Chapter 37

7.2K 159 21
                                    


    "So you can't come on my graduation party?" Tanong ko kay Raphael pagkatapos niyang ipaalam sakin na hindi raw siya makakapunta. Actually, hindi talaga iyon party.

Intimate iyon para sa aming magpipinsan at pamilya.

Mamayang gabi iyon gaganapin at excited akong makauwi dahil sa wakas ay magagawa ko na ang mga plano ko para aking negosyo pagkatapos ng isang linggong pahinga.

Nakausap ko na rin si mommy na wala akong plano para sa company and she wants to let Nathan handle it in the future.

"I can't. May importante akong gagawin." he said, coldly.

Natulala ako ng ilang segundo bago tumango. "Okay."

Iyon lang ang tanging nasabi ko sa kanya. Nakakapagtaka rin dahil ang lahat ay nag-ko-congrats sakin pero siya ay hindi. We are in our fourth week of relationship and he's been cold to me.

Aaminin ko rin na mas lalo ko siyang minahal ng naging official kaming dalawa. It's like a dream for me pero not until these pass days.

Pinatay ko ang tawag at halos matulala ako sa pagd-drive pauwi ng Manila. Medyo pahapon na ng makabiyahe ako.

Isang call ang bumasag ng katahimikan  at nakita kong si Amy ang tumatawag.

I was about to reach it when suddenly someone crashed into what I was riding! I was so shocked that I stopped and almost crashed my car into a tree!

Nabunggo rin ang ulo ko sa salamin dahil sa sobrang impact! Nanginginig ako ng mga oras na iyon!

Hindi ko alam ang gagawin. Ni hindi ko naisip na pwede kong tawagan sila mommy ngunit dahil sugatan ay wala akong nagawa.

My vision was blurry and I heard a few shots! Hearing that made me wince and even more nervous!

Slowly, I unbuckled my my seatbelts in trembling hands! Kailangan kong makalabas!

I was about to get out ng may nakita akong lalaki sa labas ng kotse ko. Ang harapan ng aking kotse ay umuusok na.

Gusto ko humingi ng tulong ngunit ang lugar na ito ay walang dumadaan sa mga oras na iyon! Parang nakaplano ang lahat.

But, why?

Ang lalaki sa labas ay naka bonit na itim at tinutok niya ang isang shutgun sa akin. In my fear, I close my eyes.

So this is the feeling huh? Naalala ko si daddy. Ito rin ba ang naramdaman niya? Iyong alam niyang mamamatay siya. No choice. Walang paraan kundi ang tanggapin?

May magagawa ba ako sa oras na ito? Makakaya ko bang tumawag ng mabilisan para makahingi ng tulong kung gayong isang gatilyo lang ay mamamatay na ako ngayon?

I was ready for my death ng marinig ko na nga ang sunod sunod na pagputok! Tumili ako ng husto at umiyak. Handang handa na ako sa sakit na mararamdaman bago ang kamatayan ngunit hindi iyon dumating!

Dinilat ko ang aking mga mata ng bumukas ang pintuan at nakita ko ang lalaking gustong bumaril sa akin ay nakabulagta na!

Nakakita narin ako noon ng dugo pero ngayon mas matindi! Iba ang makakita ng dugo na sobrang dami at sa karumaldumal na paraan.

And... nakita ko ang lalaking bumaril sa gustong pumatay sakin. Nakasuot siya ng tulad sa sinusuot ni Raphael sa tuwing may mission!

Naka cap rin siya. When our eyes met, napalunok ako at hindi ko alam ang gagawin! Hapong hapo ako sa mga nangyari.

My chest was up and down while beating fast. Nanginginig rin ako at namamawis. Walang mapagsidlan ang aking takot!

"You are safe now." he said lowly, almost like a growl.

Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon