Nakatitig ako sa walang hanggang karagatan na nasa aking harapan. Hindi ko mawari kung saan galing ang guwang na nararamdaman ko sa aking dibdib. Para bang ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaginhawaan at kakuntentuhan buong buhay ko.
Mayroon akong amnesia. Kahit isang linggo na mula noong magkamalay ako ay may mga pasa parin ako sa katawan at may sugat sa balikat. Nang magising ako ay nasa hosptal ako sa Mindoro ngunit ng maging maayos ay hindi ako pinatagal sa hospital at agad kaming nagbiyahe papunta dito sa Semirara Island by a boat.
Nakakahiya rin sa mga tumulong sakin dahil ang bait nila at malaki siguro ang nagagastos nila sa hospital ng pinagamot nila ako. Sa lahat na paggamot sakin ay hindi nila sinabi kung magkano ang kanilang binayad at ng makausap ko ang doctor ko na mula pa Mindoro ay hindi ay alam ko na mahal ang kanilang binabayad.
Pero paano nila na-aafford iyong gayong nakatira lamang kami sa isang de-kahoy na bahay, maliit, simple ngunit kumportable ako at kumpleto sa gamit.
Nakita nila ako sa pantalan ng Bulalacao ng Mindoro ng pauwi na sana sila dito sa Semirara. Ngunit naudlot ang kanilang pag uwi ng makita nila ako at pinagamot nalang sa isang Hospital.
Nahihiya man ako ng sobra ay wala rin akong magawa. Hindi ko alam kung saan ako galing. Hindi ko rin alam kung sino ako...bakit ako napunta sa dagat?
Hinaplos ko ang sugat sa aking ulo na sanhi kung bakit ako may amnesia. Wala paring natitrigger sa utak ko ngayon. Wala akong maalala kaya parang hindi ko alam ang mararamdaman ko habang nakatingin sa malawak na karagatan.
Siguro napakasalimuot ng buhay ko noon dahil bakit ako nakita sa tabing dagat? Is someone trying to kill me? O baka nagpakamatay ako?
Hindi rin ako makatanong kina tita Mamang at tita Cel dahil wala talaga silang alam tungkol sakin.
Minsan kung gabi ay umiiyak nalang ako dahil blangko at walang laman ang aking alaala.
May mga kapitbahay rin kami dito sa dalampasigan. Nakahanay hanay ang mga bahay at puro maliliit dahil sa alam kong puro mahirap ang nakatira dito. Ang alam ko ang malalaking bahay ay nasa malapit sa palengke pa.
Sumilip akong muli sa bintana pagkatapos ko iyong iangat upang makita ko ang dagat. Napakaganda ng lugar na ito. Kung ako ay mayaman lang ay mas gugustuhin kong dito magpatayo ng isang resort dahil sa ganda nitong lugar. Mabuti at hindi pa ito nakukursunadahan ng mayayaman na taong bilhin ito dahil sa malaparaiso nitong kapaligiran.
Dahil hapon na ay napagpasayahan kong lumabas ng maliit na kwarto ko. Doon ko nakita si tita Mamang at tita Cel na nag uusap habang nagkakape.
"Ewan ko nga talaga ate. Kung magbayad tayo ng para sa ating benepisyo e' wala pang diyes minutos ay naprocess na pero kapag gagamitin na natin iyong benepisyo e' trenta ang nakalista para ipapirma natin at anu-ano pa! Parang mauuna akong mamamatay bago ko matapos ang mga requirements na iyon eh!" si tita Cel at umiling iling pa.
Mas matanda si tita Mamang kay tita Cel ng ilang taon. Huminga ng malalim si Mamang.
"Tsaka nalang ako magpapagamot. Mababawi naman natin iyon kung magtitinda tayo uli. Malawak ang dagat...Sipag lang ang puhunan at huwag natin abusuhin para mas sobra ang ibalik sa atin."
Kinagat ko ang aking labi at mas lalong tinamaan ng hiya.
Sobrang bait nilang magkapatid dahil kahit walang wala sila ay hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako. Tapos ngayon narinig ko pa ang problema nila.
Ano kaya ang puwede kong gawin? Nasa tamang edad na rin naman ako. Bukod sa may mga iilang sugat ako ay malusog naman ang aking katawan.
"Oh, Sapphire! K-Kanina ka pa ba?" nataranta ang dalawa ng makita ako na nakatingin sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)
Romance[Filipino Book] Sapphire Sebrace, the only daughter of Sebastian and Natalia Montemayor was a perfect child in the eyes of a few not until she had a scandal with a man that's why her parents sent her abroad. But even when she returned, her issue was...