Chapter 20

9K 393 17
                                    

Authors Note; Ito pong update ay matagal nang nakapost sa aking Vip page. For membership, just pay 200php for vip benefits and more. Just click my fb link for inquiries. Click Below.

https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL




~~~~~~~~

Mahimbing ang tulog ko ng gabing iyon dahil narin sa malakas na hangin at mumunting ulan. Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Dito sa probinsya talaga ay pakiramdam ko ay mag iiba ang aking life style. Kasi dito, maaga pa lang ay halos gising na ang lahat.

Ang mansyon rin ni Lola Magda ay open sa lahat. Masasabi ko na magaling maghandle ng bisita lalo na sa kanyang trabahante si lola Magda. Kaya siguro ayaw nang umalis ng kanyang mga trabahante dahil narin sa mabait siya.

Malaki rin ang pagtanaw loob ko kay lola Magda kaya hindi ko hahayaan na mauwi sa wala ang pag aaral ko dito. Para na rin kay mommy at daddy.

Kakabangon ko lang sa kama at hindi ko pa magawang tumayo. There's so many things bothering me. Akala ko porke na masarap ang tulog ko kagabi ay wala na akong iisipin pagkagising ko, but I'm wrong.

Hindi na nakatawag pa sakin si mommy at daddy kaya ngayon naisipan ko na magsend ng message kay mommy.

Bumangon ako ng maalala na kailangan kong pumunta sa Unibersidad, mabuti nalang at mayroong kurso dito ng Business Management, ganoon rin ang kurso kasi ni Amy. I think mommy already talked with the owner of the University about my move.

Inayos ko muna ang mga documents ko bago ako naligo para bumaba. I wore a white spaghetti top na may zipper sa harapan at high waist skirt na kulay pink. Magdadala rin ako ng jacket dahil malamig dito sa Tagaytay lalo na ngayon na maya maya ang ambon.

Hindi na masyadong basa ang aking buhok ng bumaba at nakita ko na doon si Amy na nag aayos ng mga hotdog sa mesa.

"Good morning. Where's lola?" tinitigan ko ang ref at nakakita roon ng karne.

Amy was wearing her uniform. A white blouse, may butones at may checkered na blue sa sleeves. Ang skirt niya na medyo maiksi ay kulay blue na checkered rin.

Ngumuso ako dahil days from now, iyan narin ang susuotin ko.

Ngumisi siya sakin. "Nasa hacienda na. Maaga siya doon. Bagay sayo ang ganitong uniform. Pagpunta mo doon mamaya ay bibigyan kang uniform kapag makabayad kana."

Tumango ako sa sinabi niya. She looks sexy with her uniform. Ang buhok niya ay nakapuyod rin. Clean and neat, I must say.

Nagluto kaming pochero para sa aming breakfast, sinadya namin iyon para marami at kahit na tanghali makarating si lola ay may kakainin siya.

Napuna ko rin na sanay na sanay na si Amy dito. Kunsabay, kung gusto mo talaga makapagtapos ay gagawin mo ang lahat. Alam ko rin na may gustong patunayan si Amy sa parents niya.

Lumabas na kami ng bahay at agad akong natulos sa kinatatayuan.

Siniko ako ni Amy ng makita namin si Raphael na kausap ang matandang Ginoo. Naka white T shirt lang siya at pants. Ilang beses na rin ako nakakita ng lalaking may tattoo pero si Raphael na may tattoo sa kanyang kamay ay iba ang impact at dating sakin. Ni wala siyang kahit anong kolorete sa kanyang katawan.

Napabuga nalang ako ng hangin.

Exagge naman na bumuntong hininga si Amy.

"I think, mauuna na ako. Antayin nalang kita doon." aniya na may mapanuksong titig sa akin.

Tumango ako sa kanya at tinitigan siyang pumasok sa sasakyan na alam kong pinadala pa ni tito Clinton from Manila.

May mga nagbago kay Amy simula ng dito na siya nanunuluyan kay lola. It's a good thing too, kasi nalalayo siya sa mga nakakaaway niya sa aming dating Unibersidad.

Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon