I still remember when I was a kid, my parents treat me like a princess. They gave me everything I want. Lahat ng gusto at luho ko. Ngayon, Kahit ibigay siguro iyon sakin ay hinding hindi ako magiging masaya.
Ilang araw na akong nakakulong dito sa kwarto? Two days? Three? I don't really remember. Ang isip ko ay hindi mawaglit ang mukha ni Margo habang unti unting nahuhulog sa bangin.
Until now ay walang balita. Walang nakitang katawan. Hindi siya nakita.
Nakaupo ako sa gilid ng kwarto ko at nakatukod ang ulo sa aking tuhod na nakabaluktot. I can't sleep either.
Bumukas ang pintuan at pumasok agad si mommy. Umawang ang labi niya at agad akong dinaluhan. Ramdam ko agad ang sakit ng mga mata ko.
"Anak... What are you doing?" namumula agad ang mata niya. Tinitigan niya ang pagkain na hindi ko nagagalaw. Huminga siya ng malalim.
Fuck. Hindi ko dapat pinag aalala si mommy ng ganito. tumayo ako at umupo sa kama.
"I am going to eat n-now mom." sabi ko at kinuha ang pagkain sa bedside table at kinain.
Inagaw iyon ni mommy sakin. "This is not good . P-panis na ito ."
Tinitigan ko si mommy na binigay ang pagkain sa katulong. Nanghihina ako dahil nakalimutan ko na kaninang umaga pa iyon.
Agad na umalis ang katulong para palitan ang pagkain ko. Uminit ang mga mata ko ng makitang umiiyak si mommy na hinawakan ang kamay ko.
"Mom , i'm okay." garalgal ang boses ko.
Umiling siya at tinitigan ako. Her eyes really looks like mine. This is the first time that I saw her cry. She is always stiff and formal before. Seeing her like this shattered my heart into pieces.
Now it's clear to me that maybe, I am the blackship of this family. Kasi, pakiramdam ko ang dami kong nagawang mali . For me Nathan is perfect. He like to earn his success. Hindi siya umaasa kay mommy at daddy. May sarili siyang investments at pera. Habang ako ay
"This is not the life that I dream for you.."
She caressed my hair.
"I will do everything for you. Kami ng daddy mo. Hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo a-anak. Hahanapin namin si Margo.A-anak-" tuloy tuloy na dumaloy na ang luha ni mommy. Kinagat ko ang labi para pigilin ang iyak.
Gumaan ang pakiramdam ko ng araw na iyon. Si papa ay palaging naging busy simula ng nangyari iyon. Tinutulungan niya si tito Damon. I can't help to blame myself. Ako iyong hawak kamay ni Margo bago siya mahulog. Sinisisi ko ang sarili ko dahil masyado akong naging takot ng oras na iyon.
Pansamantala akong homeschool. Ngayon lang na hindi ko pa kayang bumalik sa school. I think , I can do all my studies at home for now. Nakaligo na ako at nasa kama, handang handa na mag aral ng may kumatok ng ilang beses sa pintuan.
Binuksan ko iyon at nagulat ako ng bumulaga si Emerald at Amy sakin.
"W-what are you doing here?" Nagtataka kong' tanong. Kinagat ni Ems ang labi at niyakap ako. Niyakap rin ako ni Amy.
"You are not replying to my text messages." aniya.
"Kelan ka dumating? Hindi na ako gumagamit pa ng cellphone Amy." tanong ko ng pumasok na sila sa kwarto at dumapa sa malawak ko na kama.
"We're worried . Gusto ka naming yayaing lumabas." Nagkatitigan sila ni Emerald. Huminga ako ng malalim at tinitigan ang mga blooming ko na pinsan.
"Saan naman? W-what about Margo? AMY, may balita na ba sa kanya?"
BINABASA MO ANG
Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)
Romansa[Filipino Book] Sapphire Sebrace, the only daughter of Sebastian and Natalia Montemayor was a perfect child in the eyes of a few not until she had a scandal with a man that's why her parents sent her abroad. But even when she returned, her issue was...