“Alam mo iyang si sir Mondragon ay sadyang heart throb dito. Swerte mo nga at siya 'yung teacher mo sa iilang sub."
Pauwi na kami ni Almira ng hapon. Pinagtitinginan na naman kami. Ilang beses ko na narinig ang transfere na salita sa kanila.
Tahimik lang akong pinapakinggan ang mga litanya ni Almira. She left her carreer abroad at pag aaral dahil sa mga hindi nagustuhan ng kanyang daddy. Masyado siya doong liberal kaya siya pinauwi dito.
"You are quiet Popular here huh?" tukso niya. Nang makalabas kami ay nakita ko ang sundo niya. My model friend bid a goodbye for me.
Umismid lang ako sa kanya. "See you tom Alms."
Ngumisi siya sakin at nauna na siyang umalis. I sighed. Hindi ko ini-expect na makikita ko ngayong araw si Raphael dito.
Kakauwi ko lang ng mansyon at umingay na agad ang cellphone ko sa tawag ni Amy.
I step in my room and dropped all my things. Nakaka pagod ang araw ko ngayon. Hinubad ko ang aking uniform at humilata sa kama.
"How’s the province cous?" I asked immediately.
"Nakakairita dito! Alam mo ha. May tao ditong sobrang hambog e. Akala niya siguro kung sino siya e hamak na ako ang apo ni lola dito. Trabahador lang naman siya dito. Nakakainis! Ang bastos!"
"Who was it?" I bit my lip. "Bakit galit na galit ka?"
"Ewan. Sementeryo naman ang apilyedo." maktol ng pinsan ko na pinatapon sa probinsya ng lola niya. I feel bad for her.
"Hmm. Ayos lang yan. Nakakastress dito sa City. Gusto ko nang bumalik sa US. I miss the fun there."
We talked about things. Marami actually. Namalayan ko nalang na kinakatok na ako sa kuwarto for dinner.
I ate dinner with my family that day.
"Pa, I'm going out. Birthday ni Bradley." paalam ni Nathan kay papa. "Isasama ko si Saphire."
Kinagat ni Nathan ang labi. Tahimik naman si mama sa tabi ni papa habang uminom muna si papa sa kanyang tubig bago pinagsiklop ang mga palad at tinitigan ako.
"Take good care with your sister Nath."
Nathan nodded seriously. "Always pa."
Hindi ko inaasahan ang pagpaalam ng aking kapatid kay papa. Nag ayos ako ng sarili bago bumaba.
I just wore a v nect tube top at itim na pantalon. I ponytailed my hair.
Nang makalabas ako ay nakita kong nakapark na sa labasan ang sportscar ni Nathan. Hinahayaan siya nila mama at papa sa lahat ng gusto niya. Minsan, napapagalitan dahil sa pagkakasangkot niya sa mga gulo.
"Hindi mo ako sinabihan kanina." bungad ko sa kanya bago niya binuksan ang kanyang sasakyan na kasing itim ng gabi. He likes black color.
"Masama bang makipag bonding with our princess?"
Ngumisi ako at umiling bago pumasok sa kanyang sasakyan.
Seryosong nagmaneho si Nathan. Bata pa para sa bagay na ito pero disiplinado naman siyang magdrive.
"Saan ba gaganapin ang birthday ni Bradley?" I asked him.
"In their house."
I nodded. Hindi ko alam kung sino itong kaibigan niya.
Ang venue pala ng party ay sa bahay ng friend niya. Hindi na ako nagtaka kung bakit may nag iinuman at sayawan. Open ang mansyon na ito sa lahat.
BINABASA MO ANG
Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)
Romance[Filipino Book] Sapphire Sebrace, the only daughter of Sebastian and Natalia Montemayor was a perfect child in the eyes of a few not until she had a scandal with a man that's why her parents sent her abroad. But even when she returned, her issue was...