Chapter 42

6.4K 174 13
                                    

Nakatulog ako ng gabing iyon ng mahimbing. Kahit na umiyak ako ng sobra at nararamdaman ko parin ang sakit kung paano kami naghiwalayan ni Raphael ay mahimbing parin ang tulog ko.

May sarili akong kwarto sa resort at ng magising ay alam ko nang nakaalis na ang mga pinsan ko. Tinungo ko ang restaurant ng resort at umorder ng pagkain. Sa malayo nakita ko na agad si  Rollo.

Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin.

"Good morning ma'am President."

Humalukipkip ako habang inaantay ang aking pagkain.

"Take a seat."

Huminga siya ng malalim. Dahil nga pinag isipan ko ito kagabi pa ay handa na ako. Umorder rin ako ng kanyang pagkain at naningkit ang mga mata niya ng ilagay ang mga iyon sa mesa.

"About last night."

He shifted on his seat. "That is out of my work ma'am."

"I understand. Pero bilang bodyguard ko...I am here offering you something else with good payment. You just have to pretend to be my..." nag isip ako.

Napahilot siya ng kanyang batok na tila ba nahihibang na ako. Sa tingin ko ay baka nga... Nahihibang na talaga ako kapag si Raphael ang usapan.

"To be my lover..." dugtong ko na halos maisuka ni Rollo ang kapeng iniinom. Like an evil, I look at him slightly smirking.

"I will tripple the payment."

"Damn... And your ex was Raphael Mondragon? Right?"

"Right!" tumango ako sa kanya. Hindi parin mawala ang pursigido sa boses ko.

Umiling agad siya. "No ma'am. No thanks. I take this job professionally so-"

"Then you should follow your boss command. Isn't it?"

Halos hindi ko galawin ang pagkain na nasa harapan ko dahil wala akong gana.

"I will think about it ma'am." malamig na boses ni Rollo. Huminga ako ng malalim dahil halatang ayaw niya sa gusto kong ipagawa.

This is all stupidity. Napaka stupida ko dahil sa pagiging desperada! Hindi ko aakalain na magagawa ko ang mga ito. Dati...wala akong pakealam kay Raphael.

Yes! Tinago ko ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa kumpiyansa ko na sakin lang siya ganoon at hindi kailanman mawawala pero ng nakipag-break siya sakin ay parang nagwala ang puso ko.

Nakaramdam ako ng sobrang takot at narealized ko na dapat pala pinakita ko rin sa kanya noon kung gaano ko siya kagusto. From now on, ayoko nang itago pa ang sarili ko sa kadiliman.

Akala ko mas mabuting ganoon sa kadahilanan na alam ko na maraming mapanghusgang tao. Namulat ako na noon paman ay maraming humuhusga sa pamilya namin. Kahit na alam ko na isa kami sa makapangyarihang pamilya sa bansa ay alam ko na mas maraming masasama ang hadhikain sa amin.

Before, gusto ko pang gumamit ng cellphone pero ng makita ko ang issue sa pamilya namin at iba't ibang kumento tungkol sa amin...I stopped it.

Nakakakaba at nakakalungkot kaya mas pinili kong iappreciate ang natural na bagay. Lalo na ng magdalaga at may nangyari sa amin ni Raphael. The hate for me boost because of my scandal.

Mas lalo kong nakumbinsi ang sarili to stop using any platform that related to social media.

"Hello Sapphy." hapon na ng tumawag sakin si Emerald.

"Umalis na pala kayo hindi man lang kayo nagpaalam." bungad ko agad sa kanya habang nakaharap sa computer at tinitignan ang data nitong resort.

"Eh madaling araw kami umalis. Si Ruby at Amy nagpa France. Ililibre daw niya si Amy doon at susulitin ang bakasyon. Ayaw ka rin naming storbohin kaya hindi kana namin ginising."


Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon