Hindi na ako makapagsalita dahil narin sa nararamdaman ko. First, muntikan na akong mapahamak at si Raphael! Buti nalang talaga at hindi siya nasaksak! Ayokong may mapahamak ng dahil sakin.
Kinausap kanina ni Raphael ang driver ng traysikel na naghintay sakin kanina.
Ngayon, lulan na ako ng kanyang saksakyan na D-max. Pa iba iba siya ng sasakyan, siguro mas gusto niya itong D-Max lalo na at lubak lubak ang daan papasok dito.Nanatili akong tahimik at ayaw kong magsalita. Sinusubukan ko na maging independent na tao ngunit mahirap pala. Ang mga tao na nasa paligid ko ay hindi ganoon ka makakapagkatiwalaan. Nakalimutan ko na may ganoong parte ang mundo dahil masyado akong nagpadala sa saya na nararamdaman ko bilang isang dalagang gustong maging independent. Ang hirap pala.
"N-Next time...Huwag mo nang gagawin iyon." I reminded him. Nanatili siyang nagdadrive at seryoso. Hindi siya umimik kaya tinitigan ko siya.
Hindi ko maiwasang mapalunok habang nakatitig sa kanya. Honestly, kamukhang kamukha siya ng papa niya. The body, the posture, ang mukha at ekspresyon.
Kinagat ko ang labi ng makaramdam ng guwang sa aking tiyan,parang paru-parong nagkalat at kinikiliti ako.
Hindi ko maiwasang isipin na, nahahalikan ko ang lalaking ito. I mean...Damn, kung hindi lang ako nasa sitwasyong ito, gugustuhin ko na mapaangkin sa isang Raphael Ross Mondragon.
He's perfect, in a dangerous and dark way.
Parang siya iyong tipo ng mga babae na nasa fiction world. Ang katawan na mala Henry Cavill.
Pumikit ako ng mariin at hinilot ang aking mga mata. Damn! I should stop this!
Ilang minuto rin bago kami nakarating sa harapan ng bahay ni lola Magda. Tingin ko'y nandito narin si Amy.
Nilingon ko siya at nakita nakataas ang kanyang kilay sakin.
"Let's talk first." aniya sa isang business-like na tono. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.
"Saph, don't go anywhere else again without anyone with you. Alam mo ang mga tao ngayon."
I nodded. I got his point. "And I don't know what would I do,if something bad happened to you."
"I know Raph." napasinghap ako ng himasin niya ang aking baba at dumantay iyon sa aking panga patungo sa aking buhok.
"I was just too excited! Lalo na..." ngumuso ako..."Na..iyong bag ay 250 pesos lang! Imagine that? That's worth my pen lang!-"
Hindi pa ako nakakatapos ng marinig ko ang halakhak niya.
"Hm, then?"
Nanliit ang titig ko sa kanya. Tumigil ako kakasalita at umiling na lang.
"Come on, I want to hear your soft voice." mahina niyang bulong sa aking tenga.
Ngumiwi ako at tinulak siya. "Enough Raph. Let's go inside." binuksan ko na ang pintuan bago rin siya bumaba. Gabi na at siguro naghahapunan na sila sa loob.
Mas lalo akong nahiya dahil gabi na akong umuwi.
Pagkapasok ko palang ay nakita ko na agad si Amy na nakahalukipkip at nagbabantay sakin sa pintuan ng bahay. Kumaway siya ng makita ako pero hindi iyon ang napansin ko kundi ang tuta na hawak niya.
"Saphy!" binaba niya ang tuta na kulay brown at may kokonting itim sa tenga at paa. Ngumiti ako at kinuha ang tuta dahil nakita kong umupo ito sa paanan ko.
Ngumiti si Amy sa ginawa ko. "Woah! Hindi ka kinagat? Alam mo si Choco ay mainitin ang ulo pero gusto niya sayo!"
Ngumiti ako at hinimas ang aso. So it's name is Choco huh? How cute.
Ramdam’ ko kung gaano ka saya si Amy sa pagdating ko.
