The next day, nakita ko agad si mommy sa sala. I think, she never bother to wake me up ng dumating sila ni daddy. Nakita ko rin si tito Marco na kinakausap si Daddy.
Tinitigan ako ni daddy at pinili ko na hindi na sila abalahin pa. Nakasuot ko pa ako ng roba ko kagabi dahil kakagising ko lang.
"Mom." I hugged her. Ang kanyang tiyan ay halata nang malapit na siyang manganak. Ang kanyang mukha ay nag iba rin, I mean, her eyes were deep.
"I am thankful you are okay." humalukipkip siya. "I bet your brother already told you about that crazy woman?" her voice was cold but full of disgust when she said the last word.
"Yes mom." napatingin ako kay dad. I know dad reputation of course. Kahit di man sabihin ni mommy at kung sinuman, alam ko na agad ang kabataan ni dad. Sa tindig palang ni daddy at mukha.. I'll stop right here. I have no comment.
At hindi nga nagkamali si tito...Uh... Marco sa kanyang sinabi dahil ang huling choice ni mom at dad ay ang itransfer ako sa Tagaytay for this year.
Hindi na nagiging stable ang pag aaral ko simula 'nung nagkaproblema samin ni Raphael, about the video. Simula 'nung nawala si Margo. At ngayon na ginagambala kami ni Elizabeth Lee.
Noong araw rin na iyon ay nagkaroon ako ng klase at narinig ko ang pagkausap ni mom sa teacher ko.
Ngayon, ayokong make-alam sa desisyon nila para sa akin dahil alam ko na sa mga oras na ito ay sila ang nakakaalam ng tama para sa akin.
Ang pangyayari ay naging mabilis lalo na at nag aalala si daddy para sa kalagayan ni mommy. Siguro, doon na rin sa Tagaytay si mommy manganganak. Peaceful ang lugar na iyon at naalala ko pa kung gaano kaganda doon.
Inaayos ko ang aking gamit at nasa kama ko si Nathan, he's topless at nakatingin lang sa kisame.
"Saan ka mananatili Nath?" tanong ko sa kanya. Tinitigan niya ako at huminga siya ng malalim.
"Sa Pad ko lang. Don't worry about me. Kailangan na dito lang ako. Graduating na ako ng high school. I need to focus. "
Umirap ako sa kanya. He's maybe young pero matangkad pa siya sakin. And he explore a lot.
Masyado siyang malapit sa mga bad influence sa kanya tulad ni Jack at James Felix at Raphael. Ayoko pa namang mapariwara ang buhay ng kapatid ko.
"Call me if you need anything." aniya. I smirked. Wow huh? Sa kanya pa talaga nanggaling?
Ngayong hapon ang paghatid ni Nathan sakin sa Tagaytay. I felt nothing.
Siguro kung may mararamdaman man ako ay saya dahil sa makakabalik na ulit ako ng skwela. Iyong hindi na ako ulit homeschool.
"Nathan, bakit nga pala nakapasok dito sa village si Eli na iyon? Di'ba maigting ang pagbabantay ng mga guwardiya dito?"
Tumayo na si Nathan at sinuot ang kanyang damit. Napatingin ako sa kanyang katawan, balik sa kanyang mukha.
"She shoots the guards of the village Princess. Yeah, that's how dangerous that woman is."
Nanliit ang mga mata ko. So, ito ang mga nasa isip ko. Si Elizabeth Lee ay ex-fiancee ni daddy pero nakilala ni dad si mommy at mas pinili niyang pakasalan ang mahal niya. Ayaw ni dad sa fix marriage so, he broke the rules.
Ang pagmamahal nga naman. Merong nababaliw at kayang gawin ang lahat. Merong nakakagawa ng kasalanan at mali dahil sa pag ibig. Merong nagiging masaya. At Merong naging malungkot.
Dalawang oras lang ang tulog ko at kumain lang ako ng konti. Nakita kong' binitbit na ng kapatid ang aking dalawang maleta pa Tagaytay. Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik dito. Hindi ko pa alam kung kailan ang alis dito nila mommy.
Nang lumabas ako ay nandoon na rin si dad sa labas at siya ang nagkarga sa likod ng hi-ace van ng mga maleta ko. Sumunod naman ang dalawang katulong na may dalang tig dalawang bag.
Ngumuso si dad ng makita niya ang nga iyon. Humalukipkip ako at huminga ng malalim.
"May nakalimutan kapa ba princess?" nang uuyam na tanong ni Nathan. What's their problem with my baggage?
Nakita ko naman ulit ang isang katulong na may dalang isang mini-maleta na naglalaman ng personal na gamit ko. Kinuha iyon ni dad at kinarga.
"Ito lang ba lahat?" tanong ni dad.
"Yeah."
"Dadalaw kami ng dad mo doon." aniya ni mommy. Umiling ako at naramdaman ko ang halik ni dad sa aking buhok. He's so tall at halos dibdib niya lang ang nakikita ko dahil nakabukas ang butones doon, nakita ko ang iilang tattoo ni dad doon.
"Mom, magpahinga muna kayo doon ni dad. Don't worry about me. Safe ako doon. And... Malapit ka nang manganak."
Ngumiti si mommy at niyakap ako. Naramdaman ko rin ang paghalik ni dad sa pisngi niya. Niyayakap kaming dalawa ni dad. I felt shallow.
"I'm always here Sapphire. No matter what. If you have problems, please don't keep it. Tell it to us. I will help you as long as I can. I will always..understand you Princess." dad whispered while caressing my hair. Humigpit rin ang yakap ni mommy sakin.
Parang may kung anong bumabara sa lalamunan ko.
I've heard once, that dad was once a cheater? I've heard it in school sometimes. Pero bakit hindi ko iyon mapapatunayan ngayon? He's the best dad. Hindi kailanman nahirapan si mom sa buhay namin kung hindi lang minsan sa problema na binibigay ko. Sa pagpapasaway ni Nathan. Iyon lang.
Pero kung tatanungin ako na naging masama ba si dad samin ngayon? Iyon ang walang katotohanan. Wala na akong mahihiling pa kay Dad. Kahit di na namin sabihin, alam na ni dad at ibibigay niya.
"I love you my, dy."
Ginawa ko lahat para huwag umiyak bago ako umalis. Tila naramdaman ni Nathan ang damdamin ko kaya nagpatugtog siya.
"Is that fine?" he asked. I was mesmerized by the beautiful view na nadadaanan namin.
Tagaytay is like a beauty of Nature. Ang daming halaman, malamig at walang usok at kahit anong basura.
"Yeah, malapit na tayo?"
"Oo. Kakain muna tayo."
Kumain kami sa isang bulalohan. I was wearing a gray jacket, a midriff top at highway jeans.
Pinuyod ko ang buhok ko ng makatapos na kaming kumain.
"Dami mong pera ah?" napuna ko kay Nathan ng magbayad siya kanina.
He smirked. "Investment princess."
Yabang neto!
Nakita ko na ang pamilya na likuan papunta da bayan nila lola Magda. Hindi ko pa alam kung alam na ba ito ni Amy? I think so.
Biglang tumunog ang aking cellphone at nakita ko ang pamilyar na numero.
Kinagat ko ang labi. "Hello R-Raph?"
"Susunod ako. May tatapusin lang ako dito sa Manila."
Nangunot ang aking noo. "For what?"
Ilang sandali siyang hindi kumibo bago nagsalita. "For you Sapphire. Ako ang naatasan ni dad na bantayan ka."
Fuck? Tumingin ako kay Nathan at sa daan lang ang tingin niya.
Ano nalang mangyayari kapag si Raphael pa ang magbabantay sakin?!
BINABASA MO ANG
Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)
Romance[Filipino Book] Sapphire Sebrace, the only daughter of Sebastian and Natalia Montemayor was a perfect child in the eyes of a few not until she had a scandal with a man that's why her parents sent her abroad. But even when she returned, her issue was...