Napansin na ni kuya Simon na iba na yung tingin ko kay Olga. Syempre hindi okay sakin yung attitude niya at yung narinig ko.
"It's okay Si." kuya Simon whispered to me.
Pero di ko siya pinansin at lumapit ako sa dining table sa harapan ni Olga.
"Look Olga you are in our home, yet you can't even show us a little respect. Are we difficult to interact with? or simply your attitude is too bad?" I said with my mataray na accent.
"Sirene can you stop?" kuya Vinny said.
"Stop? sinong bang mali samin kuya?" i sarcastically asked him.
"I know who's wrong but she's our guest."
"May kasabihan bang "Visitors are always right?" wala naman diba? and yes you are right she's a guest but she doesn't know how to respect us." diin kong saad.
"How can i respect you if you are like that?" sarcastically said of Olga.
"Why don't you say that to yourself? You should be respectful, as you are only a guest here. You are not part of our family. So you should know how to respect because we cannot make adjustments on your behalf." I said.
"Sirene I said stop! Simon please ilayo mo na si Sirene." kuya Vinny said.
"No kuya Vinny try mong kausapin yang girlfriend mo. Alam mo ang mali na dapat itama."
"Kaya nga pinapatigil na kita kasi ayokong lumala to. Ayokong pati tayo mag aaway dahil sa maliit na problema na to."
"Maliit na problema? naririnig mo ba sarili mo kuya? maliit na problema yung pinapakitang attitude ng girlfriend mo? maliit na probelma lang sayo yun? So sakin hindi siya maliit. Dahil ayokong dumating sa point na kaya din niyang bastuhin sa harap ko sila mom and dad. Nagsalita lang ako dahil sobra na yang girlfriend mo. Marami akong pinaglagpas na pagkakataon na kausapin yan at magsalita. Ngayon lang ako nagsalita dahil hindi ako papayag na babastuhin niya sa harapan ko yung kuya ko."
"What are you talking about?" Olga curiously asked.
"Ha? Hakdog." I said at umalis na ako. Nakakagigil eh parang ako pa yung mas may malaking kasalanan.
Bumalik na ako sa room ko and naabutan ko si Akira sa door namin. Sinundan naman ako ni kuya Simon pero hinarang na siya ni Akira.
"Simon, ako na kakausap." she said.
Pumasok na si Akira sa room namin at sinarado na yung pinto.
"Sirene, are you okay?"
"Yeah." I said with sobs.
"It's okay Sirene." Akira comforting me.
"Mali ba ako Aki?"
"No hindi ka mali."
"Pero bakit ganun parang ako pa yung may mas malaking mali samin?"
"May mali si Olga and yung kuya Vinny mo. Dapat una palang talaga kinausap na ng kuya mo yun eh."
"Pero bakit di niya mapansin yun sa girlfriend niya?"
"In times Sirene makikita din niya." Akira said.
After few hours hindi na mainit sa labas kaya we decided na pumunta na ng fort ilocandia. Malamang di kasama yung dalawa bahala sila jan. Dapat di nalang sumama yang Olga na yan eh nakakastress eh.
"Are you okay?" kuya Simon asked me.
"Yeah of course kuya." I said and he just hug and kissed me on forehead.
Umupo lang kami dito sa sands dito sa beach. Ang ganda ng dagat at mga alon makikita mo din na malapit nang lumubog ang araw.
Inhale exhale Sirene.

BINABASA MO ANG
My Brothers And I (SanSiVin)
FanfictionThis story is about how being a Marcoses' sister. What would your life be when you're a Marcos? Will it be difficult or simplistic? Hi everyone! My name is Ma. Feliza Sirene Araneta Marcos I'm the youngest marcos and only daughter of Bongbong Marcos...