Hinila niya ako sa kanilang kusina at nakita ko doon si lola Magda na kumakain na.
"Hija! Dumating ka rin!" singhap niya at tumitig agad sa aking likuran. Napanganga siya at may mapanuksong ngisi sa labi. "Okay, kasama mo pala si hunky daddy..." mataginting siyang tumawa! "Kumain na muna kayo at patapos na ako. Amy, ikaw na bahala bukas sa pinsan mo ha?"
"Yes lola. Don't worry."
Umalis si lola Magda pagkatapos ilagay at hugasan ang pinagkainan habang nagkusa naman akong tumulong kay Amy na maghanda ng kakainin namin.
Sinabihan pa ni lola na kumain si Raphael bago umalis ngunit medyo lumayo sila at tingin ko ay sinabi ni Raphael ang nangyari samin kanina.
First time rin naman nangyari sakin iyon.
"Pumayag talaga si tito Sebe na si Raphael maging personal body guard mo?"
Hindi pa nakakabalik si Raphael kaya siya ang naging topic namin.
I shrugged. Tinikman ko ang ulam nila na ibang iba sa kinakain namin sa Manila pero ang sarap.
"I don't know too Amy. Pero I think si tito Marco ang nag recommend. By the way, teach me how to cook this one."
"Oh? That fish with egg? Delicious no? You know ang dami ko nang natutunan na lutuin dito dahil mahilig magluto si lola Magda."
"Maganda nga dito. Pero nababahala ako kay mommy at daddy." tinitigan ko siya at huminga siya ng malalim.
"Mom told me too. Sabi niya alagaan kita dito...She's worried to your mom. Hindi ko nga rin alam kung sino ang Eli na iyan. Tsaka safe ka naman dito kasi halos lahat kilala si lola."
"By the way, saan si Raph?"
I just shrugged at nagpatuloy lang sa pagkain.
"Hindi ka man lang concern sa kanya baka hindi pa iyon naka kain."
I was stilled in a moment ng marinig iyon. Bigla akong nakaramdam ng pagkabahala sa sinabi ni Amy. She smirked in my reaction.
Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng mabigat na presensiya sa gilid ko.
"Hm, I have to take a shower muna Saphy ha? Raph, kumain kana rin." turo niya sa lamesa at tsaka maarteng umalis sa harapan ko.
"Uh, let's eat." yaya ko sa kanya at kumuha na rin ng pagkain para sa kanya.
"Nakakain na ako. Aantayin ko nalang na matulog ka bago ako umalis." nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi.
Aalis? What? Bakit ba kasi ako nag expect na dahil siya nagabantay sakin ay dito na rin siya matutulog? Heck?
"O-Okay."
Umupo ako sa aking silya at tumango, nagkunwaring walang iniisip na iba.
Yumuko siya at nilagay ang isang kamay sa likod ng aking silya at nilapit ang labi saking tenga.
"Huwag munang aalis kapag wala ako. Pupunta tayong eskwelahan mo bukas. We'll process your docs. Bibilhan rin kita ng uniform mo."
Halos hindi ako makatingin sa kanya. "What about your work? Baka nakakaistorbo na ako huh?"
Unti unti kong' nakita ang pag angat ng kanyang labi dahil sa sinabi ko.
"It's such a pleasure for me Saphire. So much. You are more than important."
Huminga ako ng malalim at tiniis ang paglikot ng puso ko.
"Saan ka matutulog kung ganoon?"
"Hotel...babalik ako bukas. Can I have a kiss hm?"
Pairap ko siyang tinitigan. Gusto kong umapila pero nang lumapit na ang labi niya ay nanlambot na ako ng husto.
The way his lips brushed against mine...it makes me melt.
Bakit hinahayaan ko ang sarili ko na maging alipin niya? Pagdating sa ganito ay ako ang nagiging alipin?
BINABASA MO ANG
Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)
Romance[Filipino Book] Sapphire Sebrace, the only daughter of Sebastian and Natalia Montemayor was a perfect child in the eyes of a few not until she had a scandal with a man that's why her parents sent her abroad. But even when she returned, her issue was...