Chapter 15

8.4K 372 25
                                    

"Are you okay?" Emerald asked after our long day. I smiled softly at her.

"Yes Ems."

Huminga siya ng malalim at lumabas na ako ng sasakyan. Siya naman ay hindi na lumabas dahil ihahatid pa siya pauwi. Medyo gabi na ng makauwi kaming dalawa.

"Sana nga lang hindi magbago si Ruby." aniya at humalukipkip. "Ayokong masira tayo." aniya.

Maski ako. Ayokong masira kami. Mula noong pagkabata ay malalim na ang pinagsamahan namin. But Ruby, has changed.

Hinatid na si Emerald ng driver namin at ang mansion ay tahimik ng makarating ako.

Dumiretso ako sa shower para maibsan ang bigat na nararamdaman. Minsan, gusto kong magbabad sa bath tub o di kaya ay sa shower. Actually, I spent a lot of time showering. Kasi nakakagaan sa pakiramdam pagkatapos nun. Sa US, ganoon ang ginagagawa ko. Kapag hindi winter ay palagi akong nagbababad sa bath tub at mas maraming oras ang nilalaan ko doon kaysa sa aking kwarto.

Pagkatapos kong mag shower ay nagbihis na ako. When I am done with my thing ay bumulusok agad ako sa kama at sakto ang pag-ring ng aking cellphone.

It's mom!

I answered it immediately. "Mom? Kamusta?" Tinitigan ko ang sarili sa salamin..Tinitigan ko ang mahaba kong buhok. I am wearing a silky night robe. Hindi ako sumusuot ng kahit ano under nito.

"Hija, gabi na diyan di'ba? Huwag kang masyadong gumala."

I sighed. For me, hindi na dapat ako nila mommy pa na isipin. I gave them a bunch of headache since then. Ayoko nang dagdagan pa ang mga iyon.

Una, my scandal with Raphael which spread like a wind everwhere on social media, tinakpan nila daddy iyon o pinagtanggal. Pero alam ko na marami paring nakakita.

Second, what happened to Margo is all my fault. I am there. I was holding her hand but..Ugh! Paano kaya kung hinayaan ko nalang ang sarili na kagatin ng ahas para maligtas si Margo? Makakahanap kaya ng lunas si Nathan? O ang mga pinsan ko? Mag aalala rin ba sila?

Pumikit ako ng marrin. "Mom, don't think about me here. Maayos po ako dito. Bibisita rin ako bukas kay Nathan."

"Right. Uuwi kami ng dad mo soon. May expected date is near so..I need to be there."

I nodded and I feel how excited I am right now for my baby brother.

"Take care mom. I love you."

"I love you too. By the way, before I forgot. Tumawag ang tita Kylie mo na puntahan mo naman raw bukas si Amy sa Tagaytay. Birthday ng lola Magda niyo."

Medyo malapit na sa amin si lola Magda. Noong bata pa ako, alalang alala ko pa na dinadala ako doon minsan nila daddy at mommy. Lalo na at may white house sila dito daddy sa Tagaytay kaya bininisita na rin nila si lola Magda.

"Alright. I will tell Nathan."

Tinapos ko agad ang tawag. Tumayo ako at lumapit sa bintana ng kwarto ko. I have to call Nathan when I noticed someone, outside our gate.

Sa kurba ng katawan kahit na nakahoody jacket siya at pantalon, I can figured it out that it's a girl.

Alright, hindi naman bago sakin makakita ng ganyan ayos ng babae pero sa ganitong oras at....Paano nakakapasok kung gabi na? Maybe bisita ng ibang bahay dito?

Nangunot ang noo ko ng may nilagay ang babae sa ilalim ng gate at agad na umalis! Who is she? Kitang kita lang mula sa kwarto ko na nasa ikalawang palapag ng mansion.

Hindi ko gigisingin ang mga katulong para lang dito. Our guard is just outside our house. Suspetsa ko ay tulog ang guard ng bahay kaya hindi nakita sa CCTV na may babaeng naglagay ng kung anong bagay sa gate namin!

I took the key of our gate at lumabas ako ng mansion. Hindi ako nakaramdam ng ginaw o anuman.

Saktong lumabas ako ng mansion ay may tumawag na naman sa cellphone ko.

Matagal nang walang tawag o anuman si Raphael sakin simula ng sabihin ko sa kanya na tumigil na kami sa mga bagay na hindi dapat unahin. At isa siya sa mga bagay na gusto kong huwag munang intindihin sa ngayon.

But... dahil narin sa nakita ko at sa abilidad ni Raphael ay mukhang kakailanganin ko nga siya ngayon.

"Hello?" I said while getting out of our house. Tinungo ko ang gate namin.

"You are not replying my messages-"

"Raph, someone just put a paper on our gate." putol ko sa anumang sasabihin niya sakin ng makita ko na may papel doon. Hindi ko na kailangan pang buksan ang gate dahil nakasilip na iyon sa ilalim.

"W-What? Wait.. Fuck! Don't touch the paper. Wait for me there."

Kinagat ko ang labi. Pinipigilan ko ang sarili ko na galawin iyong papel! Kailangan kong sundin ang sinabi ni Raph.

Hindi nagtagal ay nagtext rin si Nathan sakin!

I'm going there. -Nathan

Napalunok ako dahil baka malaman nila mommy at daddy. Problema na naman ito.

"Ma'am, ano pong problema?" yung guard at bagong gising. Hindi ko siya pinansin lalo na at bagong gising. I understand na hindi talaga nakakayanan ang antok at nakakaidlip sila kaya ayokong magalit.

The woman is suspicious.

"Manong guard, Uh, I saw a woman dropped this." tinuro ko ang papel na sumisilip sa ilalim ng gate.

Agad na napamura ng mahina ang guard at nastress sa nangyari. Humalukipkip ako at nagising rin ang dalawa naming katulong.

"Ma'am, dark chocolate po?" she offered me. Tumango ako at umupo sa upuan na nasa balkonahe ng mansion namin. Nilatag doon ng katulong ang mainit na tsokolate.


Maya maya pa ay dumating agad ang dalawang sasakyan. Ang isa ay kay Nathan, ang isa naman ay kay Raphael.

Alam ko na may mga nasabi ako noon kay Raphael na hindi maganda ngunit ayokong isingit iyon ngayon lalo na at hindi ito ang tamang pagkakataon.

Pumasok agad si Nathan para titigan ako. He's wearing a white shirt at pants. Si Raphael naman ay may kasama at kinuha ang papel na nandoon.

"Alam ba ito ni mom?" tanong ni Nathan. Umiling ako.

"Hindi Nathan."

"Good." tumayo ako para sumama kay Nathan pumunta sa gate. Napalunok ako ng magkatitigan kami ni Raphael. Binigay niya ang papel kay Nathan..

"It's a letter. From Elizabeth Lee."

"Shit." napamura si Nathan.

"Huh?" naguguluhan ako. Una sino si Elizabeth Lee? Why her surename is familiar to me? Bakit parang problemado lalo si Nathan?

"Nathan, what's happening?"

"Princess, namukhaan mo ba ang babae kanina?"

Umiling ako agad at napaisip. "No. Nakahoody jacket siya na itim at nakita ko lang siya mula sa kwarto kaya nagtaka ako kung ano ang sinadya niya."

"Lumabas ka kanina?" naninugurado ang boses ni Raphael ng tanungin niya iyon.

"Oo, pero hanggang gate lang. I was suspicious so..I did not touch the paper as what you've said."

Raphael lick his lips at nagkatitigan sila ni Nathan.

"Who's she Nathan? Bakit ganoon? Anong nakasulat sa letter?"

"She wants to kill dad."

Namilog ang mga mata ko at sinaway ni Raphael si Nathan.

"I will talk to your dad about this." aniya at nagkagulo na ang utak ko.

Is this part of dad's past? Who's Elizabeth Lee?

Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon