalang ng gusto mo sa mga katulong. Marami pong bulaklak at prutas dito. Gusto mo ma'am magpakuha ako ng bago para fresh po?"

"Uh no. I'm okay with the fruits in the fridge."

"Okay po ma'am. Maiwan na kita."

And the people are so kind and approachable. This is new to me. Ang Manila kasi masyadong toxic. Naiintindihan ko ang paningin nila sakin because of my scandal. But it's just depressing to think about it.


Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon